Hachi's Pov.
*kring*kring*kring*
(alarm clock po yan ^_^v)
Kinapa ko kung nasa ang alarm clock ko sa tabi ng kama dahil inaantok pa ko hindi ko alam kung saang banda nakalagay kaya kakakapa ko nalaglag ang alarm clock.
*blag*
At ayun natahimik na rin ang aking magandang kwarto.Matutulog na sana ulit ako kaso biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sinuka ang pinaka poging kuya ko.
"hoy"sigaw ni kuya sakin pagpasok nya.
"oh?"tanong ko sa kanya.
"wala kang balak bumangon?"
"wala!!"
"sige!!gusto mo atang malate.Sige mauna na ako sayo maglakad ka na lang papuntang school!!!!"sigaw niya at sinara na ang pinto.
Pagkarinig ko ng sinabi ni kuya dali dali akong tumayo at pumunta na ng cr para maligo.Pagkatapos ko magayos tumakbo na ako pababa ng hagdan para hanapin si kuya baka kasi iwan talaga ako nun eh ayoko pa naman maglakad tsk.
Minsan lang nanditi si kuya. Lagi nyang kasama sila mom and dad. Ang alam ko magkakasama sila sa business trip kaya nagulat ako na nandito sya. Hindi ko na sya tinanong kung bakit sya nandito,alam ko namang tumakas sya para lang makasama ako.
Nakita ko si kuya nakaupo sa sofa hawak ang cellphone at nakangiti siguro ka text nya girlfriend nya.Maasar nga.
"si kuya kinikilig"sabay kiliti ko sa kanya.
"a-ano??sinong kinikilig?"Gulat na tanong nya.
"ikaw!!!grabe kuya makangiti wagas parang wala ng bukas tsk.Sino yang ka text mo??"
"none of your business.Tara malalate na tayo"pag iiba nya ng topic. Masyadong depensive.
"kuya change topic?ganun?"Hahahahhaha inirapan lang ako.
"tsk"tumayo na sya at lumabas na ng bahay.
"kuyaaaaaa!!"sigaw ko. Ang laki pa naman nyang tao. Isang hakbang nya katumpas ng tatlong hakbang ko huhuhu
"bakit?"Naiirita nyang tanong. Daig pa babae sa pagkakaroon ng mood swing.
"san ka pupunta?"
"uuwi na?"Pilosopo talaga kahit kailan. Sino may gusto ng kuya? Inyo na lang 'to. Walang bisyo kape lang. Pogi na rin. Matangkad. Matalinaw-este matalino. Mabait. Nasa kanya na lahat. For more information text me on 09987654322.
"grr.kuya naman eh pilosopo.Pero kuya hindi pa ko kumakain ng breakfast *pout*"
"ano naman kung hindi ka pa kumakain??"
"malamang gutom na ko"
"hahaha alam ko kaya aalis na tayo para hindi ka makakain"pang-aasar nya sakin.
Dahil naiinis ako sa kanya Nilagpasan ko na sya at pumasok sa kotse.Grabe nakakainis hindi pa naman ako nakakapag concentrate pag nagugutom ako.Paano na ko mamaya sa klase?baka mapalabas ako kasi hindi ako nakikinig huhuhubels ayoko mangyari yun.Hindi ko napansin na pumasok na pala si kuya sa loob.Pinaandar nya na ang makina.
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (#HHC2019)
RandomCover by:kbluescript Mahal kita, mahal na mahal to be exact. Mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko. Handa akong gawin ang lahat para sayo. Kahit ang mismong kasiyahan ko pa ang nakataya. -Hachi Bakit mo sakin 'to nagawa? Ano bang mali ang nagawa ko...