Chapter 3

4 1 0
                                    

Habang wala kaming tigil sa kalokohan namin at walang tigil kakatawa, hindi namin namalayan na malapit na pala kami sa bahay nila Jess dalawang bahay na lang ang pagitan.

"Guys tahimik na, nandito na tayo oh..nasa labas na si Jessica"-sabi ko

Pero habang palapit na kami kung saan nakatayo si Jessica na may ngiting nakasalubong sa amin, lumabas ang Parents niya at ang isang taong matagal ko na ring hindi nakikita. Bigla na lang akong hindi makagalaw ng maayos sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko aatakihin ako sa sobrang bilis ng heartbeat ko. Gab! ano ka ba? kalma! siya lang yan. Kinakausap ko na ang sarili ko. Kasama kaya siya?

Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang sasakyan habang nakatingin sa kanya ng malapitan. Buti na lang tinted at hindi niya ako mahahalata. Sa harap ako ng sasakyan nakaupo kaya naman nagulat na lang ako ng buksan na ni Yumi yung pinto.

"Uy Gab! Ano? Di kapa bababa? Magpapaalam na tayo sa parents ni Jessica"-Yumi

Parang nawala ako sa ulirat at wala talaga akong nasabi kaya bumaba nako.

" a-hi Gab! Kamusta?" -Chris

Laking gulat ko nang kausapin niya ko. Oh God, totoo ba 'to? Hindi ko na nga siya pinansin para kunwari hindi ko siya nakita pero bakit niya ko kinausap? For the first time,siya yung unang nag-approach. Dati kasi kapag hindi namin siya kinausap,hindi niya rin kami kakausapin. Gusto niya kami pa yung lalapit sa kaniya. Ano kaya nakain ne'to? Nagbago na kaya siya? For real?

At eto syempre tinuloy-tuloy ko na rin ang pakikipag-usap sa kanya. Saglit lang kami nagkausap pero para sakin mahaba na yun at okay nako dun. DI rin nagtagal,nakapagpaalam narin kami sa parents nila and yes kasama siya ni Jess what I mean is kasama namin siya magbakasyon.

Diko inaasahan lahat ng 'to pero thankful ako na makakasama ko sila for one week kung saan alam ko na magiging masaya ako.

Nasa byahe na kami going to our destination. Syempre hindi parin namin maiwasan magkwentuhan. Kahit na nasa tabi ako ng driver nakaupo,namamanage ko parin na makipagkwentuhan sa kanila at diko rin maiwasan na mapatingin sa kanya sa mirror ng sasakyan. Nagkataon pa na nagkatinginan kami pero hindi ako nagpahalata. Relax lang ang upo ko wearing plain v-neck shirt,skinny jeans and my favorite boots. Hindi ko alam pero napaka-attractive niya kahit nakasuot lang din siya ng plain black shirt and pants.

While spending an hour with them dito sa van, we also eat some snacks. Hanggang sa yung iba sa amin nakatulog na sa byahe pero ako hindi ako nakatulog,I mean hindi ako natulog dahil nagbabantay ako sa byahe namin. Almost 2 1/2 hours na kasi pero wala pa kami sa baryo suluk-suluk. Ang lugar kung saan talaga kami pupunta. Nasa kasuluk-sulukan ata 'to e.

"Uhmm Manong nasan na po ba tayo?"-sabi ko kay manong ng may pag-aalala

"Ma'am sorry po. Mukhang naliligaw po ata tayo e. Pare-parehas po kasi yung mga puno na nadadaanan natin"-sabi ni Manong Berto. Nag-aalala nako kasi baka mamaya abutin kami ng gabi dito sa hindi namin alam na lugar.

Nagising narin ang iba kong mga kaibigan kaya tumulong narin sila sa pagtatanung-tanong sa tamang daan namin pero kung saan saan kami tinuturo ng mga tao. Hayyyy...sabi ng isa kaliwa,yung iba naman diretso tapos kakanan raw? Beyern. Nakakalito na,kaya minabuti na lang namin na icheck sa map namin kung saan kami dadaan. Pero sa hindi inaasahan....nawalan kami ng gas at mukhang kailangan pa naming maghanap ng mapagagasulinahan. May nakita akong sign board pero 3km pa ang layo. Nasakto rin naman na nakahinto kami sa harap ng parang isang abandonadong bahay at nakita yun ni Bryan. Agad naman kaming bumaba at pumunta sa bahay para rin sana makahingi ng tulong. Napakalaki ng gate nila. Para kang papasok sa isang Mansion pero oo maituturing ko nga ito na isang mansion. Wala na siguro nakatira kaya hindi na naaalagaan.

"Tao po? May tao po ba dyan?"-Bryan

Walang sumasagot. Sinubukan rin namin na sabay-sabay kami magtao po baka sakaling may lumabas na na tao sa pinto pero wala parin e. Natatawa na lang kami sa mga pinaggagagawa namin e.

"Ano ba yan? Wala naman atang tao dito e? Pasukin na kaya natin? Malapit nang dumilim baka hindi pa tayo matuloy sa pupuntahan natin" -Mark sabi niya na halatang naiinis na kasi walang sumasagot. Kaya naman napilitan na talaga kaming pumasok.

Binuksan namin ng dahan dahan ang napakalaking gate. Nakita rin namin na wala naman lock yung gate so ayun. Pag open namin medyo mahaba pa ang lalakarin mo bago ka makapunta sa mismong Mansion. May mga halaman at puno sa gilid kaya naman nagkakatakutan 'tong mga 'to at nagtutulakan. Ako naman tahimik lang na nagmamasid hanggang sa makarating sa harap ng pintuan.

This time,sinubukan ulit namin kung may tao kaya kinatok namin ang bahay. Nung una walang kumakatok hanggang sa nakadalawa na kami na katok at may unti-unting nagbukas ng pinto.

"Waaah!!!"-nagsigawan lahat kami dahil ikinagulat namin ang nagbukas ng pinto. Mabuti na lang napakalma namin ang sarili namin at napagtanto na tao rin este tao pala ang nagbukas at may mudpack lang sa mukha.

"Hoooyy ! Bakit kayo nagsisigawan ha!?"-sagot niya sa amin na isang beki pala.

"So-sorry akala kasi namin hindi ka tao este akala namin diyosa ka.yun! Yun talaga kaya napasigaw kami"-sabi ni Bryan na parang nagpapatawa and out of his words.

"Opo yun po talaga yun. Pasensya na po if nagulat namin kayo"-Yumi

Kumalma naman siya at tinignan niya kami isa-isa.

"Anong kailangan niyo? Hmm?"-beki

Sinabi namin na kailangan namin ng tulong dahil naubusan kami ng gas at habang kinakausap namin siya,may isa pang Matandang Babae ang lumabas sa loob ng kanilang tinitirhan. Hmm. Naisip ko lang kanina pa kami katok ng katok,tao po ng tao po,may tao naman pala.Ayaw lang siguro kami pagbuksan kagad. Tinatamad.joke hahaha! At ayun ang isang Lola na mukhang strict,ay mabait naman pala at pinatuloy muna niya kami sa kanilang tinitirhan na Mansion dahil dumidilim na at mas mabuti daw na ipagpabukas na lang daw namin ang problema namin. Pinakain pa kami ni lola at pagkatapos tinuro niya sa amin kung saan ang magiging pansamantalang room namin. Napakalaki ng isang room na tinuro niya kaya napagdesisyunan namin na sa isang room na lang kami.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon