Chapter 5

2 1 0
                                        

8am nang magising kami. Agad kaming nag-ayos ng mga higaan nang mapansin kong wala na roon si Jess at Yumi.

"Asan si Jess at Yumi?"

"Baka nauna na sila bumaba. Excited siguro"-sagot ni Chris sakin.

Siguro nga nauna na silang bumaba pero bakit parang iba yung pakiramdam ko? Ang hirap i-explain pero iba talaga yung nabavibes ko. Kakaisip ko hindi ko alam na natulala na pala ako. Tinanong tuloy ako ni Kc kung okay lang daw ba ako. Sinabi ko naman na okay lang ako at may naalala lang. Ready na ang lahat at handa na kaming magpunta sa ilog except for sheila. Nalate sya magising kaya sabi niya mauna na daw kami,susunod na lang siya.

Pababa na kami ng hagdan para narin i-check kung nandoon naba sila Yumi at Jess pero nagulat kami nh si Lola lang ang nakita namin sa hapag kainan. Nauna na kaya sila umalis? Tinanong namin kung nagbreakfast na ba sila pero sumagot si Lola samin na hindi padaw niya nakikita na bumababa sila Yumi at Jess. Sa pagsagot niyang yun, napansin ko na nauutal-utal siya at hindi lang ako ang nakapansin kundi kaming lahat. After namin magbreakfast,nilibot namin ang mansion para hanapin ang mga kaibigan namin pero wala sila dun kaya agad kaming pumunta sa may ilog. 10 mins. Lang ang punta roon kaya hindi nakakapagod. Sobrang mapuno dito na feeling ko madaming anaconda dito. Palapit palang kami sa may ilog pero may naririnig na kaming sumisigaw at humihingi ng tulong. Pagtapat namin sa may ilog, hinahanap parin namin kung saan yung sumisigaw. Hanggang sa isa pang pagsigaw,nakita namin sa itaas ng ilog na mabato si Yumi. Hawak-hawak siya ni Claire.

"Yumi?"-kc

Nagulantang kaming lahat sa nakita namin. Hawal ni Claire si Yumi at may hawak ron syang baril. Anong nanyare? Bakit ganon? Akala ko okay na ang lahat pero bakit gusto niyang patayin si Yumi?

"Claire. Kumalma ka lang. Chill ka lang. Ibaba mo yang baril mo"-sabi ni Bryan na kinakabahan sa kung ano man pwedeng gawin ni Claire.

Habang kinakausap namin si Claire,may naramdaman akong dalawang patak sa mukha ko. Inilapat ko ang kamay ko sa mukha ko at nang makita ko, agad nanginig ang kamay ko sa takot. Dahan-dahan akong tumingin sa taas kung saan nanggaling ang pagpatak ng dugo.

Hindi ko ineexpect na yun ang makikita ko. Napasigaw na lang ako dahil nakita ko...nakita ko si Jess na nakasabit sa may puno at dumausdos na lang siya pababa samin.

Nagpanic ang lahat at nagsisigaw na lang sa nakita namin. Sa panahong ito napatingin ako kay Chris at bakas sa mukha niya ang paghihinagpis sa kapatid niya at galit para kay Claire. Kasabay nito, narinig namin ang pagputok ng baril ni Claire at nakita namin na bumagsak si Yumi sa ilog. Hindi ko akalain na gagawin 'to ni Claire. Ang akala ko napatawad na niya kami. Unti-unti kong naalala kung ano ba ang ginawa ni Jess at Yumi sa kanila nung highschool pa kami. Naalala ko noon na nagpatulong si Yumi kay Jess para itali ang sintas ng shoes ni Claire sa may upuan kahit hindi gusto ni Jess. Ginawa nila yun habang pinagttripan nila Mark si Claire at sakto pagtayo ni Claire, nasubsob na lang siya sa sahig.

Habang inaalala ko ang lahat, narinig kong tumatawa si Claire na parang wala ng bukas. Natauhan akong bigla at naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"G-Gab, huwag mong pababayaan ang kuya ko"-sabi ni Jess habang naghahabol ng hangin sa katawan. Hindi namin alam na magkakamalay pa pala siya dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Pagkasabi niya samin,sinabi nya rin na mahal na mahal niya ang kuya niya, at doon na siya nawalan ng buhay. This time,kailangan na talaga namin umalis dito.

Pagkatapos nun,nakarinig kami ng sunod-sunod na pagputok at mukhang kailangan na talaga naming umalis. Pinilit ko na si Chris na umalis doon dahil delikado kung magtatagal kami dun. Si Mark hindi siya sumunod samin dahil babalikan nya sa Mansion si Sheila. Nakakalungkot at nakakabahala dahil alam namin na hindi safe kung babalik siya dun pero hindi namin siya napigilan.

"Mag-iingat ka Mark"-sabi ko

"Kayo rin"-sagot ni Mark at tumakbo na siya palayo samin

Habang tumatakbo kami,andaming pumapasok sa isip ko. Iniisip ko kung ano manyayari samin after this. Kung sino kaya ang ititira niya samin or kung may matitira ba. Si Mark. Nag-aalala ako sa kanya dahil alam ko siya ang may matinding pambubully kay Claire noon. Meron namang araw na hindi sinasadya na mabuhusan siya ng isang balde ng tubig na may harina at food coloring. Para kasi dapat yun sa matatalo sa game na ginawa namin nung foundation day namin. Eh sakto habang tinatry namin kung magwowork yun, napadaan si Claire and then boom. Isa si Sheila sa naghatak nun and we feel so bad after that.

Nakalayo na kami sa Mansion at sa may ilog. Palagay ko nasa kabilang baryo na kami. Kakaiba itong baryo na 'to dahil parang bibihira lang ang taong nakatira dito.

"Pssst!"-May narinig kaming sumitsit samin

"Sino yun!?"-Kc

"Ssshhh!"-Bry. Sabi niya habang nililibot ang mata sa paligid namin.

Nagulat na lang kami ng biglang sumulpot sa likod namin si Lola. Si Lola na nakatira rin sa Mansion.

"Sumunod kayo sakin. Dadalhin ko kayo sa ligtas na lugar"-sabi niya samin

Hindi kami sumasagot sa alok niya. Nabalot ng katahimikan ang paligid namin bago may nagsalita.

"Saan mo naman kami dadalhin?. " "We're not sure if we can trust her"- sabi ni Chris sa amin

"Oo nga. Saka taga mansion ka rin diba? Baka mamaya patayin rin tayo nyan no"-Bry

"Sira kaba? Matanda na yan no. Saka mukhang tutulungan niya talaga tayo"-sabi ni Kc ng pabulong kay Bryan

"Ayaw niyo bang mailigtas ang mga buhay niyo? Sige aalis na'ko"-Lola

"Nandito pa si Lola so it means hindo pa tayo nakakaalis sa baryo higanti?"-sabi ko sa kanila

"Hindi pa"-sambit ni Lola

Nagdalawang isip man kami lalo na sila Chris,sumama parin kami dahil madilim na sa daan at wala pa kaming nakikitang ni-isang bahay na mahihingian ng tulong.

Habang naglalakad kami, natatanaw ko na kung saan kami dadalhin ni Lola. May isang malaking kubo sa di kalayuan. Tanaw ito dahil may ilaw naman sa loob nito. Nauuna si Lola maglakad. Kami nila Chris nakasunod lang at nasa likod namin si Bryan at Kc. Pero nagulat ako. Hindi ko inaasahan na bigla na lanh nawala si Bryan at Kc sa Likod namin. Hahanapin dapat namin ni Chris sina Bryan pero pinigilan na kami ni Lola dahil delikado na raw at kailangan na namin pumasok sa loob. Wala akong nagawa kundi sundin na lang si lola at nag iiyak na lang ako nang nag-iiyak sa loob ng bahay kubo. Binigyan niya pa kami ng makakain pero hindi ko magawa na kumain. Sa tingin ba nya makakakain kami ng maayos sa ganitong sitwasyon? Pagkatapos nun,lumabas saglit si Lola. Mahigit sampung minuto na pero hindi parin siya bumabalik. Kapalit nun ay ang biglang pagdating ni beki. Natataranta nako. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang takot. Dumating si beki na puro dugo sa katawan.

"Umalis na kayo dito. Si Lola. Pinatay niya si Lola!"-sabi niya samin ni Chris

"Umalis na kayo dito bago pa niya kayo maabutan"

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha hanggang sa may pumana sa kanya at tumusok ito sa dibdib niya. Unti-unti,lumitaw si Claire sa kubo kaya wala na kaming choice ni Chris kundi tumalon sa may bintana. Binilisan namin ang pagtakbo pero alam namin na hinahabol kami ni Claire. Naalala ko, archery ang sport ni Claire nung highschool pa kami. Hobby nya yun noon. Pero ngayon hindi ko gusto na gagamitin nya to para pumatay ng tao. Wala syang tigil sa pagpana samin. Mabuti na lang nasa puno kami kaya yun ang natatamaan.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko kayo napapatay lahat!" Sigaw nya samin. Kasabay nun ay ang pagtira niya at doon natamaan si Chris sa may hita niya. Napaluhod na lang si Chris at sumigaw sa sakit.

"Gab. Tumakbo kana. Sige na hayaan mo nako."-Chris

"No Chris. Hindi kita iiwan dito. I can't!"-sabi ko sakanya habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko

"Tumakas kana bago kabpa niya maabutan. Sige na. Tumawag ka ng Police"- Chris

Ayoko siyang iwan pero yun ang gusto niya. Bagonko siya iwan tinignan ko muna siya kung yun ba talaga ang gusto niya at ng tumingin siya sakin, yun talaga ang gusto niya e. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo palayo sa kanya.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon