Chapter 13: Inu

0 0 0
                                    

"Ija ready na damit mo ha? Maligo ka na. Malelate ka mamaya nyan."

Kanina pa ako ginigising ni nanay. Sunday ngayon at magsisimba ako ^_^

"5 mins nay..."

"Anak, 6:38 na. 7:30 yung misa. Maliligo, kakain at mgbibihis ka pa. Malelate ka nyan mamaya. Mabagal ka pa naman kumilos."

"D na ko kakain nay..."

"Ay ganun ba? O sige jn ka na. Ako nalang kakain ng isang kilong hotdog na niluto ko" medyo may diin ang pgkakasabi niya. Bigla naman akong bumalikwas ng bangon at dali-daling pumasok ng banyo. Narinig ko naman ang pgtawa ni nanay Beth. Abah. Hotdog yun. Peborit ko dn yun eh.

After 20 mins natapos na dn ako. Bitin naman ligo ko. Madalas kasi mga isang oras hihi masarap kasi mgbabad sa tubig.

Isinuot ko na ang hinanda ni nanay Beth na damit.
White dress with a sweetheart neckline and monochromatic pink-red tiny floral imprinted hem to the center part of the skirt. I partnered it with my white hidden wedge sneakers.
I clipped my bangs and curl the ends of my long hair.

Bumaba na ako at naaamoy ko na ang masarap kong breakfast.

"Wow. Ang ganda naman ng anak ko. Miminsan mo lng pinapakita ng ganyan mukha mo. Mukha kang mabait anak pg wala kang bangs." Compliment ba yun o insult -.-

"So mukha akong ano pag may bangs nanay?"

"Mukha kang siga anak. Kababae mong tao makaporma ka para kang rakista. Nagdress ka nga ngayon sapatos naman yang suot mo." True. Uncomfortable naman kasi mag heels ng pointed dba? Saka gumala ng nakapalda without netted stockings o high knee socks dba?

"Nanay babae pa din naman ako. Mas okay nga dba? Hindi kami mababastos ni Ysa dahil sa suot namin."

"Oo nalang. Sige kumain ka na. 7:10 na. Mgddrive ka pa." Umiiling na sabi ni nanay.

Hindi ako magkandaugaga sa pgkain. May hotdog balls may cheesedog at plain hotdog. Tender juicy! Mauubos ko talaga ang isang kilo. Siyempre walang rice.

Nagpaalam na ako kay nanay Beth at dumiretso na sa simbahan. Sebby-kun here comes your bride! Joke. Magsisimba ka Kazumi hindi mgpapakasal -_-

Just in time. Medyo hindi pa ganoon karami ang mga tao. Naghanap ako ng upuan sa medyo harap na parte. Umupo ako sa pinakadulo malapit sa aisle.

Magsisimula palang at nakakaramdam akong may tumititig sa akin. It's creeping me out. I slowly looked at my side at wala naman. Nilibot ko ang paningin ko at mukhang wala naman.

"Thanks be to God"

I hurriedly went to my car kasi hindi naalis sakin ang pakiramdam ko. Huhu
Bigla naman akong natigilan ng may humila sa skirt ng dress ko.

Hinanda ko ang sarili ko bago lumingon. I sighed in exasperation.

"Ate pahingi naman ng pera. Nagugutom na kasi ako eh"
Isang bata lang pala. Buti hindi ko nasaktan. Naka attack mode na sana ako kanina eh.

"Nasaan ba ang mga magulang mo?"

"Si nanay po naglalako ng mga paninda eh mamaya pa yun uuwi"

Luminga ako sa paligid at marami namang nagtitinda.

"Halika." Pumunta ako sa isang burger machine at pinag order ko na siya.

"Umupo ka jn at hintayin ang pagkain mo ha?"

"Salamat ate ganda. Ngayon lang ako kakain ng berger. Hehe" bakas sa mukha niya ang tuwa at pananabik na makakain ng burger.

"O eto sukli. Sa'yo nalang yan. Itago mo ha? Wag mo gamitin sa walang kabuluhan."

Sadist Anime Lover *(//_^)*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon