Chapter 7
Ex3 months later...
5:30 palang ng umaga ay gumising na ako para lumipat sa kwarto ni Lucy. Dito nanaman kasi ako natulog sa kwarto ni Lucio kagabi. Alam niyo na. Hindi ko magawang umalis alis sa kama dahil ayaw niyang pakawalan and bewang ko.
"Lucio naman eh, Maagang nagigising si Lucy ngayon. Lilipat na ako." Magtatantrums nanaman kasi yon si Lucy pag naabutang wala ako sa kwarto niya. Ewan ko ba sa mag amang ito. Hindi ba pwedeng tabi nalang kaming tatlo? Lagi nalang nag aagawan.
"Sweetheart just go back to sleep." Antok niyang utos at mag hinigpitan pa ang yakap sa bewang ko. Kahit anong gawin kong kawala sa yakap niya ay hindi ako makaalis dahil mas hinihigpitan niya lagi.
"Lucio talaga! Pag si Lucy nag tampo nanaman tignan mo." Kinurot kurot ko ang braso niya para gisingin.
"Ako na ang mag tatampo sayo pag umalis ka." see? Parang batang laging nakikipag agawan sa anak niya. Araw araw ganito ang sitwasyon namin sa umaga. Minsan pag doon ako nakakatulog sa kwarto ni Lucy, magugulat nalang ako at pag gising ko'y nasa kwarto na niya ako kaya pag gising ni Lucy galit na galit na susugod dito sa kwarto ni Lucio.
Dahil magkaharap kaming nakahiga ni Lucio, Kitang kita ko ang gwapo niyang mukha. Nakapikit siya at mukhang antok na antok pa talaga. Kahit naman ako eh, Alas dos ba naman na ng umaga ako patulugin. I tapped his cheeks para gising. Alam kong nagigising siya sa ginagawa ko pero hindi siya nag mulat ng mata at isiniksik pa sa leeg ko ang mukha niya.
"Lucio dali na. Dito ako matutulog mamayang gabi palipatin mo lang ako ngayon. Dali na." Doon siya nag angat ng tingin sa akin. Gash agang aga mag patibok ng puso ng asul niyang mata.
"Fine. Just stay here i'll get Lucy."
Napairap ako sa hangin. Akala ko'y papalipatin na ako, Si Lucy pala ang ililipat. Humalik siya ng mabilis sa labi ko bago tumayo ng kama at lumabas ng kwarto. Makalipas ang limang minuto, pumasok siya ng kwarto na kalong kalong ang bata. Umupo ako sa kama para tulungan siysng ibaba si Lucy. Kinumutan ko ng ayos si Lucy na inihiga ko sa gitna namin bago ako bumalik sa pag tulog.
"Hmp! Naiinis parin ako. Siguro po nilipat niyo lang ako kanina noh? Kay Daddy ka nanaman nag sleep last night. Hmp tampo ako!" Hindi ko alam kung malulungkot o matatawa ako sa itsura ni Lucy ngayon. Nakaupo siya sa high stool habang nakapalumbaba sa island counter. Iirap irap siya sa akin.
"Lucy sayo nga ako natulog kagabi. Nung lumipat ako sa kwarto ng Daddy mo kasama kita." pag sisinungaling ko.
"Hmp. I don't believe you ate. Niloloko niyo ko ni Daddy eh. Later nga di po ako mag ssleep para hindi ka makatakas." natawa ako sa sinabi niya. She so cute with her strawberry pajamas and pigtails tapos iirap irap sa akin.
"Promise sayo ako matutulog mamaya." sabi ko sakaniya. Nakanguso niya akong tinitigan.
"Promise Ate?" she asked.
"Yes. I promise." tinaas ko pa ang kamay ko na parang nangangako pero mas lalo lang siyang nag tantrums.
"Ate naman eh! Look! That's your left hands eh! That means your not promising to me. Hmp ayaw ko na nga. Tampo na talaga ako." tsaka ko lang napagtantong kaliwang kamay ko pala ang naitaas ko dahil ang kanan kong kamay ay may hawak na sandok. Nag luluto kasi ako ng noodles dahil yun ang request ni Lucy. Pinatay ko ang electric stove bago lumapit kay Lucy.
"Lucy." i cupped her cheeks para patinginin sa akin. I can see her eyes getting wet at nag sisimula narin mamula ang mata niya.
"I promise you sayo ako tatabi mamaya. Pinky promise." Tinitigan niya lang ang pinky finger ko na ipinakita sakaniya.