CHAPTER 3

8 0 0
                                    

A/N: This Chapter will include a health condition that some of us are experiencing. Please do educate me in this topic  if I did something wrong because it's not my type of topic/theme and I might use some wrong procedures, terms, and symptoms.


--------------------

Lumabas na ako dahil 8:00 na at kanina pa ko iniintay ni Callisto sa labas.


"Callisto, sorry medyo natagalan." I uttered.


"No, it's okay. I'm sorry too, my sister's taking too long to get ready." mahinang saad nya.


"Bat 'di ka makatingin sakin?" tanong ko sakaniya.

May dumi ba mukha ko? Bakit hindi siya makatingin?


"W-wala, may i-iniisip lang." he stuttered.


"Uhm okay." I responded.


'Di na kami umimik na at nag-hintay na lang. Maya maya lang ay dumating na yung kapatid niyang babae. Kapansin pansin ang ganda nito mula sakaniyang tsokolateng buhok, maputing balat, matangos na ilong, at kulay-abong mga mata katulad nang sa kapatid niyang lalaki.


"Hoy Callisto! Hindi mo man lang ako inintay." Sigaw ni Celeste sa kapatid nya.


Ibang iba ang ugali nito sa itsura niya, hindi naman sa masamang paraan. Madaldal ito at palaban pero ang itsura ay parang inosente.


Tumakbo sya papalapit samin. "Hi, I'm Celeste!" she greeted.


"Hello, I'm Hallie" I greeted back then offered my hand.


Tinanggap nya naman ito at naglakad na paalis nang bahay. Nagpaalam muna sila sa magulang nila, katapat lang naman ng bahay namin ang bahay nila kaya wala nang problema.


"First time mo dito?" tanong ni Celeste.


"Hindi, dati napunta na din kami dito pero saglit lang din kaya di ko masyado kabisado to." sagot ko sakanya.


Katabi ko si Celeste sa paglalakad, tapos sa side nya ay si Callisto. Bale, ako ang nasa dulo.


"By the way, ang ganda mo bagay sayo yang dress mo." Puri ng babae sa akin.


"Ah, thank you. Ikaw din ang ganda ng suot mo, it compliments your eye color." Ngumiti ako sakaniya.


Nakasuot ito ng pale blue bodycon dress with with "bolero" cardigan na pinaresan din niya ng  sneakers.


"Nako, 'di mo kailangan magsinungaling. Ang pangit pangit niyan eh." sagot ni Callisto.


Hinampas ko ito. "Gago, ang ganda kaya ng kapatid mo." saad ko sakanya.


"Huh! May kakampi na ko!" Kumapit pa ito sa akin.


Napa-irap na lang ito sa ere. "Shut up."


"Ba't 'di ka makatingin kay Hallie?" Takang tanong nya kay Callisto.


"W-wala nga." he respond.


"Weh, bat ka namumula?!" sagot niya.


Hinila ako ni Celeste para lumiko na sa may kanto.


"Celeste. M-mahiya ka nga kay Hallie." Tanging saad niya.


"Sus, dinaig mo pa si Mr. Krabs sa pamumula mo." asar nya at tinawanan si Callisto.


Hinawakan ni Callisto ang ulo ng kapatid at ginulo ang buhok. 'Di naman makapalag si Celeste dahil mas matangkad ang kapatid nya kaysa sakanya.


Reach Series #1: Within My ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon