Chapter 2

7.2K 184 10
                                    



Chapter 2
Monster

Nang makita ko na silang umupo sa silya ni Lucy, Pumunta ako sa may bandang likuran ng eroplano kung nasaan ang galley para ikuha sila ng tubig. Mainit kasi sa labas ngayon mahirap na. Nilagyan ko ng maraming yelo ang kay Mr. Fortaño at ang kay Lucy naman ay nilagyan ko ng makulay na straw para mas magustuhan niya. Nilagay ko iyon sa isang tray at tsaka dinala sakanila.

"I like her daddy, That's why i gave her my last strawberry lollipop even though that's my favorite flavor." narinig kong kwento ni Lucy kay Mr. Fortaño habang nakahiga sa isa sa mga upuan at may subo-subong lollipop.

"Water po." Napatingin sila sa akin ng tumigil ako sa harapan nila. May lamesa naman sa harapan nila kaya doon ko iyon ipinatong.

"Ate Tiffany, Sit down here please." tinapik ni Lucy ang upuan sa tabi niya. Napasulyap ako kay Mr. Fortaño na seryosong nakatingin sa anak.

"Uhm, Hindi kasi pwede Lucy. Nag tatrabaho ako ngayon." paliwanag ko sakaniya. Para namang nalungkot ang bata at sumimangot sa akin at pinagkrus ang dalawang braso.

"Hmp, You're not my friend anymore ate. Give me my strawberry lollipop back. Ikaw nga lang binigyan ko non kasi ikaw ang pinakagusto kong friend." mas lalo aiyang ngumuso sa akin. I know nag tatampo siya pero ang sarap sarap kurutin ng matambok niyang pisnge.

"Just sit down there. Tayong tatlo lang naman ang nandito." Sabi ni Mr. Fortaño. Biglang sumaya ang mukha ni Lucy at hinila hila ang kamay ko para paupuin sa tabi niya.

"S-Sige babalik ako." paalam ko kay Lucy tsaka bumalik sa galley para maibalik ang tray na dala ko tsaka bumalik kina uupuan nila.

"Come here ate!" masiglang sabi ni Lucy at tsaka tinapik ang upuan sa tabi. I feel so awkard ng maupo doon lalo na at ramdam ko ang pag titig sa akin ni Mr. Fortaño.

"Ate Tiffany, Do you have strawberry flavored ice cream?" Tinangal niya ang lollipop sa bibig pero agad ding ibinalik matapos akong tanungin. She looks so comfortable habang nakahiga sa leather na upuan.

"Yes. Do you want one?" agad siyang tumango sa akin at ngumiti. Tumingin ako kay Mr. Fortaño na nakatingin din sa amin para tanungin siya kung pwede si Lucy ng ice cream at pwede naman daw kaya pagka-take off ng eroplano, agad akong bumalik sa galley para kuhanan ng ice cream si Lucy. Si Mr. Fortaño naman ay nag request ng kape.

"Here's your ice cream." Inilapag ko sa harapan ni Lucy ang strawberry ice cream niya at ang kape sa harapan ni Mr. Fortaño bago maupo ulit sa tabi ni Lucy. Binuksan ko ang lalagyanan ng ice cream niya dahil medyo mahirap buksan ang takip non.

"Thank you ate." Napangiti ako ng mag pasalamat siya tsaka kinuha ang ice cream at kinain.

"Did you put cream on this?" napatingin ako kay Mr. Fortaño. Seryoso ang mukha niya habang hawak ang kape. Hala, ayaw niya ba ng may cream?

"Y-Yes sir. Hindi po ba kayo nag c-cream? Papalitan ko nalang po." nag mamadali akong tumayo para kunin sana ang tasa ng kape sakaniya at palitan ng pigilan niya ako.

"No, No. This is how i like my coffee." ngumiti siya sa akin bago humigop sa tasa. Nakalma naman ako at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Lucy.

"Get yourself something to eat, Tiffany." Utos ni Mr. Fortaño tsaka sumandal sa upuan niya at kunin ang laptop niyang nakapatong sa lamesa.

"Hindi na po, Sir. Busog po ako. Salamat po." mabilis akong nag iwas tingin at ibinalik iyon kay Lucy na sayang saya sa pagkain ng ice cream niya. I don't know why i feel so awkward pag nagkakatinginan kami ni Mr. Fortaño. Nakakailang kasi ang asul niyang mata kung makatitig.

The Rich Man Series #1: Lucio Anato FortañoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon