3

54 8 0
                                    

Isang malakas na hampas ang natanggap ni Mae.

"Anong sinabi mo!" halos mapaos na sa kasisigaw ang ina ni Mae dahil sa narinig niyang pagtatapat ng anak.

"M-ma.. buntis po a-ako.." at yumuko si Mae dahil sa hiya at pagsisisi niyang nararamdaman. Nanghina naman ang kanyang ina dahil sa pag-ulit nito na banggitin ang salitang 'buntis ako'.

Tumulo agad ang luha ng ina ni Mae.

"Ilang taon ka pa lang? Ano na ang ginawa mo?" napaupo ito at hinimas-himas ang ulo dahil sumasakit ito. Pilit namang tinatatagan ni Mae ang kanyang loob, di niya gustong umiyak sa harapan ng kanyang ina.

"Ma.. sorry po" at tinitigan ni Mae ang ina sa mata.

"May magagawa ba ang sorry mo! Ano na ngayon ang gagawin mo? Kahit ikaw nga lang, di ko na kayang itaguyod! Tapos ngayon ay dadagdag ka pa ng isa!" sigaw ulit ng ina.

"Umalis ka! Lumayas ka sa bahay na ito! Di ko matatanggap 'yan hanggang di mo rito pinapaharap ang lalaking ama nang dinadala mo!" at tumayo ang ina niya at tinalikuran si Mae. Pinipigilan lang ni Mae na tumulo ang kanyang luha. Di raw dapat iniiyakan ito, dapat ay maging masaya siya dahil biyaya daw ito ng diyos. Kaya napagdesisyonan niyang pumunta sa apartment ni Marvin.

PAGKUKUWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon