Epilogue

10.6K 267 40
                                    



Epilogue
The End

"Ma, Gamot po." Tinigil ko ang pag babasa ko ng libro ng pumasok si Lucy sa kwarto namin ni Lucio. Napangiti ako ng makitang may dala dala itong gamot at tubig. Masama kasi ang pakiramdam ko kahapon pa ang i'm very lucky to have a very caring family dahil kahapon parin nila ako inaalagaan kahit kaya ko namang kumilos.

Naupo siya sa tabi ng kama at inabot sa akin ang gamot para sa lagnat at ubo. Lucy's all grown up now. She's 14 years old. Habang lumalaki, Mas lalong nagiging kamukha ni Lucio si Lucy. Her hair is still curly at bagay na bagay iyon sakaniya.

Ang anak naman namin ni Lucio na sina Tatiana at Thiago ay mag sasampung taon na. Ang bilis talaga ng panahon, Parang kahapon lang ay gumagapang lang sa sahig ang kambal namin ngayon ay walang sing-kulit. Mahilig mag away ang kambal kahit saan at anong bagay.

"Hindi pa ba bumabalik ang Daddy at mga kapatid mo?" Tanong ko kay Lucy tsaka kinuha ang gamot at tubig sakaniya at ininom iyon.

"Hindi pa po. Ewan ko ba kung saan nag punta. Ang sabi po ni Dad kanina bibili lang silang dinner."

It's been ten years. Ten happy years with my family. Noong mag tatlong buwan akong buntis, Umuwi kami dito sa pilipinas dahil hindi ako matigil sa pag lilihi ng manga at ang mangang gusto ko lamang ay ang galing dito sa pilipinas kaya dito na kami nanatili. Nag enroll narin si Lucy sa eskwelahan dito sa pilipinas at nag aral na siya sa eskwelahan matapos kong manganak.

Nang mag tatlong taon naman ang kambal namin, Tsaka kami nag pakasal ni Lucio. Alam kong ang unang plano talaga namin ay pagkapanganak ko'y mag papakasal na kami ngunit hindi madali maging magulang. Naging sobrang busy kami sa kambal at kay Lucy.

"Ma." Malambing na tawag ni Lucy ng kunin niya sa akin ang baso ng tubig at inilapag sa side table. Mula ng ipanganak ko ang kambal, Mama na ang tawag niya sa akin at gustong gusto ko naman iyon.

"Why?" Tanong ko ng yumakap siya sa akin at inihilig ang ulo sa dibdib ko. Hindi parin nag babago ang kalambingan ni Lucy. Mahilig parin niya akong agawin kay Lucio pag tulog.

"I had my period na po." Gulat ko siysng tinignan dahil sa sinabi niya. She had her first period?

"What? When? May masakit ba sayo?" Nag aalala kong tanong sakaniya. Alam kong dadating na talaga si Lucy sa ganito dahil nag dadalaga na siya kaya tinuruan ko narin siya noon kung anong gagawin pag nagkaroon na siya.

"Kanina po pag gising ko. Nagulat po ako may dugo po but it's fine po. Ginawa ko po yung tinuro mo sa akin noon medyo masakit lang po yung dito." Hinawakan niya ang bandang puson niya.

"That's normal anak. Sumasakit talaga ang puson ng mga babae kapag may period sila lalo na pag first or second day." Hinaplos ko ang buhok niya. Sobrang sakit siguro kaya nahiga na sa tabi ko.

"Gaano po katagal to, Ma?" Anya.

"Usually 3 to 5 days pero minsan ay umaabot ng isang linggo. Normal lang din sa may period ang mahilis mainis at mag crave ng chocolate nak. Kaya pag may kailangan ka just tell me hmm?" Naramdaman ko ang pag tango niya sa dibdib ko tsaka sumiksik doon.

"Thank you, Mama. Thank you for taking care of me kahit na hindi niyo naman ako totoong anak ni Dad." Natigilan ako sa sinabi niya. Ito ang unang beses niyang nag salita tungkol doon. Nang mag sampung taon kasi si Lucy, Doon lang namin siya kinausap ni Lucio at sinabi ang totoo sakaniya. At first, Iyak siya ng iyak dahil natatakot na ipapamigay daw namin siya pero agad din namang nawala ang takot niya ng kausapin siya ng masinsinan ni Lucio.

"Lucy, Hindi ka man galing sa amin, You are our daughter. Anak ka namin ng Daddy mo at kapatid ka ng kambal. Mahal na mahal na mahal ka namin." i heard her sobbed na nakapagpangilid ng luha ko. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at panay ang bulong ng "Thank you, Mama"

The Rich Man Series #1: Lucio Anato FortañoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon