Chapter 18: Kill

3 0 0
                                    

Kenshin's POV

To: sadist freak :p

Hey. I'll be at your house in 30 mins.

Ngayon daw niya ako susukatan  saka ipapakita na din niya ang mga designs niya. Tsk. Ayoko sana eh pero hindi ko alam at napa oo ako dito.

Buti nalang may google map at hindi ako mahihirapan mghanap.

Wala pang 30 mins ay nasa tapat na ako ng bahay ni freak.

*ding dong*

Tss. Wala bang tao dito?

*dingdong* *dingdong*

Mahigit limang minuto na akong nakatayo dito at wala pa ring lumalabas.

Tinawagan ko na si freak pero hindi siya sumasagot. Baka tulog pa? Aba! Anung oras na kaya. Sarap buhay naman to.

Isa nalang talaga. Kung wala pang lalabas. Aalis na ako.

*dingdong*

Okay. Im out of here. Makauwi na nga lang.

"Hijo! Naku pasensya ka na at may ginagawa ako sa kusina. Hindi ko maiwan. Ikaw ba si Lance?"

May nasa mid-50's na babae ang lumabas at pinagbuksan ako ng gate. Okay na sana eh.. mukha ba akong halimaw? Sa gwapo kong to? Lance lang lebel ko? Tsk

"Magandang umaga po. Hindi po ako si Lance. Ako po si Blake kaklase ni Blaire." I said plainly.

"Ay pasensya ka na. Akala ko kasi iqw si Lance. Sige pasok ka muna. Hintayin mo nlang si Kazumi. Pauwi na rin siguru " ay hanep wala pala dito. Ilang minuto na nga akong naghintay sa labas tapos maghihintay pa rin ako dito sa loob? Anak ng asong bakla naman.

"Nagpunta kasi sa botique nila. Susukatan daw sila para sa damit na isusuot nila sa event na gaganapin next week. Jan ka na muna hijo. Make yourself at home."

Anu namang gagawin ko dito?!
tss. Nakakabanas naman oh!
Inikot ko ang paningin ko sa bahay nila. Isang simpleng bahay para sa isang mayaman na pamilya. Yung katamtamang laki lang yung bahay pero malawak ang harap at bakuran. Nagpunta din ako sa likod at meron silang maliit na pool. May mini garden at vegetable garden.
Nagpunta ako sa taas at hinanap ko ang kwarto niya. Tatlong kwarto lng meron dito. Yung pinto sa gitna na puti may nakalagay na "office". Yung kanan itim at alam ko na kay Kai ang isang yan. So meaning yung pulang pinto sa kaliwa ang kwarto ni Kaz... Mukhang ito ang pinakamalaking kwarto dito.
Pinihit ko ang knob at pumasok sa loob. Freak talaga ang babaeng to. Puro posters ng anime ang nasa wall niya. Meron ding nkapinta na cherry blossom sa dingding.

Meron siyang book shelf na doble ng height ko ang taas. Puno ng mga manga at mga libro na ginagamit niya sa school.

Cute size na pikachu ang kama niya. Maliit din naman kasi siya. hahaha

May mini ref sa gilid ng shelf at puro chocolates at kung anu anung inumin sa loob.

Sunod naman ang banyo niya. Yung disenyo ay aakalain mong nasa open ka na lugar dahil ang mga tiles ay may nakaimprintang puno at langit sa kisame. Napaka wild ng imahinasyon.

Meron siyang walk-in closet? Kinapa ko ang switch at binuksan ang ilaw. Tumambad sa akin ang  napakaraming costumes niya, isang sewing machine at ilang shelves na puno ng mangga at dvds. May lifesize standy niya na Mavis Vermillon. pinatay ko ang ilaw at lumabas ng walk in closet niya. Hindi ko kaya to. isasara ko na sana ang pinto ng biglang may dumaan sa paa ko.

"arf arf arf!"

....

----------------

Kazumi's POV

Sadist Anime Lover *(//_^)*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon