Chapter 10
Test"Tiff!" Sinalubong ako ng yakap ni Mindy pag bukas niya ng pintuan ng hotel room nila. Nakasuot na siya ng pantulog.
"I missed you." Niyakap ko siya pabalik bago niya ako ginaya papasok ng hotel room nila. Agad akong nahiga sa isang kama dahil kanina ko pa gustong gustong mahiga. Pakiramdam ko kasi ang sakit sakit ng likod ko ngayon.
"Kumain ka na?" tanong niya.
"Hindi pa nga eh. Nag ccrave ako ng tuna pizza kanina." Sagot ko sakaniya. Tumayo ako para tangalin ang suot kong sapatos tsaka bumalik sa pagkakahiga sa kama.
"I'll order. Meron atang pizza dyan sa resto sa baba." Sumampa din si Mindy sa kama at naupo sa tabi ko habang umoorder sa telepono niya.
"How are you? Kamusta kayo ni Kier?" Tanong ko habang nakatingin sa kisame.
"OMG!" gulat akong napalingon saknaiya ng sumigaw siya.
"Ano? Bigla bigla kang nasigaw." napa-upo narin tuloy ako tulad niya.
"Sissy! Look!" napaawang ang labi ko ng iangat niya ang kamay niya para ipakita sa akin ang kumukinang na bato ng sing sing niya.
"You're engaged?!" Kinikilig siya tumango sakin tsaka umirit ng malakas. Her ring is gorgeous! Kumikinang sa laki ang bato non.
"Congrats!" Niyakap ko siya. I'm so happy for her. Nakikita ko rin naman na mahal talaga ni Kier ang kaibigan ko at responsableng boyfriend naman yung kay Mindy. Green flag baga. Hindi tulad ng ex ko na mas pula pa sa demonyo.
"How about you? Kamusta ang bago mong trabaho? Mabait ba amo mo? Tsaka ano nga palang problemang sinasabi mo kanina?" Naalala ko nanaman si Lucio. Nakauwi na kaya sila ni Lucy?
"About that.." bumuntong hininga ako. "Ok naman yung trabaho ko. About my boss, Well actually he's my boyfriend n-"
"What? Did i heard you right? Boyfriend? Boyfriend mo ang boss mo?" gusto kong batukan si Mindy sa pagka- OA.
"Paulit ulit? Yes, He's my boyfriend. Kaso galit siya sakin kaya nga ako pumunta dito eh nalulungkot lang ako don sa bahay niya." napanguso ako ng maalala ang galit na mukha ni Lucio kanina. Napakawalang hiya talaga ni Francis!
"Bakit? Anong pinagawayan niyo? Chika ka naman ni hindi ko alam na may boyfriend na ka ulit." umayos pa siya ng upo para humarap sa akin.
"Kanina kasi pumunta kaming playground para makapaglaro si Lucy and to eat breakfast-"
"Lucy?" tanong niya.
"His daughter. Tapos habang kumakain kami, nag laro si Lucy. Noong hinahanap na namin, Hindi na namin siya makita kaya nag panic kami. Nag hiwalay kami ni Lucio para mahanap agad si Lucy pero habang nag hahanap ako bigla nalang sumulpot si Francis."
"Teka nandito din si Francis? Alam ba niyang nandito ka?" kunot noong tanong ni Mindy.
"Yes. Nakabangaan ko siya kahapon sa restaurant kasama niya yung babae niya. Then kanina sa playground, Tinakot niya ako na nasakaniya si Lucy at sasaktan niya kung hindi ko siya hahalikan. Ayaw ko man gawin, Pero ayoko ring masaktan si Lucy. Ang hindi ko alam nandoon na pala si Lucio sa likod namin and he misinterpreted it. Hindi naman ako makapagpaliwanag sakaniya dahil hindi niya ako pinapansin." tumulo nanaman ang luha ko ng makaramdam ng lungkot.
"Eh demonyo naman pala talaga yang ex boyfriend mo sissy. Walang hiya talaga. About your boyfriend, Nasaan sila? Ayaw ka parin kausapin?" Umiling ako sakaniya.
"I don't know. Nagising nga ako kanina wala na sila. I tried texting and calling him pero hindi siya sumasagot. Galit parin siya sakin." Bigla akong napahagulgol kaya niyakap ako ni Mindy at sinubsob sa balikat niya. I just feel so sad.