CHAPTER TEN
Days, weeks, and months have passed. Nagkakalabuan kami ni Red kahit na mag-MU LANG kami, bumaba yung grades ng ilang subjects ko, tapos eto ko, nagiging mas cold. Alam mo yung nilalamig ka na dahil sa natural kong pagiging cold, tapos eto, parang nag ssnow na.
Dahil break time galling sa klase naming ubod ng boring, nagpasama ko kay Irish sa cr.
“Cr tayo.” Utos ko kay Irish. Oo, ganyan ako. Magsasalita na lang nga, para pang nag-uutos. Donya ko eh bakit ba!
“Di tayo cr. Tao tayo.” Pilosopo ‘to ah. Gusto ata masampal.
“Che. Lika na nga.”
“Taray naman neto.”
Nagpunta kami sa CR para magpaganda pa lalo.
Habang nakatingin ako sa maganda kong mukha sa salamin, may nakita kong foreigner ata na nakatingin sakin ng masama kaya I did the same. Gaga ‘to ah! Gusto ata ng away! Nagkairapan kaming dalawa. Parang tanga nga siya eh, akala niya naman napaka-ganda niya para makipag-sabayan sakin! Hmp! Dukutin ko mata niya eh. Muhka kaya siyang lalaki.
“Irish! Dalian mo nga! Ang bagal mo ah!” Sigaw ko kay Irish. Nagbabawas ata ‘to eh!
“Eto na. Lalabas na. Geez.” Hirit niya. Isa pa ‘to eh.
Kasama ko na si Irish lumarga galling sa wash room. Nakwento ko sakanya yung foreigner na girl kaya hinunting namin yung section nun.
We found what section that bitch belongs to. May kakilala ko dun kaya tinawag ko.
“Camille! Lika nga dito.” Marami akong kakilala kasi maganda ko. Ay ano connect?
“Yes sis? Why?”
“Yung classmate mong foreigner, sino siya?”
“Rachelle Yu.” Bumawi pa sa pangalan. Mukha siyang paa eh. Hindi siya kagandahan!
“Ahh.. Sabihin mo sakanya mag-iingat siya sa kilos niya ha! Hindi niya ko kilala. Baka gusto niyang masampal ng wala sa oras!” Pagtataray ko.

BINABASA MO ANG
Mafian Society
Fanfiction"We break the rules that others abide." This was based on a true to life story, but some parts of it are just figments of my imagination. Enjoy. :"> © hotpotatooo. :>