19: "Maliit Na Puting LOTUS" (4/4)

384 18 0
                                    

"Aba... kahit na masakit...ngunit ito ay tutubo muli." Malumanay na sabi ng maliit na Lotus.

"Ang iyong mga talulot ay bahagi ng iyong katawan?" Nilinaw ni Jun Wu Xie.

Tumango ang maliit na Lotus.

"Kaya kung gusto kong pitasin ang talulot mo, ay para na rin hinahatak ko ang iyong braso?" Tanung ni Jun Wu Xie na may pag alala.

Tumango muli ang maliit na puting lotus.

Si Jun Wu Xie ay ganap na tahimik.

Nang sa wakas ay nakahanap na siya ng pakinabang para sa munting lalaking ito, yon uri na naging 'pagkain ng isang tao sa kapwa' na kahit na ano ito ay lampas sa kanyang pinag bawal at ito ay hindi isang bagay na kanyang gagawin. Kaya naman, bumalik siya sa kanyang walang kwentang katayuan.

"Ah! Meron ako nito!" Biglang bulalas ng maliit na Lotus habang hinawakan ang maliit niyang apron at inilahad ang maliit na nakakuyom na kamao.

Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang kamay at bumungad sa kanya ang limang maliliit na buto na tahimik na nakapatong sa kanyang palad.

"Ano ang mga ito?" Tanong ni Jun Wu Xie

"Ito ay mga buto ng lotus!" Kumurap ng ilang beses ang maliit na Lotus.

"Bagaman ang epekto ay hindi kasing ganda ng pagkain ng mga talulot, ang pagkain nito ay nagpapalakas ng mga buto, nililinis ang buto ng utak ngunit hindi nito kayang baguhin ang mga litid at laman." dahan dahan siyang nagpaliwanag.

"Lima lang?" Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie. Ang pagkakaroon ng ganoong epekto ay maganda rin.

"Lima na lang ang natitira ko. Makakagawa ako ng isa sa isang buwan, ang iba ay kinain na nilang lahat, Itong limang buto lang ang kaya kong iligtas." Nahihiyang paliwanag ng maliit na Lotus..

"Nila?" Nahirapan si Jun Wu Xie na intindihin ang paraan ng kanyang pagsasalita. Gayunpaman isang beses sa isang buwan ay mabuti na rin.

Matapos mapanatili nang ligtas ang limang buto ng lotus, naisip ni Jun Wu Xie ang kanyang sariling maliit na lotus. Bagama't wala siyang kakayahang makipaglaban, ang kanyang kakayahang makadama ay tila napakahusay at ang mga buto ng lotus na ito kahit na hindi sila parehong antas ng elixir, maaari may kahulugan itong mapabuti ang pangangatawan ng isang tao. Ito ang pinaka kailangan niya ngayon!

Maging sa Sarili niya, Kay Jun Xian o Kay Jun Qing, kailangan nilang lahat na pabutihin ang kabuuan ng kanilang katawan.

Ang gamot sa pagpa kondisyon ay makakamit lamang ang isang tiyak na epekto, gayunpaman ay magkakaroon pa rin ng ilang mga masamang epekto at ang patamaan ang buto ay isa sa pinakamahirap na makamit. Ang mga buto ng lotus na ito ay lulutas sa unang pangunahing hakbang!

Pagkaroon ng malakas na buto bilang batayan, Ang pagpa kondisyon sa natitirang bahagi ng katawan ay isang larong pambata lamang para kay Jun Wuxie.

Ang Magkaroon ng isang kontraktwal na espiritu na maaari niyang simulan ang kanyang paglinang sa bagong mundong ito, kahit ang maliit na lotus ay hindi kayang lumaban, na kahit papaano ay makapagsimula na siyang maglinang at umasa sa sarili niya!

Ang maliit na Lotus ay nag-aalalang naghihintay sa gilid para sa ilang uri ng patunay galing kay Jun Wuxie habang kinakalikot nito ang mga daliri niya nang sa wakas ay tumango na si Jun Wuxie sa kanya.

Alam na hindi ito pababayaan, Ang maliit na Lotus ay nag bigay ng malaking ngiti habang ang mga luha ay nagsimulang tumulo. At Nangako siya ng buong puso na maging isang mabuting kontraktwal na espiritu at gagawin ang kanyang makakaya para sa kanyang bagong amo.

Sinimulan ni Jun Wuxie itong pag-aralan nang taimtim dahil nalaman niya na ang iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ng maliit na Lotus ay may iba't ibang epekto. Ang kanyang laman at dugo
Maaaring mapakikinabangan para ipanganak muli ang katawan pati ang mga luha niya ay may epekto sa pagkondisyon ng dugo.

Ito ay masasabing maliban sa walang kakayahang makipaglaban ito ay maaaring ituring na isang hindi mabibili ng kayamanan.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon