RACHEL'S P.O.V.
Hindi ako makapaniwala na may gusto si kuya Red kay Chrizelle. Jusko po. Isang bratinella tapos ang arte arte pa! Kaya nga bratinella eh. Akala mo kung sinong maganda kung maka-asta. Pinagtatawanan nga namin siya ni Ace kasi ang loner niya. Nabansagan pang 'bratinella' tapos ang loner niya. Parang she's not the typical bratinella you'd encounter. Nandun pa siya sa may malapit bintana nakatingin sa labas. Nag ssight-seeing ata. HAHAHAHA!
"Ace. Ba't kaya nagustuhan ni kuya Red yung Chrizelle na yun? Ang brat niya kaya!" Naiiritang tanong ko kay Ace. I know we shouldn't judge a book by its cover. Pero kung ioobserve mo si Chrizelle, ang brat niya! Akala mo campus queen kung maka-kilos. May attitude pa!
"Nako! Ewan ko diyan sa kuya mo! Bulag na ata! HAHAHAHAHAHA!" Sagot sakin ng bro kong si Ace. Eto talagang bro ko, mahal na mahal ako. HAHAHAHA! Leche naman kasi! Hindi ko ineexpect na si kuya Red magkakagusto sa bratinella na yun! I don't know if she's beyond his standards, or kuya Red's standards are just low.
"Bumababa ata standards ni kuya ah! And to think na baka araw-araw siya samahan ni kuya!! There's no way na mangyayari yan!" My goodness gracious. Magtitiis ako na kasama siya mga practices namin sa play, magtitiis ako na kasama namin siya sa mga gimik namin. NO WAY. I hate her.
"Hayaan mo na. Ginusto yan ni Red eh. Mapipigilan ba natin yang nararamdaman niya? Tignan na lang natin yung mangyayari. Let's see if they'll end up together or hindi. Let's just go with the flow. Alam mo naman si Red eh." Words of wisdom. Pag si Ace talaga kausap mo, andami mong napupulot na aral.
Eh peste! Bahala na! Like what Ace said, go with the flow! Hmp!
Nakita ko si kuya lumapit sa brat. This is it. Aamin na ata siya! Tumayo sila at pumunta sa labas. Mag-uusap lang kailangan sa labas pa? Arte naman nila! Keri ba ni Chrizelle yung atmosphere sa labas? She can't even survive the atmosphere in here, what more kung sa labas! HAHAHAHA!
"ACE! Lumabas si kuya kasama yung brat!!" Sabi ko kay Ace. "Share mo lang?" Sagot sakin ni Ace. Eto naman, parang nag shshare lang ako. Walangya din 'to eh no. Kaya tinaasan ko siya ng kilay ang nagcross arms ako.
"Eh anong gagawin ko kung lumabas sila? Mapipigilan ko ba yan? Like I said, go with the flow. Hayaan mo sila! Mundo nila yan eh. As if namang magtatagal yan! Malaki na yang si Red. Kaya na niya yan." Sinermonan talaga ko ni Ace. Manghingi ka lang ng maikling sagot galing kay Ace, ang dami dami pang sinasabi.
Pano kung may gusto din sakanya yung bratinella na yun? Hindi ko mapapakisamahan yun!! I'm already living in hell, dadagdagan niya pa! Sabi sakin ni Ace wag ako mag worry dahil lang dun. Sa cute kong 'to, pinag-aaksayahan ko siya ng oras? Ititigil ko na nga 'to. Baka pumuti pa buhok ko ng wala sa oras eh. Ang cute cute ko pa naman. I don't want that to go to waste.
REGINALD'S P.O.V.
I already told her what I feel. Seems like she doesn't even care at all. Tapos parang nangiba din yung tingin niya sakin. Sa talino at gwapo kong 'to, hindi niya ko nagustuhan? Sakit naman! Ni hindi ko nga alam kung ano nararamdaman niya eh. Obvious naman na ayaw niya sakin.
Irish is also going to be my wingman. Siya yung daan ko patungo sa puso ni Chrizelle.
*Flashback*
"Pre. Ano number ni Chrizelle?" Tinanong ko kay Irish. Wala naman kasi akong ibang mapapagtanungan kundi siya. Si Irish kasi yung parang pinaka-close ni Chrizelle dito.
"0915*******. Just don't tell her na binigay ko yan sa'yo. Tell her you have sources. Hahahaha!" Kaso it will make me look like a stalker kung hindi ko sasabihin kung sino nagbigay sakin. Sa itsura kong 'to, magiging stalker ako? Hell no. I'm her admirer, for goodness sake.
"Okay. Pero pag pinilit niya ko, baka bumigay ako. Hahahaha!" Nagtawanan na lang kami ni Irish. Wala naman kasing patutunguan 'tong conversation namin. Kanina pa kaya kami nagtatawanan.
"Tatanungin ko siya sa nararamdaman niya para sayo. Para naman may idea ka. Hindi yung clueless ka. I'll help you with her. I'll serve as your bridge at ilalakad kita sakanya." Sabi sakin ni Irish.
"Sige ah. Tutulungan mo ko hanggang sa makuha ko na siya." Tumango si Irish nang nakangiti. Okay na rin yung may wingman ako para mas madali ang buhay.
Tiwala lang, Red. Magbabago din yang nararamdaman ngayon ni Chrizelle. Just wait.
*End of Flashback.*
Kahit na bratinella si Chrizelle, crush na crush ko siya. She's beautiful, fiesty and fierce, tapos ang tapang niya pa! Oh diba. Sa characteristic niya na yan, sino ba namang hindi magkakandarapa sa kanya? Hindi siya yung tipong madaling lapitan or landiin nang kung sino. Hindi rin siya yung madaling magpatalo sa kahit saan or kahit sino. Her chin's always up and she never lets any one bring her down.
She gives me butterflies. Kinikilig ako kapag nakakausap ko siya kaso pag magkasama kami, hindi naman siya masyadong nagsasalita. It's as if magsasalita lang siya pag ako yung mauunang mag open ng topic. Yun lang yung problema ko sa kanya. But I still like her either way.
Dapat pagaanin ko loob niya sakin at sa iba para naman kahit papaano, marami akong wingman. Hindi naman sa natotorpe ako or baka mahirapan ako. Mas mapapadali lang kasi kapag ganung maraming tutulong sakin.
Gagawin kong way yung rehearsals namin sa english para mahulog siya sakin. Para kahit papaano eh gumaan gaan naman yung loob niya sakin. Lagi kasing nagsusungit eh. Yung parang tipong laging may dalaw. Oh basta yun. Ganun yung ibang girls diba? Hahahaha! Wala akong pake. I'm a man. Di ko na dapat iniintindi yung mga ganyang bagay ng girls. HAHAHAHAHA!
Tiwala lang. Makukuha ko din siya. Someday, I'll make her fall for me and she will like/love me the way that I do.
---
A/N:
COMMENT COMMENT DIN GUYS =))))
![](https://img.wattpad.com/cover/3905518-288-k363528.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafian Society
Fanfiction"We break the rules that others abide." This was based on a true to life story, but some parts of it are just figments of my imagination. Enjoy. :"> © hotpotatooo. :>