Chapter 6

6 1 0
                                    

Unti-unting pumapatak ang mga luha ko sa sobrang takog at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Aalis nako sa lugar na 'to na hindi man lang kasama ang mga kaibigan ko? Sobrang sakit! Yung akala naming masayang pagbbonding at bakasyon, nauwi dito. Wala man lang ako nagawa para sa kanila. Si Chris iiwan ko siya na wala man lang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba sya!?

"Help! Please! Tulungan niyo ko!"-yun na lamang ang nasabi ko habang tumatakbo palayo. Medyo nakakalayo nako. Maya maya lamang ay may dumaan na kotse. Doon nako nag-iiyak habang hinaharang ko sila.

"Miss okay ka lang? Ano nanyare sayo?"-sabi nung mama na may kasamang babae na sa tingin ko asawa niya. Bumaba sila sa kotse at alam kong nagpanic sila dahil may dugo sa damit ko. Sinabi ko sa kanila na tulungan ako at kung pwede tumawag kami ng mga pulis para makuha ang mga kaibigan ko at mahuli si Claire. Agad naman silang pumayag at isinakay na nila ako. Sabi nila mas makabubuti kung mga pulis na lang daw ang bumalik doon. Dinala muna nila ako sa hospital dahil may mga sugat at galos ako sa katawan dulot ng pagtatakbo namin kanina. Hanggang dito sa hospital,nagdadasal ako at umaasa na sana kahit si Chris na lang ang ligtas doon. Hindi ko ata makakaya na lahat ng kaibigan ko mawala sakin. Madaling araw na ng tumawag ang mga pulis samin. Ibinigay nila sakin ang telepono. Sa pagkuha ko nun, nanginhinig ang mga kamay ko dahil kinakabahan ako. Natatakot ako sa sasabihin ng pulis sakin. Inilapat ko sa tenga ko ang telepono at nag-hello. Binanggit niya ang pangalan ko at kasunod nun ay ang balita tungkol sa mga kaibigan ko. Nang marinig ko ang kanyang balita, nagsimula nanaman pumatak ang mga luha ko. Sadyang mapaglaro nga ba talaga ang tadhana? O ang buhay ang siyang mapaglaro dito sa mundo? Lord,bakit wala kayong tinira sa mga kaibigan ko? Paano na ko?

Sabi ng pulis hindi nila makita ang katawan ni Chris pero sigurado daw na wala na rin sya dahil hindi nila nahuli si Claire at malamang sinama ni Claire si Chris sa kung saan man. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nawala lahat ang mga kaibigan ko sa isang iglap lang.





————-




The Day of our Graduation"

Araw na ng graduation namin ngayon. Ang iba ay natutuwa para sakin dahil Magna Cum Laude ako. Pero ako? Hindi ko magawang maging masaya. Si Jess, ganito rin sana ang nakuha niya ngayon kung hindi lang siya naunahan ng kamatayan. Hanggang ngayon nagluluksa parin ako at hindi makapaniwala sa nanyari sa amin. Ako lang ata ang gagraduate dito na walang kasiyahan sa mukha. Bigla kong naalala yung sinabi ng pulis sa akin na siguradong wala na si Chris. Ayokong maniwala kasi hindi naman nakita yung katawan niya e. Wala na nga ba talaga siya?

Habang naglalakad ako paakyat ng stage, alam kong nakatingin ang lahat sa akin at nag-aabang sa speech ko. Wala akong prepared speech sa totoo lang. Hindi ko dinala ying dapat na sasabihin ko dahil gusto ko sabihin sa kanila kung ano ying nararamdaman ko mismo ngayon. Tumingin ako sa paligid bago ako magsalita. Nakita ko na ang dating magkakaibigan ay magkasama parin ngayon. Naiiyak ako sa mga nakikita ko pero pinigilan ko dahil hindi ako makakapagsalita. Dahan-dahan akong humakbang sa Podium at huminga ng malalim bago ako magsalita.

Isang magandang araw po sa inyong lahat especially to all the Graduates.

"Binigyan ko sila ng isang magandang ngiti at saka ipinagpatuloy ang mga sasabhin ko"

Noong bata pa ako, pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi lang makapagtapos kundi makakuha ng maraming awards at Medalya. I'm so happy dahil na-achieve ko yun. Masaya ako dahil yung pangarap ko alam kong malaki ang maidudulot sa future ko. Only child ako and my parents, were too busy with their business kaya buong buhay ko puro aral lang. Lakas ng loob kong sabihin to no? Wala kasi sila dito. Obviously, busy nanaman. Sabi nila hindi sila makakarating.

"Habang sinasabi ko to, hindi ko na napigilan na hindi umiyak pero tinatry ko parin na pakalmahin ying voice ko para maging malinaw yung pagsasalita ko"

Sorry. I can't stop my tears from falling. Buong buhay ko kasi feeling ko lagi lang ako mag-isa kahit may family ako. Sumasaya lang ako kapag kasama ko mga friends ko but now I really can't 'coz they're all gone. That's the reason kung bakit hindi rin ako masaya na naging Magna Cum Laude ako.

A few days past,something happend with my friends at kasama ako dun. Lahat sila namatay and we didn't expect that it would happen. Tapos ang masaklap pa dun, ako lang... ako lang yung nakaligtas. Naisip ko tuloy na sana ako rin,na sana namatay na lang rin ako. Hindi ko sinasabi to dahil nagpapaawa ako. Gusto ko sana na maging lesson rin ito sa inyo.

Marami kasi akong narealize after manyare lahat ng to. Siguro kaya lang to nanyare sakin dahil gusto ni God na maintindihan ko pa lahat ng mga bagay sa mundo. Na hindi lahat ng tao laging nandyan para sayo; darating ang araw na mawawala rin sila sa tabi mo. Dun ko narealize na siguro kaya sila kinuha sakin, dahil gusto ni God na pahalagahan ko naman ngayon ang Pamilya ko. May mga bagay kasi na kahot gaano mo pa siya tinetreasure,pinapahalagahan,kung nakatadhana na kailangan na nyang mawala sa tabi mo,we have no choice. Kailangan na talaga niya umalis. Alam ko na hindi lang ako ying may parents na busy rin sa business nila kaya gusto ko lang rin marealize niyo na yung ginagawa nila ay para din sa atin. For us to have a good future. Sila ang dahilan kung bakit nakakapag-aral tayo sa ganitong mamahaling school. Huwag sana natin sila balewalain.

This is not all about how to treasure your friends but it is also about how to give BACK the love to our parents. I'm sorry kung hindi ko dinala ying original speech ko. Gusto ko kasi mailabas kung ano yung nararamdaman ko. And I'm hoping na this would be the last time na magkakaroon ako ng isang bucket full of tears.

(Some people laughed dahil dun sa sinabi ko)

Nawa'y maging masaya ang araw na ito sa inyong lahat!

Congratulations Graduates!

Nagulat ako nang pumalakpak at nagsitayuan silang lahat. Akala ko ibabash ako ng iba pero hindi pala. Sobra akong natuwa nang makita ko silang pinapalakpakan ako. Nakakahiya lang kasi hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. Habang nililibot ko ang mga mata ko,namataan ko ang Parents ko na nasa likod at kumakaway sakin. Natuwa ako. Akala ko hindi na sila makakarating. At ikinagulat ko naman ng may makita ako sa bandang dulo,saktong nakatayo sa Pinto, sa labas ng auditorium. Isang tao na nakasuot ng all black.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon