PROLOGUE

14 1 0
                                    

A/N: First time ko lang gumawa ng story, and baka may mga typo or wrong grammar. Please bare with me.

--------------------------

I didn't get a happy childhood. Lagi akong pinapagalitan and I'm being forced by my dad to work hard in school to get all these achievements, when I was just 6 years old. It's dumb, right? Pero mabuti nalang at nandyan si Mama, lagi nya ako inaalagaan pag may sakit ako. While, Ate Alsie is always helping dad, no wonder sya ang favorite ni Dad. Well, I didn't care at first but some things changed. He started comparing me to my Ate, and at a young age I started questioning my appearance, achievements and many others. But it's not even close to what I saw, my mind were blown and it's like my heart had been torn into pieces when I saw my father, Ate Alsie, and.. Our father's mistress together. I got mad at Ate Alsie because she seems happy with them. What is she happy about? That our family's gonna be broken because of that fvcking mistress? I can't believe that my mom loved someone who doesn't even care about us. Di din naman nagtagal bago nya kami iwan, nagstay si ate Alsie samin hanggang mag turn sya ng 16 years old at umalis din naman. Okay lang naman na umalis si Ate Alsie because that girl is so ungrateful and she tolerated her father when she learned that he has a mistress.

Tila bumalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Mama.

"Hallie ibaba mo na ang mga gamit mo dito. kailangan maaga tayong makaalis." halos pasigaw niyang saad.

Mamaya ay lilipat na kami sa Laguna malapit kila Lola Berlinda. Di ko lang alam san doon, kase dito talaga ako lumaki sa pampanga.

"Ma bat ulit tayo lilipat?" tanong ko.
Huminga sya ng malalim at hinarap ako.

"Diba sinabi ko na sayo, pinapalipat tayo ng lola mo dun sa apartment malapit sakanila." saad niya habang hawak ang kamay ko.

"Ayos naman ang buhay natin dito sa pampanga, ma." Di ko sila maintindihan kung bat kailangan permanente kaming lumipat dun, pwede namang bumisita na lang kami dahil maayos naman ang buhay namin dito.

"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon." nagbuntong hininga muli sya at inayos na ang mag bibitbitin nya.

Hanggang kailan niyo pa itatago? Ano pa bang di ko maiintindihan? 17 years old na ko, excuse lang ba yun para di niyo sabihin saakin?

Pagtapos ko magligpit ay umalis na din kami para maaga kaming makarating sa Laguna. Nasa bus na kami papunta sa destinasyon namin.

"Ma, pano pala pag aaral ko?" wala sa sariling tanong ko.

Sininghalan nya ako. "Syempre mag aaral ka pa din, di pa naman pasukan pede ka pa mag enroll."

Tumango ulit ako at pinikit na lang ang mga mata.

"Ma, tagal ko ng di nakita si Lola ano bang nangyari at tumigil tayo sa pagbisita natin sakanila?" I asked, hoping that I would get an answer.

Simula ng mamatay si Lolo Celsio ay di na kami bumibisita sakanila. At tuwing magtatanong ako ay di nila ko sasagutin o di kaya naman magagalit sila saakin, di ko maintindinhan.

And now all of a sudden dun kami titira? Its.. okay, I guess?

Okay lang din na lumipat ako dahil wala din naman akong kaibigan sa pinag aaralan ko sa pampanga. Baka wala din naman akong maging kaibigan dun sa pag eenrollan ko.

Nagmulat na ako ng marining ko si Mama na tinatawag ako. "Bakit Ma?" taka kong tanong.

"Ah wala, kala ko tulog ka. Malapit lapit na tayo." saad nya.

Halos ilang oras na kami bumabyahe kaya buti naman at malapit na kami.
Ilang oras lang ay bumaba na kami sa bus at sumakay ng tricycle papunta kila Lola.

"Apo!" masayang salubong saamin ni Lola.

Kumaway ako ng may ngiti sa labi at nagmano pagdating.

"La, kamusta po kayo?" tanong ko.

"Naku, okay lang ako wag mo ko alalahanin. Kayo dapat ang tinatanong ko niyan." sagot niya saakin.

Ngumiti si Mama at tumingin saakin. "Okay ka lang?" she mouthed

Tumango muli ako sakanya at sinabay na ang mga bag na dala namin sa pagpasok sa bahay ni Lola.

"Nay, san ba yang apartment na tinutukoy nyo?" tanong ni Mama na bumasag ng katahimikan.

"Dito! Tumatanda na ako Alliyah, kailangan ko na ng katuwang sa mga bagay bagay." sagot niya.

Nanlaki ang mata ni Mama. "Ay nako nay, sabi ko sayo dito mo na lang patirahin si Ate Alya."

Taka ko silang tiningnan. Sino si Alya?

"Uh, excuse me po. Sino po si Alya?" tanong ko sakanila.

"Apo, Alya is my pamangkin. Sakanya ko pinangalan si Alliyah dahil laging nasa tabi ko iyong batang yun nung buntis ako sa mama mo, sakin na din sya lumaki pero may pamilya na sya ngayon kaya ayoko ng abalahin pa" sagot nya aming tanong.

Tumango tango ako at pumunta sa magiging kwarto ko. Maganda ito at maluwag di gaya ng kwarto ko sa pampanga, pero maaliwalas naman doon. Lalabas na dapat ako pero narinig ko silang nag uusap kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Nay, ipinahahanap kami ng mga tauhan nila Harold." sambit ni.. mama?

"Bat nya kami pinapahanap? Ano na naman ba to." bulong ko sa sarili ko.

Tinuloy ko ang pakikinig sakanila ngunit di ko masyadong naintindihan ang pag uusap nila dahil medyo malayo ang kwarto ko sa sala.

"Nay, natatakot ako na magulo ang buhay ni Hallie. Matagal ko na tong tinatago, ayokong maungkat niya ulit ang nakaraan." pag aalalang sabi ni mama.

"Ako bahala sainyo, kaya ko kayo pinapunta dito para mamuhay ng tahimik malayo sakanila." saad ni lola sakanya na tila nagpakalma kay mama.

Sinong 'sila' kaya ang tinutukoy ni lola? Kasali ba sya? Andami kong gustong itanong pero hindi muna siguro ngayon.

Natahimik silang dalawa paglabas ko ng kwarto.

Ano pa bang tinatago nyo sakin?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

( ꈍᴗꈍ)

Reach Series #1: Within My ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon