CHAPTER SIX

75 2 1
                                        

CHAPTER SIX.

Napapadalas kaming nagkakatext ni Red kasi ayaw niya kong tantanan tska medyo close rin kami kaya siguro ganun. Ewan ko kung kanino niya nakuha number ko dahil ayaw niyang sabihin. He really is a stalker. Nako!

Nagkakatext din kami ni John Rey, pero minsan lang. Iniiwasan ko siya eh. Nakakailang kasi. Hindi kasi ako sanay ng may umaamin sakin dahil dun sa dati kong school, like I said, I turn them down pag gusto nila manligaw. Oh diba, basted kaagad nang wala pang ligaw ligaw.

Bakit si Red hindi ko iniiwasan? Eh kasi kailangan ko siya..... Para may katulong ako sa academics ko. Kayo talaga oh! And, inuuna ko muna si John Rey para hinay hinay lang. Isa lang kalaban tapos dalawa susugurin ko. No way. Okay na yung isa isa. Di ko keri yung dalawa. Sa ganda kong 'to, iistressin ko sarili ko sa boys. That's a big no no. Nah-uh. No way, high way.

Tinatanong din ako ng mga kaklase ko kung may pag-asa ba si Red sakin. Sagot ko? Wala syempre. Wala naman siyang pinapakitang motibo para magkagusto din ako sakanya eh. And hello, and effort binibigay yan ng mga willing. Kung hindi ibigay, edi sorry ka. Ginusto nila yan eh.

But I feel like I'll swallow everything I said. I'm not too far from falling. Kung tutuusin, si Red lang yung natatanging lalaking kahit sinusungitan ko na't tinutulak papalayo, andyan pa rin siya sa tabi ko. Pero ang effortless niya. Andyan nga siya palagi sa tabi ko pero wala naman siyang ginagawa para naman mapagaan loob ko sakanya.

Ayun. Pumasok na ko kasi feeling ko may nagmamanman sakin dahil marami na nga akong records.

"Hey girl. Aga mo ah." Bati ko kay Jenica.

Jenica Buendia. Girlfriend ng Bayan.

Bakit naging girlfrind ng bayan? Eh kasi lahat na lang tinatawag niya na babe, yung tipong parang lahat na lang boyfriend niya. Magkalapit lang kami ng pwesto kaya medyo nakakausap ko siya.

"Onga eh. May homework ba?" Bigla niyang tanong sakin. Omg, what homework? Oh my... I should really pay more attention to class.

"May homework?" Nagpanic ako. Wala akong homework eh. Tatamad tamad ako pero gumagawa naman ako ng school works ko. Hindi naman ako tulad nung mga school bitches na magpapaligaw para may gumawa ng homeworks nila. I admit, I'm a bitch, a bratinella. Pero I don't use other people just for them to do my school works. Kung gagawin ko yun, edi wala akong nasagot sa exams. Duh. Mautak din ako noh. I don't act like I'm a dumb bitch. I got beauty and brains.

"Ewan ko. Kaya nga tinatanong kita eh. Hahaha!" Sabi niya sakin sabay tawa. Abnormal din 'tong babaeng 'to eh. Pinakaba pa ko nang dahil sa wala. Jusko po. I panicked for nothing. I though may kailangan gawin.

"Shet ka. Pinakaba ko mo dun ah!" Hinampas ko nang pabiro yung braso niya tapos nag tawanan kaming dalawa.

"Hi guys!" Bati samin ni Kamille pagkabukas niya ng door ng room.

 

Kamille Madriaga. School Crush.

Madaming nagkaka-crush sakanya pero sobrang manhid niyan. Wala siyang pake sa mga nagkakagusto sakanya kasi daw mas gugustuhin niya pang makasama mga friends niya kesa sumama sa lalaking mahal niya dahil "Boys come and go, but true friends will always stay." Oh diba. Ang lalim. Taray ng lola mo! HAHAHA!

Mafian SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon