Nagsimula ang lahat noong umutang ako ng bear brand...
"Ina!!!"
Umiiyak n'on sa dorm si Taehyung dahil sa walanghiyang bear brand na inakalang tawas ni Namjoon. Hating gabi na at wala ng ilaw sa labas. Etong tindahan na lang na maliit sa tabi ng puno ng balete ang alam kong bukas. Kasama ko si Jimin noong lumabas ako ng dorm, akala ko concern din siya kay Taehyung na mga anim na oras na ring ngumangawa... pero bibisitahin niya lang pala ang pangit niyang girlfriend sa kabilang dorm.
Isang linggo na lang n'on at sembreak na.
"Ano?"
"Bear brand"
Maganda si Ina at ang balita ko kay Hoseok na mahilig tumambay dito sa puno ng balete.. NBSB siya.
Ibig sabihin, yung mga babaeng ganto...
"Niloloko mo ba 'ko?"
'Masarap lokohin'
"Ah.. oo nga pala wala kayong bear brand, anong tinitinda niyo?"
"Goto!" Sagot niya na nagtitimpi. Ngumisi ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Bibili ka ba o mangmamanyak ka?!"
Maganda talaga si Ina at may katawang pang model. Yung mapagmamalaki mo sa sambayanan at maibabandera mo sa daan.
"Umalis ka na nga!" Inis 'tong tumalikod sakin at naglakad paalis.
Matagal na simula noong naging usap-usapan sa dorm si Ina. Pero ngayon lang ako ginapang ng kasipagaan at napagdisisyonang tignan na ang tinatawag nilang 'Inang dyosa'.
Front view: Da best!
Back view:
Ngumiti ako at sumigaw bago pa siya tuluyang makalayo.
"Pautang, Ina!"
![](https://img.wattpad.com/cover/41058984-288-k942498.jpg)
BINABASA MO ANG
Pautang, Ina!
FanfictionSi Jungkook na lahat ng minamahal, may mas mahal na iba. Si Jungkook na lahat ng minamahal, iniiwan siya. Ngayon, isa na lamang naman ang gusto niyang itanong --“Can I pautang, Ina?...ng pagmamahal.”