Part 4

26 0 0
                                    

Recap:


Binato pabalik sakin ni Yema ang tshirt ko. Sapul sa mukha. "Alam mo kung bakit hindi kita pinili?!"


Nagulat ako. Ewan bakit nga ba? Kasi mas nasarapan siya sa ginawa nila sa kotse ni Jimin? Nung hinanap ko siya ng umaga at sinabi niyang 'Nakauwi ako ng maayos.'?


Oo punyemas kayo, hindi pala kayo nakuntento at nakauwi kayo ng ayos sa dorm, sa dorm namin. Sa kama ko!

 

Pero bakit


"Bakit..."


Lumapit siya sakin, galit na galit. "Kasi bastos ka!" Sinampal niya ako at nagwalk-out.


"...Bakit mahal pa 'rin kita?!" 


———————————————————-x

Maaga 'kong umuwi sa bahay. Dapat isang linggo pa kami sa Forest nila V kaso, wala eh. Sinira ko yung outing. Tska ayaw na rin daw ni V dahil gusto niya naman mag langoy ngayon. Hindi ako sumama dahil pinagbawalan ako ni Mama.


"Gamitin mo na lang ang card ko at samahan mo si Reincarnation mamili ng damit." Sabi niya sabay abot sakin ng card. Balot nanaman sa make-up ang pagmumukha ni Mama. Ah oo  nakahiga nga pala 'ko ngayon sa kama nilang kakapalit ko lang ng bed sheet na nangangamoy sampid. Sana pala namasukan na lang akong katulong ngayong sembreak para kahit papano hindi 'ko makikita ang mukha ni Ferdie.


"Ma, huwag ka ngang mag make-up." Tumayo ako. "Mas maganda ka pag walang make-up." Yayapusin ko pa sana siya ng nakita ko si Reincarnation sa pintuan.


"Andan na pala si Reinkarnasyon." Sabi ko at lumayo kay mama. Na-hard glare ako nito bago lumapit sa prinsesa niya. Italics 'yon ha!


Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Ina. "Princess Reincarnation Batumbakal!" Sambit nito at tumingin sakin. "'Diba ang gandang pangalan?"


Napatango na lamang ako dahil ayokong mabigo si Mama sa kanyang ilusyon. "Ge lang ma, the best!" Nagthumbs up pa ako at kinidatan ako ni Mama. Tuwang tuwa ito na pinagdiskitahan na rin ako. "Bagay siguro kung palitan na rin natin ang apelyido mo Bunny boo?" Sabi nito. "Jungkook Batumbakal!" Nagsaunter 'to at umikot ikot habang nakatingin dreamily sa ceiling.


"Napakamanly sa pandinig!" Komento nito na hindi ko na kinaya. Nilapitan ko agad si Ina at hinila. "Alis na kami Ma, ingat ka sa date nyo ni Ferdie B."


Hindi naman kami na napansin nito kaya sinamatala ko na ang pagkakataon para ikama si Ina. Syempre joke lang 'yon madumi talaga utak niyo no?


Nasa kotse na kami at si Totoy B ang driver namin. Huwag kayo, kapag nagpepedicab 'yan... nagdidrift!


Tahimik lamang si Ina sa tabi ko. Kahit naman ilang beses kami napadaan sa Goto Express, never pa kaming nagkaroon ng totoong normal na conversation. Hindi rin kami close, at sa lahat ng pagkakataon ay puro utang lang ang dinulot ko sa buhay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pautang, Ina!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon