Habang kumakain ay iniisip ko pa din kung bat kami pinapahanap ng mga tauhan ni Tatay. Ano bang kailangan nila samin? Naputol ang pag iisip ko ng tawagin ako ni Lola.
"Apo?" Lola looked at me with worried eyes.
Tinignan ko sya at nagpilit ng ngiti. "Ay bakit po?"
"Okay ka lang ba? you seemed like you're thinking deeply" saad nya sakin na may paglalambing ang boses.
"Wala po to, sisiw lang po" I said and they let out a chuckle.
"By the way, you're mom and I will accompany you to your new school." saad pa nya.
Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Masyadong malalim ang iniisip ko. Pero sa ngayon di ko muna ito aalalahanin at magfo-focus muna ako sa pag aaral ko. Natapos n kami kumain at niligpit na ang pinagkainan namin. Masarap naman ito, sinigang ang ulam namin luto ni lola.
"Sige na, ilagay nyo na yan sa lababo ako na maghuhugas." Sabi ni mama at agad naman akong sumunod.
"Ma, labas muna ako." saad ko at tumango naman sya
Pagtapos ko sa ginagawa ay lumabas muna ako at tinitigan ang langit at mga bituin na nagniningning. Di ko alam kung bakit, pero ang mga bituin ang naging saksi sa mga dinanas kong paghihirap, lalabas lang ako at titignan ang mga ito ay parang gumagaan na ang pakiramdam ko.
Habang nagmumuni muni ay may nakita akong lalaki na halos siguro kasing edad ko ang itsura. Matipuno, gwapo, matangkad, at medyo mahaba ang buhok nya kaya .. bakit ko ba iniisip yun. Naka-tayo lang sya sa balcony nila at nakapatong ang dalawang kamay sa railings. Tila pinagmamasdan din ang langit. Pinagmasdan ko nanlabg din ang langit, pero parang merong bumubulong saakin na sumilay ako sakanya. Ginawa ko naman, tumigil ang puso ko saglit ng makita ko syang nakatingin sakin at kumakaway. Ngumiti na lang din ako sakaniya at kumaway.
May biglang humawak sa balikat ko at nakita ko na si Lola yun. "Yan si Callisto, anak ng kapitbahay ko yan. Mabait na bata yan. Lagi yan nasa labas tuwing gabi, pinagmamasdan lang ang langit." saad nya saakin.
"Matagal na po sila dito?" I asked.
Tumango sya at ngumiti sakin, yun din ang ginawa ko.
Papasok na sana ako sa loob ng napansin kong may lumapit sakanyang babae ata tinabihan sya sa kinatatayuan nya. Siguro yun ang girlfriend nya, sa gwapo-- gwapo?! Sinong gwapo? Papasok na nga ko antok lang to.
"La, pasok na ho ako." pagpapaalam ko.
"Sige apo, maghanda ka ng damit mo para bukas. Mag eenroll ka pa sa bago mong pag aaralan."
Ngumiti ako at tumango.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si mama na naghuhugas ng plato.
"Ma, tulungan na kita jan." I offered.
Umiling sya saakin. "Hindi na Hallie, pumasok ka na sa kwato mo at matulog na. Maaga pa tayo bukas."
I left without saying a word. Pumasok na ako sa aking kwarto at inayos ang mga gamit ko, sa dami ng dala kong gamit ay sana lang magkasya ito sa drawer.
Inayos ko na din ang higaan at natulog na.
"Minahal kita, pero anong ginawa mo? Sinira mo yung tiwala ko sayo" Sambit ko habang lumuluha at hinahampas ang kaniyang dibdib.

BINABASA MO ANG
Reach Series #1: Within My Reach
Ficção AdolescenteHallie Ann Sordello, a problematic girl with trust issues who experienced a broken family at a very young age met Callisto Rodriguez- a boy who's well loved by both of his parents and his twin sister. Callisto and Celeste had been taken care by Hall...