Nakapag-ayos na kami. Nakapagpalit ng damit at naayos narin namin kung sino ang magkakatabi sa pagtulog. Syempre lahat kaming babae magkakatabi. Since may walong bed sa room, tig-iisa kami at katapat namin ang mga boys. Si manong berto naman kasama rin namin sya at dun sya sa isang malaking sofa na parang kama narin. Grabe feeling ko sobrang yaman talaga ng may-ari neto. Mukhang luma sa labas pero pagpasok mo, maaamaze ka sa ganda at sa dami ng portraits nila at chandelier. Nabanggit samin nila lola na taga-pangalaga lang sila rito at kasama nila dito ang isang babaeng tagapagmana neto. Napakaswerte naman nun. Pero sana huwag nilang pabayaan ng ganito 'tong Mansion nila. Maya-maya lang habang nagkkwentuhan kami pababa ng hagdan para sana magpahangin sa labas,bumukas ang pinto sa baba at nagulantang kaming lahat dahil sa taong pumasok dito. Siya ba ang tagapagmana nito ? Napakaliit nga naman ng mundo at dito pa kami pinagmeet lahat. Claire. Claire ang pangalan niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Nagflashback lahat sa isip ko ang mga kalokohang ginawa ng mga kaibigan ko sa kanya. Madalas siyang mabully noon sa school nung highschool pa kami. Hindi ako nangingielam noon sa mga friends ko pero kapag sobra na,inaawat ko na sila. Pero dahil kaibigan ko 'tong mga 'to, ayaw din ni Claire sakin. Naaalala parin kaya niya ang lajat? Galit parin kaya sya samin?
Bakas rin sa mukha niya ang pagkagulat nang makita kami. Natatandaan pa niya siguro kami. Hindi naman yun imposible kasi highschool lang naman kami naging magkakaklase. Agad namang napalitan ng mga ngiti ang kanyang pagkagulat at tinanong niya kami kung anong ginagawa namin dito at paano kami nakapunta dito. Ipinaliwanag naman namin lahat sa kanya. Lahat ng nanyari habang nandito kami sa sala nila. Doon lang namin nalaman na nasa Baryo Higanti as in "revenge" pala kami at tatlong baryo pa bago kami makapunta sa suluk-suluk dahil nagkamali kami ng daan. Haaaayy! Eh nasa kasuluk-sulukan pa pala tong pupuntahan namin e! Hahahaha! Nakakaloka, mabuti na lang at dito kami napadpad.
"So Claire kamusta ka naman ngayon?"-sabj ni Bryan sabay tingin kay Mark na parang nang-aasar. Siguro naaalala nila yung mga panahong pinagtitripan nila si Claire. Nako. Sana napatawad na kami ni Claire. Oo kami. Kasi kahit na alam kong hindi lahat saming magkakaibigan ay may kasalanan kay claire,kaibigan parin kami nang taong nantitrip sa kanya noon kaya dapat parin kaming magsorry sa kanya.
"Okay naman. Bakit mo naman natanong?"-sabi ni Claire na parang natatawa sa tanong ni Bry.
"Ah,wala naman. Kasi syempre diba tagal na nating hindi nagkikita. I just want to know if you're fine"-Bry
"Wow pre! Marunong ka pala mag-english? Grabe nosebleed!"-sabi ni Mark in a way na nagpapatawa siya at may paglagay pa ng kanyang kamay sa ilong niya.
"Sira! Bully ka nanaman ah!"-Bry
Lahat kami nagtatawanan na lang dahil sa sinabi ni Bryan pero syempre kumalma naman na kami ay biglang nagsalita si Mark. Bigla siyang naging seryoso at nagsorry siya kay Claire dahil sa mga kalokohan niya noong highschool pa kami. Agad naman ngumiti si Claire noong sinabi yun ni Mark at sinabi niyang nakalimutan na niya yun, isa pa highschool oa naman daw kami nun. Nagsorry rin kaming lahat sa kanya at ayun naging maayos na ang lahat. Hindi naman maipinta ang mga ngiti ni Sheila. Mga 'to talaga lumalovelife! NA turn-on siguro siya sa ganun na ugali ni Mark. Syempre kahit sino naman na babae,gusto sa isang lalake yung sincere lalo pag nagsosorry. Yung wala talaga halos halong biro.
Sa sobrang saya namin, para bang ayaw namin matapos 'tong gabi na 'to. It was one of our best night! Habang paakyat na kami sa kwarto, di parin kami nauubusan ng kwento. Pero kanya kanya na kami ng kausap. Si Mark at Sheila, ayun nagmamatamis sa isa't-isa. Si Bryan at Kc, may bulungang pag-uusap. Si Yumi at Jess naman may pinagkakaguluhan sa phone nila. Nung tinignan ko, aba! Ayun puro fafa ang tinitignan! Natatawa na lang ako e,hindi lang sa kanila pati sa sarili ko.hahahaha!
Eh kasi nemern,eto ako ngayon. Katabi so Chris habang paakyat. Normal na usap lang. Marami ako nakukwento,ganun rin sya pero para bang may gusto syang sabihin na hindi niya masabi.
Nandito na kami ngayon da kwarto namin. Medyo antok na ang lahat pero nagawa parin magusap-usap. Gusto daw nila Jess na pumunta sa may ilog na malapit lang dito sa Mansion. Kanina kasi nabanggit yun ni Claire samin. At sumang-ayon naman ang lahat na pupunta kami bukas doon pero hindi dapat abutin ng dilim kasi aalis narin kami kagad e. Buong gabi, walang sawa kaming nagkwentuhan at nagkulitan simula nung dumating si Claire hanggang sa dinalaw na kami ng antok at unti-unting nakatulog.
