13: "Mga Alaala ng" (2/2)

402 24 1
                                    

Si Jun Wu Xie ay sumulyap sa kanya habang nakaluhod siya sa harapan niya isang mahusay at kasanayan sa pagalaw siya mismo ang nagpakain sa kanya ng gamot.

Para kay Jun Wu Xie, hindi niya pinag-isipan nang malalim ang mga Galaw na iyon dahil walang muwang niyang Tinanggap na tapat siyang nagbabalik ng kanyang pasasalamat.

Mula sa kapanganakan, lumaki siya sa lihim na nayon nang higit sa sampung taon, mula sa isang musmos na bata hanggang sa kanyang kabataan, hindi siya nagkaroon ng maraming pagkakataon upang matuto at maunawaan ang labas ng mundo. Kung paano makisama sa iba ay wala sa saklaw ng kanyang pag-iisip.

Sa panahong iyon, maraming librong medikal at kaalamang medikal lamang ang pumupuno sa kanyang utak, ang tanging kamag-anak niya, ang nagkulong sa kanya sa ilalim ng kabundukan.

Hindi umasa ng anuman mula sa kanya tungkol sa mga paraan ng mundo.

Bahagyang yumuko si Jun Wu Yao, ang isang kamay sa kanyang likod ay mahigpit na umalalay sa kanya habang ang isang mangkok ng gamot sa kabilang banda, dahan-dahang pinapakain siya.

Nang yumuko siya ay bahagyang sumimangot si Jun Wuxie.

"Amoy dugo ka? Hindi ko gusto ang amoy ng dugo." Malungkot niyang sabi.

Ngumiti ng pilit si Jun Wu Yao. Nagpatuloy si Jun Wu Xie sa pag-inom ng gamot.

Habang dinadala ni Jun Wu Yao ang walang laman na mangkok, pagkalabas niya ng silid, napawi ang kanyang ngiti, itinaas niya ang kanyang kamay at inamoy-amoy niya ang kanyang manggas, isang mahinang amoy ng dugo.

Kanina, nag-iingat siya para hindi magkaroon ng anumang mantsa ng dugo ang kanyang sarili.

"Mukhang sa susunod, maliligo muna ako." Muling lumitaw ang walang kabuluhang ngiti sa guwapong mukha ni Jun Wu Yao, madilim na itim na mata na walang bahid ng anumang emosyon.

.....

Ang ikalawang umaga, ang balita ay kumalat na parang apoy sa imperyal na Lungsod.

Kagabi, sa kanyang pagbabalik mula sa 'Dagat ng Apoy', ang Ikalawang Prinsipe at ang kanyang kalaguyo ay inatake ng isang misteryosong grupo at lahat ng kanyang mga bantay ay nalipol. Ang Pangalawang Prinsipe ay nagkaroon ng madugong pakikipaglaban sa kalaban at nagawa lamang nitong protektahan ang buhay ng kanyang sarili at isang dilag, ang bagay na ito ay nagpagalit sa Emperador na nag-utos ng masusing pagsisiyasat sa bagay na ito, paglalagay ng malaking gantimpala sa mga salarin na nangahas na pumatay sa Prinsipe.

Nagkaroon ng malaking pagsabog sa loob ng mga pader ng Imperyal na Lungsod. Mayroong maraming mga talakayan sa paligid ng bayan. Pinag-uusapan ito ng lahat.

Alam ng lahat na ang Ikalawang Prinsipe at si Jun Wu Xie ng Palasyong Lin ay may kasunduang Kasal. Gayunpaman noong gabing iyon nang inatake ang Ikalawang Prinsipe, ang Dilag nayon na niligtas niya ay hindi ang kanyang kasintahang si Jun Wu Xie! Ibig sabihin na sa umagang iyon may kasama siyang ibang babae sa 'Dagat ng mga Bulaklak'.

Ang Alam ng lahat na ang Batang Binibini ng Palasyong Lin ay marahas at mayabang,

Si Jun Wu Xie ay isang malupit!

Hindi makakatulong ang mga tao ngunit may haka-haka na ang may kasalanan sa pag-atake sa Ikalawang Prinsipe ay walang iba kundi si Jun Wu Xie. Kung tutuusin, ang kanyang kasintahan ay lumabas na may kasamang ibang babae, hindi kayang panindigan ito ng isang karaniwan na babae, lalong -lalo na ang malupit na katangian ni Jun Wu Xie?

Sa isang umaga lang, ang Imperyal na Lungsod ay nasa kaguluhan, Ang Ikalawang Prinsipe ay hindi gustong tiisin ang mapangahas at malupit na si Jun Wu Xie at palihim na lumabas na may kasamang isang babae gayunpaman nalaman niya ang tungkol dito at ipinadala ang hukbong Rui Lin upang malantad, at nagtangkang patayin ang Ikalawang Prinsipe pati ang kanyang bagong pag-ibig.

Ang mga usap- usapan ay bumaba at naging Kwento, pagsasalaysay ng alaala na parang bang sila ang nakasaksi.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon