Part 2

9 1 0
                                    

Recap:


"Sige ano ba 'yan?" Sabi ko at inaantok na 'ko dahil umiyak nga ulit si V kagabi dahil wala na nga daw siyang bear brand eh wala ng mauutangan pa ng goto, hindi ako nakatulog ng ayos.


Lumabas ang isang babae sa likod ng sampid. "Meet Reinkarnasyon 'Ina' Batumbakal." Sabi ni Mama with matching invisible confetti and fireworks.


"Ang Inaasam asam mong baby sister!"


———————————-x


Nanlaki lamang ang mata ko. Si Ina? Si Goto Express girl? Reinkarnasyon Batumbakal?! WTF Paki-eplain na nga ngayon ang pautang ina na 'to pls. Kahit matalino ako, hindi ko kayang isipin na itong babaeng nasa harapan ko ngayon ay magiging ano ko daw?!


"B-baby... sitter?" Sabi ko at tinignan ko si Mama ng may mga nalalabi pang pag-asa sa mata ko. Na hindi ako nagkakamali sa narinig kong...


"Baby SISTER, diba gusto mong magkakapatid?"


._. No..


"Matagal nanamin sanang gustong sabihin 'to sayo."


Binalik ko ang tingin kay Ina, gulat rin siya sa pagkakataong 'to nararamdaman ko.


"Si Ina, ang anak ng Daddy Ferdie mo."


Napatingin ako sa sampid, wala naman silang pinagkamukha bukod sa parehong mabaho ang pangalan nila. Pero really?! IS IT REALL?!!!!!!!! DANDANDAN?!!!!!!!!


Ayoko na. Gusto kong magkulong sa kwarto dahil sa narinig ko. "Ah... ge."


Tumingin ako ulit kay Ina. "Bye"


Naririnig kong tinatawag pa 'ko nila mama. Pero nagulo yung utak ko. Sobrang MINDBLOWN. From Ferdie to Inang Dyosa? WOW Ibang klase. Pautang Ina lang.





Napagdesisyonan na namin ng tiyan ko na bumaba na dahil sa gutom na ako mula sa paghahibernate ng sampung oras. Inaantok pa talaga 'ko pero mas kailangang labanan ang antok para sa ikaliligaya at ikatatahimik namin ng tiyan 'ko.


May kumatok.


At napahiga ulit ako sa kama hindi pala kailangan. Baka dadalhan na ako ngayon ng pagkain sa kwarto dahil alam nilang paplastikin ko lang ang sampid habang nakain kami sa baba.


"Pasok!" Sigaw ko at exited na 'ko kung anong ulam ngayon.


"K-kuya..."

Ipinikit ko ang mata ko. Hindi papala nila napapatalsik si Bebs?


Pautang, Ina!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon