Bago kami umalis ay may nag-text na ng room and building number namin.
From: Unknown Number
Hallie Ann Sordello, Your adviser will be Arnel Cruz, and your room is on Bldg. 5 Room 203. Your schedule will be announced by your adviser. Have a good day!
"Huy! Anong building mo?" Tanong ni Celeste.
"Building 5. Ikaw?"
"Same lang din! Buti na lang."
Naglakad na kami papunta sa school dahil malapit lang naman ito sa bahay namin. Noong malapit na kami sa school ay nag-text si Mama saakin.
From: Mamshie
Mamaya pa kami makaka-balik diyan, umuwi ka na lang at sumabay kina Celeste.
'Di ko na ito nireplyan at tinago na ang telepono sa bag.
"Anong oras pasok ng kapatid mo? Parang di natin nakasabay?" Tanong ko rito.
Tumigil sya sa paglalakad at ngumiti saakin. "Yiee miss mo?"
"Mismo na Coke? Oo." Binilisan ko naman agad ang lakad at ganon din ang ginawa nya.
Tumawa naman ito. "Mamaya pa papasok yun baka nga tulog pa yun eh. Pero mabilis naman kumilos yun kaya pabayaan mo na."
Tumango na lamang ako at dumiretso na sa tapat ng silid namin.
"Eto na yung room natin no? Building 5 Room 203?" Basa nya sa text ng School.
"Oo." Tuluyan na kami pumasok at umupo sa may gitna.
Siniko ako ni Celeste kaya naman ay napalingom ako rito. "Huy ang pogi nung nasa gilid mo!"
First day na first day kumekerengkeng na agad. Nilingon ko na lang ito para matahimik ito.
"Oh diba!" Tama naman siya, may itsura nga.
"Pero wag mo ipapagpalit si Kuya, ha?" Hagikgik naman nito.
Inirapan ko na lang ito at sumulyap ulit sa lalaking nasa gilid ko. Matikas tignan pero mukang inosente ang tindigan at ang mga mata nya ay parang kumikinang sakanyang nababasa. Ang suot ay uniporme na may nakapatong na jacket at may salamin.
Nagulat ako ng nagtama ang tingin namin, kumaway naman ito saakin at yun din ang ginawa ko.
"Hoy! Susumbong kita kay Callisto!" Bulyaw ni Celeste.
Inirapan ko muli ito. "Magtigil ka nga! Nakakahiya ka!"
I took a little glance again and I startled when I saw him already looking at me, he just chuckled.
He's attractive.. but not quite like Callisto. Callisto have veiny hands and his muscles are so..
Omg, what am I just thinking?! Erase. Erase.

BINABASA MO ANG
Reach Series #1: Within My Reach
JugendliteraturHallie Ann Sordello, a problematic girl with trust issues who experienced a broken family at a very young age met Callisto Rodriguez- a boy who's well loved by both of his parents and his twin sister. Callisto and Celeste had been taken care by Hall...