15: "Lolo"

389 24 0
                                    

Kung makakabalik lang sana siya sa larangan ng digmaan, kahit na kaharap nila ang angkan ng Qing Yun, ang Kanyang Kamahalan ay hindi sana magiging malupit sa Palasyong Lin.

Sa paglipas ng mga taon, batid ni Jun Xian ang kanyang labis na kahalagahan sa mga kawal habang patuloy niyang binabawasan ang Hukbong Rui Lin. Sino ang nakakaalam na ito ay magiging daan sa kasalukuyang sitwasyon.

"Poprotektahan ko si Jun Wu Xie hanggang sa huling hininga ko. Walang makakaisip na hawakan ang apo ko!" Ipinahayag niya na may kinang sa kanyang mga mata.

Nawalan na ako ng anak. Hindi ko kakayanin na mawala din ang anak niya. Siya ang nag-iisa at nag-iisang apo ni Lin Wang!

Sa Kalaliman ng gabi, ang mag-ama na ito ay nasa silid aralan nag-uusap sa mahinang tono tungkol sa delikadong sitwasyon na kasalukuyang kinakaharap ng pamilya.

Nakatayo sa may pintuan ang silweta ng dalawang pigura.

Tahimik na nakinig si Jun Wu Xie habang nakatitig sa pintuan.

'Lolo...'

Sa kanyang nakaraang mundo, yung 'Lolo' niya na ginawa siyang gamit ng mahigit sa sampung taon sa madilim na kadiliman. Ano ang pagdurusa, ano ang kawalan ng pag-asa - siya ay nagkaroon ng masinsinang pagkaunawa sa mga ito.

Gayunpaman, ang 'Lolo' ng katawan na ito ay parang sikat ng araw na tumatagos sa kadiliman. Noong una niya itong nakilala, siya ay nagpakita ng labis na pagmamahal at pag-aalala na hindi niya alam kung paano ito kabisain.

Ito ay isang bagay na hindi pa niya naranasan noon. Sa tuwing may makikita siyang kawili-wiling bagay, ang una niyang ginawa ay ang ipadala ito sa kanyang silid. Kung mayroon siyang bahagyang pagsimangot sa kanyang mukha, susubukan niya ang lahat ng paraan para suyuin siya.

Walang malay, nagsimula siyang umiwas sa pakikipag-ugnayan sa kanya dahil hindi niya alam kung paano tumugon sa kanya dahil ang Alaala ng kanyang 'lolo' ay ganap na naiiba.

Ngunit hindi niya akalain na gagawin niya ang mga bagay para sa kanya hanggang sa ganito.

Gayundin ang Palasyong Lin ay naghinala na sa mga pakana ng Maharlikang pamilya, Ngunit nag bulag-bulagan dahil nanumpa siya sa kanyang katapatan at naniniwala na ang lahat ng mga taon ng paglilingkod na ibinigay niya ay hindi mabaliwala. Ngunit sa pagkakataong ito, sa pagturo ng sibat patungo sa kanyang apo, nawala ang kanyang bulag na katapatan.

Para sa kanyang apo, handa siyang talikuran ang lahat.

Habang pumipintig pa rin ang mahinang puso, pinisil niya ang kanyang palda.

"Ganyan ba lahat ng 'lolo'?" nakakunot ang noo niyang tanong.

Nakatayo sa tabi niya si Jun Wu Yao na nakatingin sa maputlang munting mukha nito at hindi niya alam kung bakit biglang namula ang mukha nito sa tuwa.

"Gusto mo bang pumasok?" tanong ni Jun Wuyao habang nakatingin sa kanya ng nagtataka.

"Hindi."
Umiling si Jun Wuxie habang ang karaniwang kalmado niyang ekspresyon ay may kislap ng init. Noong una ay gusto niyang makipag-usap sa kanyang lolo sa paggawa ng sarili niyang paggamot ngunit hindi niya inaasahan na marinig niya ang usapan ng mag ama sa pintuan.

Tumalikod siya para umalis sa silid-aralan, kailangan niya ng kapayapaan at katahimikan para pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay.

Nang tumalikod na si Jun Wu Xie para umalis, ang nakakaaliw na mga matang madilim na kulay ube ni Jun Wu Yao ay nagpakita ng isang pahiwatig. Nadarama niya na ang mga taong monarka na ito ay kumilos sa isang katawa-tawa na pamamaraan.

Gusto ni Jun Wu Yao na patayin silang lahat. Nagliyab ang mapanganib na apoy mula sa kaibuturan ng kanyang kalahating nakakaaliw na mga mata.

Ngunit kung ang mga bagay ay ginawa Ni Jun Wuyao sa ganitong paraan, ito rin ay magdadala kay Jun Wuxie sa gulo. Unti-unting naglaho ang layuning ni Jun Wuyao' na pumatay.

'Maghintay at tingnan natin...'

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon