CHAPTER FOUR

128 6 4
                                        

CHAPTER FOUR.

“Pwede ba tayong mag usap?” Nangiba yung kabog ng puso ko. Sino ba namang hindi kakabahan sa line na yan?! Anyway, gusto kong kausapin ni Red. I don’t know why pero what the heck. Nakakatamad lang. Baka mapagod yung beauty ko.

“Okay.” Tumingin ako sa bintana kasi naii-stress ako kasi andun pala si Ace pati si Rachel, nagtatawanan pa. Biruin mo, tumatawa pala yung Rachel na yun. Kagulat-gulat. Nakita ko ni Rachel na tumingin sa kanila kaya lumabas na lang ako. Baka kasi masira pa yung beauty ko sa kanila. Akalain mo yun, nagtatawanan nang walang dahilan.

*scene sa labas ng room.

Lumabas ako kasi nainis ako kila Rachel at Ace. Nakakasira ng ganda. Andito rin si Red, kasama ko. Mag uusap daw kami eh. Ba’t ako kinakabahan? Wala naman akong nagawa eh. Chill lang, Chrizelle. Inii-stress mo sarili mo eh. Baka maaga kang tumanda niyan! Haist. Bahala na. Pero nasasayang ang precious time ko.

*ehem ehem* “Leche naman eh! Ano bang kailangan mo?” Napamura ko nang biglaan. Di ko sinasadya na parang sadya na rin. Ang gulo no? Syempre, maganda ko eh. Ay, ano connect?

“alam mo naman na siguro ‘to. Ang daldal kasi nila Armi eh…” Ano ba pinagsasasabi nitong lalaking ‘to?! Dami pang sinasabi eh. Di na lang ako direstuhin. Sinasayang niya lang yung oras ko.

“Ha? Ano ba yun? Dalian mo kasi you're wasting my time.” Naka-kunot na noo kong sabi sakanya. “Chrizelle…” Ang tagal naman magsalita nito kaya tinaasan ko ng kilay.

“Ako yung secret admirer mo…” Sabi niya sakin. Admirer is only used pag gwapo/maganda. He's more like a stalker dahil hindi siya kagwapuhan. Pakapalan ng mukha eh.

Tapos hindi siya makatingin ng diresto sakin kasi sa pader siya nakatingin. Sa ganda kong 'to, natiis niya kong hindi tignan. And is this a joke? Kung niloloko lang ako nito, mas mabuti nang iwan ko ‘to sa ere. Jusko po.

“Oh? Walang biro?” Seryoso kong tinanong sakanya. Di na ko magtataka. Sa ganda kong ‘to, sino ba namang hindi magkakagusto sakin.

 “Mukha ba kong nagbibiro?” Tinanong niya sakin. Aba! Anong malay ko kung prank lang ‘to. Edi ako pa naloko.

"Eh anong malay ko kung nagbibiro ka. Kung joke 'to, wag mo na ituloy, okay?" Sabi ko sakanya. Ako kasi yung mapapahiya kung isa lang 'tong joke. Pinapahalagahan ko naman sarili ko kaya umiiwas ako sa mga ganito.

"Di nga kasi ako nag-jojoke. Totoo nga kasi. Crush nga kita. May gusto ko sayo." Sermon niya sakin. Ayos 'to ah. Aamin na nga lang, manenermon pa. Eh kung batukan ko kaya 'to.

"Whatever. Sige. Sabi mo eh." Sagot ko sakanya. Pero parang hindi naman totoo yung sinabi niya. You know what they say, "action speaks louder than words." Hangga't di niya napapatunayan yan, hindi ako maniniwala. Hmp!

Mafian SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon