Huh? Ano bang ginagawa ni Caleb?
"Bro, wala naman akong ginagawa. I just want to be close with them." Sagot ni Caleb sakanya.
Callisto scoffed. "Celeste mauna na kayo."
"E' paano ka?"
"Just do what I said." Maotoridad na sagot ni Callisto.
Hinawakan ako ni Celeste sa braso at hinigit paalis.
Alam mo, masyado na silang nag e-enjoy kakahila at higit sakin. Lalayasan ko na itong dalawang to e'.
Nang may tumigil na jeep ay sumakay na kami at nagbayad.
"Sa tingin mo, anong gagawin nila?" Tanong ko kay Celeste.
"Ewan, mag uusap siguro."
"Pano pag nagsuntukan yung dalawa? Dapat di na tayo umalis 'no? Bat ba ginawa ni Cal yun?" Tanong kong muli.
Tinignan ako ni Celeste. "Isa isa lang naman."
"Ay, sorry." Nagtataka lang ako sa ginawa ni Callisto kanina. Baka protective lang siya kay Celeste.
"First of all, hindi bayolenteng tao si Callisto. I can trust him, and also di pa ba obvious kung bat niya nagawa yun?" Halos hinihingal niyang pagsagot sa mga tanong ko.
"Bakit nga niya ginawa?"
"Ay jusko po Hallie! Ang manhid! Basta malalaman mo din, sooner or later."
Bumaba na kami sa may kanto ng street namin at naglakad na lang.
Lumingon saakin si Celeste. "Seryoso, di mo talaga alam bat niya ginawa yun?"
May dadaan na tricycle kaya hinila ko sya papunta sa gilid ko. "Kung alam ko, bat ako magtatanong. At tsaka tumingin ka nga sa dinadaanan mo mamaya nyan ay mabangga ka pa."
Tumango siya.
May nadaanan kaming isang lalaki, ang postura at istilo nito ay parang pamilyar saakin ngunit di ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa bahay namin, magkatapat lang ito kaya pinanood ko sya hanggang sa pagpasok nya sa bahay nila at pagtapos non ay pumasok na din ako sa bahay namin.
"Hello?" Sigaw ko. Baka kase wala pa sila Mama.
Biglang lumabas si lola sa kwarto. "O, Hallie andiyan ka na pala."
Nilapag ko ang gamit ko sa sofa at nagmano.
"Nasaan po si Mama?" Tanong ko habang nakuha ng tubig.
"May binili lang sa labas, pabalik na din yun." Sagot ni lola.
Tumango na lang ako at nagtungo sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Nagbihis na ako ng pangbahay at naidlip.
Nagising ako sa tunog ng telepono ko.
Unknown Number
Calling...
Hindi ko alam kung sasagutin ko ito dahil baka ito yung lalaking chat ng chat saakin. Baka praning lang ako.
Sinagot ko ang tawag at narinig ko ang boses ni Celeste.

BINABASA MO ANG
Reach Series #1: Within My Reach
Teen FictionHallie Ann Sordello, a problematic girl with trust issues who experienced a broken family at a very young age met Callisto Rodriguez- a boy who's well loved by both of his parents and his twin sister. Callisto and Celeste had been taken care by Hall...