14: "Tatlo ang karamihan ng tao"

395 23 0
                                    

Isang imperyal na kautusan ang dumating kinabukasan, Upang pawiin ang kasunduang kasal sa pagitan ng Pangalawang Prinsipe at kay Jun Wu Xie.

Kahapon, Nagkaroon ng haka-haka na ang pag-atake sa Ikalawang Prinsipe maaaring may kaugnayan kay Jun Wu Xie. Gayunpaman, sa pag-pawi ng kasunduang kasal sa ganoong tiyempo ay isa lamang ang napatunayan, sila ay tiyak na may kinalaman!

Sa loob ng Lungsod ng Imperyal, Ang reputasyon ni Jun Wu Xie ay bumaba sa pinakamababa. Matapos kumalat ang tsismis, siya raw ang pinakamabangis na babae sa dulo ng dila ng lahat. Maraming kababaihan, na nabighani sa guwapong hitsura ng Pangalawang Prinsipe, Nagalit sa kanyang mga kilos nang walang katapusan.

Ang lahat ng kaguluhang ito ay bumalot sa paligid ng mga pader ng Palasyong Lin. Sa loob, lahat ay tahimik. Nagkulong si Jun Wu Xie sa kanyang kwarto, abala sa pag-aaral ng Puting Lotus na sarili niyang kontraktwal na espiritu.

Sa silid aralan ng Palasyong Lin, Galit na galit si Jun Xian, Pinipigilan ang pagnanasang gutayin ang utos ng Imperyal.

"Mabuti! Napakahusay! Ngayong matanda na ako at walang silbi, Iniisip na ng lahat na kaya nilang apihin ang apo ko!" Nag-igting ang kanyang mga ngipin habang mahigpit na hawak ang utos ng imperyal sa kanyang mga kamay.

Sinabi sa kanya ni Jun Qing ang mga nangyari noong nakaraang araw at bagama't inaasahan niyang darating ang imperyal na utos ng maaga o sa huli, ngunit hindi niya akalain na ito ay darating agad at nagkataong hindi maganda ang tiyempo.

Ang pagtanggap ng utos sa ganoong oras ay hahayaan lamang na ang mga Usap -usapan ay magmumula sa mga haka-haka na si Jun Wu Xie ay may kinalaman sa pag-atake. Bagama't alam ni Jun Xian na ang kanyang apo ay may mapagmataas na ugali, alam niyang wala itong lakas ng loob upang pumatay ng sinuman. Hindi sa pagbanggit na siya ay nasa bahay lang sa buong oras para magpagaling, Ni hindi man lang siya lumabas ng bahay kahit isang beses, paano siya nakipag-ugnayan ka ninuman para salakayin si Mo Xuan Fei?

Ang magulong Salaysay ay kinasangkutan pa ang hukbong Rui Lin na nagsabing nakipag-ugnayan si Jun Wu Xie sa kanila para tulungan siya sa kanyang munting paghihiganti. Paano ito naging posible? Sa kabila ng kanyang labis na pangungutya sa kanya at kahit na ang Rui Lin ay kanyang sariling mga hukbo, Siya ay may isang matuwid at mahigpit na ugali. Ni minsan ay hindi niya hinayaang makipag-ugnayan siya sa mga hukbo, lalo na sa gayong dakilang kapangyarihan.

Hindi pa nakakabawi si Mo Xuan Fei mula sa pagkabigla ng pag-atake ngunit ang utos ay naipadala na. Hindi ito maiwasang isipin ng iba na ang Palasyong Lin ay kasangkot dito at nagdulot ng malaking itim na marka
Hango sa Palasyong Lin.

"Ama, sasabihin ba natin sa kanya ang lahat ng mga bagay na nangyayaring ito?" Kitang-kita ang malungkot na mukha ni Jun Qing. Kinasusuklaman niya ang katotohanan na siya ay baldado at wala siyang kapangyarihan na protektahan ang kanyang pamilya.

Umiling si Jun Xian. "Wala kang sasabihin sa kanya! alam natin ang ugali niya, anong klaseng kaguluhan ang idudulot niya? Gayundin ang kanyang katawan ay hindi pa ganap na gumaling. Hinirang ako ng Kanyang Kamahalan na manguna sa mga pagsisiyasat ng pag-atake sa Ikalawang Prinsipe. Aalamin ko ang katotohanan at lilinisin ko ang pangalan Ni Wuxie sa lahat ng paratang!" Matapos maglingkod nang tapat sa kanyang bansa sa loob ng maraming taon, ito ang ibinayad sa kanya. Ang kanyang dalawang anak na lalaki ay isinakripisyo sa proseso, ang isa ay namatay sa labanan, habang ang isa ay naging baldado.

Naiwan na lang niya ang kanyang mahal na apo ngunit sa pamamagitan ng utos ng Imperyal, sinira nito ang kanyang reputasyon. Sino pa ba ang maglalakas loob na pakasalan siya pagkatapos ng ganitong pagtrato ng Maharlikang pamilya?

"Kanyang Kamahalan, napakawalang puso mo talaga." Bulong ni Jun Xian habang pagod na nakapikit.

Maliwanag na ang Palasyong Lin ay wala ng gaanong pag-asa para sa hinaharap, ngunit gusto pa nilang isama ang kanyang nag-iisang apo sa labanang ito sa kapangyarihan.

Ibinaba ni Jun Qing ang kanyang ulo sa katahimikan at kinagat ang ibabang labi habang walang kamalay-malay na nakakuyom ang kanyang mga kamay sa kanyang pares ng nasayang na mga binti.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon