5

70 8 10
                                    

"Dahil mahal.. mahal na mahal kita" muling umawit si Marvin habang umiiyak at yakap-yakap ang bangkay ni Mae na puno ng dugo at saksak.

"Mae.. Mae.. gumising ka.." at niyakap niya pa ito nang mahigpit.

"D-Di ko sinasadya.."



"Lyn.. Joyce.. Marjorie.. Myra.." wika ni Marvin na kasalukuyang hawak -hawak ang isang bangkay.

"Si Mae nga pala.. Ang mahal ko pero mahal ko rin naman kayo kaya ko nga ito ginawa dahil ayokong kunin pa kayo ng iba sa akin.." at kasabay nang pagsabi niya ay itinapon ni Marvin ang bangkay ni Mae sa isang malalim na hukay na matatagpuan sa kanyang bakuran. Dito rin matatagpuan ang bangkay ng iba.

Pagkatapos niyang maihagis ang bangkay ni Mae ay tinakpan na niya ang hukay ng isang takip na yari sa makapal na semento na kuwadrado upang di na umalingasaw pang muli ang amoy.

"Mahal ko kayong lahat.." at ngumiti si Marvin habang sinilayang muli ang lugar.

'Ngayon.. Sino naman ang susunod?'

Napangiti naman si Marvin sa sinabi ng isang tinig..







"'Yong magandang...









..nagbabasa nito ngayon"

-WAKAS-

PAGKUKUWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon