Recap:
"Ah... huwag na lang po." Napatingin kami kay Ina. Seryoso ba siya? Eh ang ganda ganda ng Big Hit Academy. Gusto nanaman ba niyang magtinda sa Goto Express?! Sabagay at least kapag siya yung bantay 'don nakakautang kami. Both sides are a win for me!
"Why... baby?" Nakapout na tanong ni Mama. Humawak naman si Ferdie sa kamay ni mama. "We'll let you think about it Ina...."
Hindi na nga lang ako ang lalaki sa buhay ni Mama. Hindi na rin ako ang baby.
Ano pa't pinanganak ako sa mundong 'to?
Pautang Ina lang.
--------------------x
"Oo maghahanap tayo ng mga leon V!"
Baka siguro magiging tagapakinig ako ng mga inquiries at walang kwentang bunganga ni V?
'Yun siguro ang rason kung bakit pa ako pinaganak.
Umagang umaga ang daldal ni V. Kinuwentohan pa 'ko ng myth ng puso ng saging. Nabobo ko sa kanya. Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko sa gilid ng mata ko si Ina na lumabas ng kwarto niya. Napatigil ako.
Itatanong ko sana sa kanya kung bakit..... bakit...
Biglang umentra si Mama at inakabayan si Ina. "Ang ganda talaga ng baby sis mo no?"
YON! Napalunok lang ako.
"Andito na kami sa tapat ng bahay niyo! Papapasok na kami!! NOW!!" Sigaw ni V sa kabilang linya na kamuntikan na 'kong mabingi. "HINDI!!" Inend ko ang call.
Nagbago ang ekspresyon ni Mama at hinawakan ang damit ni Ina. "Sabi ko naman sa'yo Ina, mag shopping tayo ngayon at ibibili kita ng mga bagong damit."
Umm.. 'di naman 'yon ibig kong sabihin. Pero sina V!! "Ma! May camping kami. Alis na 'ko!"
"Wait baby!" Hinabol ako ni Mama at napaakyat ako pabalik. Hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita kong natatawa si Ina sa gilid. Pssh. Tignan mo lang kung anong gagawin sa'yo ni Mama kapag nagshopping kayo, 'yang ngiti mo mapapaltan ng iyak.
Malapit ng makaakyat ang mga zombieng walang brain like V sa pamamahay namin. "Eto na 'ko mga badjao. No chill?" Sabi ko na napasiring lamang si Namjoon. "Sino nga ba ulit mas matanda satin dito?" Nagsalita si Jin.
"Sino nga ba ulit pinakagwapo dito?" Sagot ko.
"Sino nga ulit pinaka may swag dito?" Sino pa ba?
"Sino pinaka... matalino?" Panigurado akong kung hindi ko sasabihin kung sino ang nagsalita n'on ay hindi nyo rin mahuhulaan. "V, huwag ka ng umasa."
"Hindi naman ako umaasa ah? Nagtatanong lang naman ako." Sabi niya at nagwalk-out na papuntang van.
BINABASA MO ANG
Pautang, Ina!
FanfictionSi Jungkook na lahat ng minamahal, may mas mahal na iba. Si Jungkook na lahat ng minamahal, iniiwan siya. Ngayon, isa na lamang naman ang gusto niyang itanong --“Can I pautang, Ina?...ng pagmamahal.”