Chapter 16: Her Savior

0 0 0
                                    

"Ay hala... kelan pa naging ganito ang kwarto ko?" Nilibot ko ang paningin ko. Nasa ospital ako. Pero bakit?

"Gising ka na pala." Biglang pumasok si ate Meg sa kwarto.

"Bakit po ako nandito?" Naaksidente ba ako? wala naman akong maramdamang sakit.

"Inatake ka ng allergies mo. Nairritate ang skin mo dahil dun sa dahon na pinahid sa motor mo. Alam mo namang sensitibo yang balat mo. Kung ibang tao yun makakaya ang kati nun. In your case, you can't. Grabe nga yung pamumula eh. Medyo namaga pa. Kailangan ko tuloy ibahin ang design ng damit mo for the event." Dirediretso niyang sabi.

"Ganun po ba? Sorry po ate Meg." Medyo nahiya ako dun. Bibigyan ko pa siya ng extra work.

"Okay lang naman saken. Kaso ang ganda kasi ng damit na yun eh. Love Live inspired yun. Bagay yun sa'yo. Pero dahil jan sa pantal pantal sa balat mo hindi mo na magagamit yun. Iniisip ko na lang na isasama nalang yun sa mga damit na ilalaunch. Iqw pa rn naman ang susuot pero we need to spray something sa legs mo to hide those urrrrghhh." Medyo naiiinis siya.. Love live yung anime na pinapanood namin ni ate Meg. Girl group yun at school idols sila.

"I really want to see you wearing that. Kasi i made it simple but cute parang nagcocosplay ka lang din. Tsk. Bwisit namang Jess yun eh!" Para siyang inagawan ng lollipop. Haha ang cute.

speaking of Jess...

"Where is Hades? Alam na ba niya?" Parang kinabahan ako.

"Of course. His friend called and told him about what happened. His friend was the one who brought you here. Tapos tinawagan ako ng kuya mo para bantayan ka muna." Lagot...

"How's.... Jess?" Tiningnan lang ako ni ate Meg.

"Knowing kuya Kai? Tsk. Jess is dead by now." Bigla namang pumasok si Ysa sa room at may dalang laptop.

"He can't do that! Hindi siya killer!" I know my bro is overprotective. He punished people at fault pero he can't kill.

"He can baby. Alam mo naman na siya lang pwedeng manakit sa'yo diba?" Dagdag naman ni ate Meg.

"-_____- alam nyo. Nood nalang tayo anime. Akin na laptop mo Ysa. Alam kong yan ang pinunta mo dito."

Tumawa naman sila. Haha kala nyo ha?

"Ate Meg wag ka na dumagdag next time ha? Kasi nabubuking tayo eh." Haha sabi na eh.

"Sorry naman. Tnry ko lang naman. Hihi peace Ysa" parang bata din to minsan. Haha

"Pero seryoso, asan si kuya? At sino yung friend?"

"Nasa work. May meeting kasi sila with the investors kaya hindi na nagtagal dito. I don't know his friend pero schoolmate mo yun." Kaya pala.. pero si Jess..

"Si Jess, hindi pa mahagilap. Pero I think pinapahanap na siya ng kuya mo. And she'll be taking dose of her own medicine. Two eyes for an eye, teeth for a tooth and a lot more destructive itch for a desdructive itch." Magaling talaga magbasa ng utak si Ysa. Pero tama siya. Pag si kuya gumanti siguradong doble o higit pa ang balik. He makes sure kasi na hindi na ulit gaganti yung kalaban kasi mas malala siya gumanti.

"She will surely suffer" i nod as I said those words.

Nag anime marathon nalang kaming tatlo habang kumakain ng apple.

*toktok*

Pumasok ang nurse at may dalang box ng cake? O.o naamoy ko na... chocoberry. And a chocoberry shake. Alam ko yan eh.. sa shop nila Jazz binili yan.

"May nagpapabigay po. Ayaw pumasok eh. Umalis na agad." Nilapag ng nurse sa side table ang mga dala niya.

"Salamat po"

Sadist Anime Lover *(//_^)*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon