Chap. 21: Sugar Set-up

0 0 0
                                    

Maaga akong pumasok para maibigay kay Lance ang leche flan na ginawa ko. Hindi kasi natuloy ang sanang paghahapunan niya sa bahay kasi may emergency daw.
May tumawag sa kanya at namutla siya pagkatapos nun kaya hindi ko na rin tinanong.

Dumiretso ako sa office nila at naroon na nga siya.

"Choco.." tumayo siya at niyakap ako.

"Good morning Lance."

"Sorry hindi na ko natuloy noong Sabado." bakas sa mukha niya ang panghihinayang

"Okay lang. Anu ba ang nangyari?"

"ahh kasi choco.."

"it's okay." I smiled at him. Confidential siguru. Hinala ko si kuya ang tumawag. Kung anu man yun hindi ako mangingialam.

"Here. Share mo nalang din sa kanila if you want." He smiled at inabot ang paper bag na may leche flan. Marami akong nagawa kaya iseshare ko na din kay Ysa mamaya.

"Thanks choco. Kung kaya kong ubusin to hindi ako magbibigay." He hug me again at nagpaalam na din ako kasi may ginagawa siya.

I headed to the rooftop. Himalang walang Shin ngayon. Kumain ako ng sandwich. Siyempre hindi na naman ako kumain kanina kasi nagmadali ako. Maaga akong gumising para maihanda ko yun.

Isang oras pa bago ang klase. Nakaramdam ako ng antok kaya napagpasyahan ko na bumaba at matulog nalang muna sa classroom.

Pagdating ko sa upuan ko may nakita akong laruan at may pindutan sa tiyan. Tulad nung natanggap ko dati.

I pressed the button.

"but I see you sometimes I try to hide what I feel inside. When I turn around, you're with him now. I just want to figure it out.

....Do you catch a breath when I look at you? Are you holding back like the way I do.

Cause Im trying hard to walk away
but I kno this crush aint going away yeah yeah yeah yeah yeah"

Napangiti nalang ako. Yung mysterious guy na naman. I wonder who he is. You're with him now.... nakita niya kaya kami ni Lance kahapon? May nakita akong maliit na papel na nakadikit sa ilalim ng toy.

Hindi ka mahilig sa fries at spaghetti.

So nasa mall din siya kahapon? Oh my gosh. Feeling ko stalker ko siya at parang nangilabot ako kasi baka pangit siya at boses lang ang gwapo.

No!! admirer ko siya.. Gwapo yun for sure.

Hindi talaga mahilig sa fries at spaghetti. Yung sinabi ni Lance aa bahay dati may stock ako ng fries totoo yun pero gusto ko lang magtipid. Diba may nagtitinda niyan kasama fishball, kikiam saka kwek-kwek?
Yung serving nila konti eh. Bitin kaya bumili ako nun pati na sour cream powder. Cheese nga dapat yun pero tinry ko lang yung sour cream. Isang pack ng fries lang naman yun at napilitan akong lutuin lahat kasi marami silang kakain. eh ang tatakaw kaya binibilisan ko pagkain nun.
Yung spaghetti naman na dala ni Fioane nilantakan ko kasi hindi ako nabusog. Hindi ako nakapag agahan at tanghalian nun. Eh 3pm na kaya nun.

Nahihiwagaan ako sa mysterious guy na to. Parang kilalang kilala niya ako.

Tinago ko ang laruan sa bag at umuob na ako sa desk ko.

Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko.

"Ysa! Uy, nagtxt ako sa'yo kagabi bakit naman hindi ka nagreply? Eto na yung leche flan oh" niyakap lang niya ako.

"May problema ba?" Suminghot naman siya. Tumayo ako at hinila ko siya palabas. Alam ko na malaki ang problema niya.
Nakasalubong namin si Shin at ang cold na naman ng aura niya. I stopped pero nilampasan niya ako. tsk. Bakit nga ba ako huminto?
I continued to walk at narating namin ang tambayan ko sa likod ng school.

Umupo kami sa damuhan sa ilalim ng malaking puno.

Biglang humagulhol si Ysa. Hinimas ko lang ang likod niya. Hindi ako nagtanong at hinayaan ko lang muna siyang umiyak.
Matapos ang ilang minuto medyo humupa na siya.

"Kagabi nagkaroon ng meet up.... I mean.... set up" umiyak na naman siya.

"kasi.. Si papa bumalik na. Kasama yung Business partner niya."
binubunot na niya yung mga damo at tinatapon. Gusto ko siyang pigilan kasi masisira yung tambayan ko pero sige lang. Masama loob niya eh saka malawak naman to.

"Gusto ko siyang sampalin kagabi. Ilang taon ba siya namalagi sa ibang bansa? Hindi niya nagampanan yung pagiging asawa at ama niya sa amin ni mama. Nanggigil ako kagabi. At the back of my mind tinatahi ko na ang bibig niya. How dare him decide for my future! He's supposed to guide me and support me as his daughter. He's supposed to let me do what I want for my life. Hindi ako puppet na pwede nyang kontrolin para sa mga shit na gusto niya. Nakakabwisit!" Kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya..

"eh... oo nga naman lalo na at future mo yan. Pero anu ba talaga nangyari sa set up?"

"I thought it was a dinner date for the family. Nag-ayos kami ni mama kasi darating siya.Excited kami kasi matagal na namin siyang hindi nakakasama. We dine in a fancy garden restaurant. Nakareserve yung malaking garden na malayo sa ibang tables. Naiiyak ako pagdating namin dun kasi nakita namin siya sa malayo na naghihintay. eh pusha naman! Pagkatapos namin siyang iwelcome may dumating. Business partner niya." bigla nalang siyang nag tantrums. Pinagsisipa ang mga damo na binato niya kanina.

Hanggang sa ngumawa nalang siya.

"waaaaahhh! aaaaahhhh!!" napasabunot na lang siya sa kanyang buhok.

"kagabi hindi ako umiyak. Nagmatigas ako sa harap niya. Ang sabi ko, masaya ako na umuwi ka. Finally, mararamdaman ko kung paano magkaroon ng ama. Pero hindi ko inaakala na ang tingin mo sa akin ay isang instrumento na magpapalago sa negosyo mo. Pagkatapos nun, nakatikim ako ng sampal. Yung mabait kong ama naging gahaman sa pera kaya nagawa akong saktan. Kinumpara ko pa siya kay tito Blaze. Sabi ko, malayo si Tito Blaze pero nagagawa niyang makipag skype at paminsan minsang tawag sa mga anak niya. Samantalang ikaw ni isang text wala. Tatawag ka lang kung naipadala mo na ang pera."

I can't imagine tito's face. Ysa was furious and  I can't blame her.

"I can make decisions on my own. Pati ba naman yung papakasalan ko ihahain niya lang sa harap ko?!" Napasinghap ako at napatakip ng bibig.

I lean forward at hinawakan ang kamay ni Ysa.

"Wag kang papayag pardx. Maganda ka, matalino, at BATA. Baliw na si tito kung ipapakasal ka niya sa taong hindi mo mahal."

"I know pardx" suminghot naman siya.

"Saka yuck naman yun" nag angat siya ng tingin. She looks confused.

"Diba? Sa ganda mong yan at sa talino. Lalo sa lahat BATA ka pardx" pinagdiinan ko talaga ang bata.

"Alam ko. Parang inulit mo lang kanina. Pinagdiinan mo pa na bata ako. Linawin mo nga. Ano ang ibig mong sabihin?"

"OO nga bata ka pa." tumingin ako sa mga ulap.
"Napakabata mo para ipakasal sa business partner niya" tiningnan ko siya at naniningkit ang mga mata niya.

"Parang sugar daddy mo siya kung ganun. diba?" Lumaki ang butas ng ilong niya. Mali ba? Tama naman yun. Sugar da----

"aray ko naman! makasapok ka! Mahahalikan ko ang lupa oh!" ang sakit T.T ang lakas naman ata.

"Abno ka talaga! Panira ka eh! Ayan oh galit na ako. Peto tae naman. Umusok na nga yata ilong ko sa'yo! Yung anak siyempre ng business partner niya. Kay ganda mo pero minsan. ay hindi madalas pala abno ka talaga mag-isip." Kinuha niya ang leche flan at nagsimulang kumain.

"pasensya naman. Wala ka kayang sinabi na anak pala niya. Ibig sabihin dumating? Gwapo ba?"

"Hindi ko nakita."

"uy pahingi naman niyan! Inuubos mo naman hindi pa ako nkakain niyan."

"che! manahimik ka. Peste ka! Kailangan ko ng sugar para makapag isip ng paraan para makalusot dun"

tss. sige pagbigyan dahil may dinaramdam -_-

-----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sadist Anime Lover *(//_^)*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon