After a week
Pero ngayon, pautang ina na lang talaga.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay, may masama na talaga 'kong pakiramdam. Bukod sa alam kong makikita ko nanaman ang tatay 'kong pangit na, sampid pa!
Badtrip ako, dahil iba na ang nagtitinda ng goto sa Goto Express. Tangina. Ang pangit nung pinalit, umiyak nga si Taehyung dahil iba na daw ang lasa ng goto at kung anong kinaganda ni Ina eh 'yun naman ang kinapangit ng girlfriend ni Jimin. Nasabi ko nanaman diba? (Na pangit 'yun)
Sumideline yung pangit na girlfriend ni Hyung dahil magsesembreak na at wala na daw 'tong allowance pambili ng make-up. Nakakasuka, ang kapal na ng mukha niya, nagagawa niya pang mag make-up. Kinaganda niya ba 'yon?! Eh ang pangit niya naman kahit anong gawin niyang takip sa mukha niya! Kahit magpatong pa siya ng mask! Kahit anong retoke pa rin sa mukha niya, uulit ulitin ko, pangit siya. Wala na siyang magagawa sa mukha niyang walang pag-asa.
"Jungkook? Baby? Ayos ka lang ba?" At nasabi ko na ba sa inyong nakakadiri talaga kapag tinatawag pa 'ko ni Mama ng baby?
"Ayos ka lang ba 'Ma?" Tanong ko bago ako nagbuntong hininga, pero mahal ko si Mama eh. Nakakawala ng swag (credits kay Yoongi hyung).
Lumapit ito sakin at niyapos ako. "Ang baby ko ang laki mo na." Sabi nito sakin bago ginulo ang buhok ko.
"Ma naman.." Ungot ko. Ngumiti lamang ito sa akin at napangiti na rin ako. Ilang buwan kaming hindi nagkita at sa totoo lang, sobrang namimiss ko na yung pagkain dito sa bahay.
Uulitin ko ulit, mahal ko si Mama namiss ko rin siya at kung pwede lang, lumabas na sana ng bahay namin ngayon ang gagong lalaking pinakasalan niya.
"Ma, kumakain ka ba?" Pinagmasdan ko siya.
"Aigoo.. huwag kang mag-aalala sakin. Ikaw?" Hinawakan nito ang damit ko.
"Tignan mo 'yang suot mo mukha kang alpas sa prisinto." Pssh, valedictorian ata si Mama sa pagbabago ng topic.
At eto nanaman tayo. Uulit ulitin ko rin kahit mahal ko si Mama, "Streetwear 'to, Ma. Mas mahal pa 'to sa pinagsasama-samang talent fee para sa gums ni Yoongi hyung."
Tumango tango lamang ito, ngumiti at lumayo sa akin.
Lumayo
At lumapit naman ito sa kakalabas lang na dakilang sampid.
Kahit kailan talaga, isa siyang malaking PANIRA
Hindi 'ko naman kailangan ng tatay eh. Okay na 'ko sa kaunting taong nagmamahal sakin. Okay lang ako na si Mama at mga kaibigan ko lang ang nandan para sakin. Okay na okay lang.
Yumapos si Mama sa sampid. Mamaya, sasabihan ko si Mama na mag shower ng alcohol para mawala ang kumapit na bacteria. Kung pupwede rin ay huwag na rin silang magsama sa iisang kwarto dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa tuwing naamoy ko ang pabango ng sampid na kumapit na rin sa damit ni Mama. Paalalahanan niyo na rin nga akong bumili ng baygon mamaya at mairegalo sa dakilang sampid ng kahit papano naman ay mamatay na ang kawalanghiyaan (literally, makapal kasi ang mukha eh kasing kapal nung pangit na girlfriend ni Jimin) niya.
" Jungkook, andito ka na?" Ngumiti ang sampid at nawalan na talaga 'ko ng pag-asa na may igaganda pa ang araw na 'to.
"Ano sa tingin mo?" Sarkastiko kong sagot with smile.
"Jungkook, anong sinabi ko sa'yo?" Pagsaway sakin ni Mama.
Partly, gusto kong sumunod. Partly, what the hell
Ayokong, sumakit ang ulo niya. Pero ako naman ang sasakit ang ulo sa pagmumukha ng sampid sa harap ko.
"Bibilis kang tatanda, sasakit ng ulo mo sakin at mamatay ka gawa 'ko." Pagrecite ko.
Bago 'ko pa man maisagawa ang ultimate Jungkook walk-out dahil ayoko ng pahabain pa ang misa ng kulto, pinigilan ako ni Mama.
Tinignan ko siya,"Ma.." Napapagod na 'ko.
Ayoko na ngang makipag-away eh, ayoko na ngang pahabain pa 'tong nararamdaman kong sakit sa dibdib. Ayoko na ngang mas maisip na yung lalaking nakatayo ngayon sa tabi mo, mas mahal mo kesa sakin.
"May regalo kami para sa'yo." Lumapit na rin ang sampid at naaamoy ko na nga ang sampid cologne.
"Okay, iwan niyo na lang sa tapat ng kwarto ko." Sabi ko at aalis na nga talaga ako dahil mabigat na rin ang backpack kong may lamang sampung kilong damit na unwashed, papalabahan ko dito sa sampid. Kaso may washing machine at katulong sa bahay. Kaya bago ang lahat, papalayasin ko muna ang katulong at sisirain ko muna ang washing machine bago 'ko lalapit sa kanya. Para magkaroon na rin naman siya ng silbi sa bahay na 'to. Nahihiya na 'ko para sa kanya eh.
"Hindi na 'to makakapagintay pa baby." Excited na sabi ni Mama.
Tch. Palag pa ba?
"Sige ano ba 'yan?" Sabi ko at inaantok na 'ko dahil umiyak nga ulit si Taehyung kagabi dahil wala na nga daw siyang bear brand eh wala ng mauutangan pa ng goto, hindi ako nakatulog ng ayos.
Lumabas ang isang babae sa likod ng sampid. "Meet Reinkarnasyon 'Ina' Batumbakal." Sabi ni Mama with matching invisible confetti and fireworks.
"Ang Inaasam asam mong baby sister!"

BINABASA MO ANG
Pautang, Ina!
FanficSi Jungkook na lahat ng minamahal, may mas mahal na iba. Si Jungkook na lahat ng minamahal, iniiwan siya. Ngayon, isa na lamang naman ang gusto niyang itanong --“Can I pautang, Ina?...ng pagmamahal.”