Dumating na ang araw ng pagkikita naming magkakaibigan. Well syempre sobrang excited na rin ako. Kasi 1 week! 1 week akong magiging masaya. Alam niyo naman, nakakalungkot kapag mag-isa ka lang sa bahay niyo. Busy kasi lagi Parents ko sa business nila pero nagpaalam naman ako na magmimeet kami ng mga friends ko at mag cchill muna bago kami grumaduate. Syempre celebration narin namin yun dahil finally makakagraduate na kami. 2 hours and a half nag byahe namin kaya naman maaga nagsipuntahan 'tong mga 'to sa bahay namin para maaga rin masundo si Jess sa kanila. Saka sasakyan ko kasi ang dala namin sa pupuntahan namin. :)
"Wow Gab! I can't believe, hindi parin nagbabago ang itsura mo, you look so young parin. Sino na bang nagpapatibok sa puso mo?" -Yumi. Sabi niya sakin habang bumabyahe kami papunta sa house nila Jess sabay dungaw sa harap ng sasakyan kung saan ako nakaupo.
"Haynako Yumi, huwag mo na'ko tanunngin about sa ganyan. Ayoko muna isipin yang ganyan na bagay"-sabi ko sa kanya na may mga ngiti sa aking labi.
"What!? Gab hanggang ngayon ba naman? Graduating na tayo, hindi mo parin ba bubuksan ang puso mo? O baka naman meron nang laman yan ayaw mo lang aminin? hhmmm? -Yumin habang tinitignan ako na ngumingisi ngisi pa. Hayyy! Yumi talaga!
"Kapag sinabi ko bang "oo meron" matatahimik kana? -sabi ko sa kanya with a serious face.hahahaha
"hmmm. Hindi. Sabihin mo muna kung sino yung lucky guy, tatahimik na'ko Promise!" -sabi niya na may kasama pang pagtaas ng kanan nyang kamay.
"No. Hindi ko sasabihin. Mas mabuti na yung ako lang ang nakakaalam kesa naman malaman nyong lahat at malaman din niya...tapos... may iba naman pala siyang gusto..."-sabi ko saknila at unti-unting binalot ng lungkot na expression ang mukha ko.
"uhhhhhhhhhhh"-sila
"WOW deep words friend" -sabi niya na tila nagpapatawa at may kasama pang palakpak pero seryoso ang mukha.
"Sus! kaya naman pala! natatakot kang masaktan, yun yon diba guys!? Pero alam mo mas okay kung aaminin mo sa kaniya yan, wala naman mawawala sayo e. Kasi kaming mga lalaki, kapag may nalaman kaming nagkakagusto samin, ISANG MALAKING KARANGALAN YON! (Sabi nya ng pasigaw) then he whisper "maiisip namin, ang pogi ko pala" at! at! eto pa, may chance Gab, may chance na magkagusto rin kami at ma-fall sa babaeng nagkakagusto rin sa amin." -bryan
"Dami mo alam Bry! nagpapapansin ka lang kay KC e! Basta ako good boy"-Mark
"Edi wow Mark! baka Good boy?"-sabay tawa ng mapang-asar na tawa
"Sus! nag-away nanaman kayong dalawa!"-ako
Grabe nakakatawa talaga 'tong mga 'to kasama. Walang tigil yung tawa namin sa sasakyan lalo na dun sa speech ni Bryan. Haha! Pa'no kasi with action pa kung magsalita lao na nung sinabi niya yung "ISANG MALAKING KARANGALAN YON!" tumayo pa siya sa sasakyan at tinaas pa yung kanang kamay niya(close fist) na parang may pinaglalaban talaga. Maloko talaga 'tong si Bryan e. Marami rin nagkakagusto sa kanya pero si KC lang ang kaisa-isang Anghel sa mga mata niya. Masayahin rin kasi si KC. Comedian. Hindi maarte. Yun siguro ang nagustuhan ni Bryan sa kanya. Si KC naman...hmmm. hindi namin masabi kung may nararamdaman na rin ba syang sama ng loob este KUNG may narramdaman na rin ba sya para kay Bryan. Pero ang feeling ko meron na. (laugh) Eto naman si Mark. Si Mark ang pinaka womanizer na nakilala namin pero parang nagbago na ata siya. Dahil kaya kay Sheila? hmmmm...
