Malayo na naman ang tingin ko. Tagus-tagusan sa lahat ng bagay na makita ko sa bawat dinadaanan ko. Siguro mula Quezon City hanggang Manila, ganoon kalayo yung iniisip ko. :) Wala e. Ganun talaga ako. Lagi kasi ako mag-isa sa bahay. By the way, I'm Gabby Fernandez. Yup, Gabby pero babae ako. Medyo slim, 5'5 ang height, maputi at may maaliwalas na mukha sa harap ng ibang tao. Dun kasi sa bahay namin, doon nakatago lahat ng lungkot ko; kaya sa harap ng ibang tao at sa harap ng mga kaibigan ko, happy ako at pricelesss ang mga ngiti ko.
Ilang taon na ang lumipas at malapit na rin kami makagraduate ng mga kaibigan ko ng kolehiyo sa magkakaibang University na aming pinapasukan. Magkakaibigan na kami since 1st year high school kaya naman kilalang kilala na namin ang isa't-isa. Naging madalang ang pagkikita namin dahil naging medyo busy kami sa pag-aaral at madalas tuwing summer, may kanya-kanya kaming inaasikaso. Pero ngayon taon. Finally! Magkikita-kita na kami ulit! Napadesisyunan kasi namin na magbakasyon muna. Yung kami-kami lang for 1 week before ng graduation namin. Sumakto kasi na pare-parehas kaming my rest day before our Graduation.
"Mom, please! Payagan mo na'ko, I'm too old para hindi mo ko payagan magbakasyon with them. Ngayon na nga lang kami magmi-meet ulit e!." - sabi ni Jessica.
Jessca Flores. Ang pinakamahirap ipagpaalam sa Parents tuwing may lakad kami. Overprotective kasi ang magulang niya sa kanya. E kahit naman ako ang maging magulang niya, ganun din ang gagawin ko. Sino ba naman ang hindi magiging super duper strict sa kanya? Nasa kanya na rin ata lahat ng hinahanap ng isang lalaki. Maganda, Matalino, Mabait, Maarte sya magsalita oo pero bagay naman sa kanya at may karapatan naman siyang mag-inarte no. Diyosa kasi yung kagandahan niya! Haha. At bukod doon, talented din siya; bukod sa magaling siyang kumanta, mag-play ng drums at guitar, magaling rin siya sumayaw. Kaya naman nung Highschool kami, ay God! maraming secret admirer yan! Secret admirer kasi tagong tago talaga sila. Minsan ipapaabot lang o kaya ihuhulog sa loob ng locker ni Jess yung mga love letters nila. Hindi kasi sila makalapit dahil bantay na bantay rin siya ng kuya niya kahit kasama kami ni Jess.
"Okay. I will allow you pero dapat isama mo ang Kuya Chris mo."
"Oh sure Mom! payag ako, close naman siya sa mga friends ko e saka alam ko naman na love na love ako ni Kuya, diba Kuya Chris?" -Jessica. Sabay lapit sa kuya niya na may nakakalokong tingin.
"Yuck, Jess! sasamahan lang kita dahil kailangan kitang bantayan at kapag may nannyari na hindi maganda sayo, ako sisihin ni Mommy, got it?" -Chris habang nakaupo sa sofa at naglalaro sa Phone niya pero may supladong aura sa mukha.
"Tinawanan lang ni Jessica ang sinabi ng kanyang kuya dahil kahit ganoon ang kuya niya, alam niyang concern parin ito sa kanya. Habang tumatawa si Jessica, may naalala siya kaya bigla siyang napahinto sa pagtawa at nagsalita.
"Wait, Kuya. I think I know na kung bakit payag ka na samahan ako. Bukod sa concern ka sakin, hmmm.. I remember something! Hahahahahaha" -Jessica
"What are you talking about? tsss" -Chris
"Well,well,well! Alam kong may gusto ka rin makita! right? am I right kuya? Answer na!" -Jess
Walang tigil sa pang-aasar si Jess sa kanyang Kuya. Hanggang sa kumakain na sila, yun parin yung iniisip ni Jess kaya naman wala ng magawa si Chris kundi ang tignan na lang siya ng masama.
