Chapter 2: Unsure Thoughts

1.2K 34 0
                                    

Tinignan ni Mon and phone niya at lumitaw ang isang friend request notification.

[Freen "Sam" Chankimha sent you a friend request]
Iaaccept na sana niya ito pero nag alangan siya dahil sa paalala ni Kath.

"Hmm, bukas ko na nga lang iaccept." Buntong hininga ni Mon. Iniisip niya kung tama lang ba na inoffer niyang ihatid sundo si Sam dahil hindi pa naman sila magkakilala talaga. Iniisip din niya kung okay lang ba kay Sam ang pakikitungo niya dahil wala siyang mabasang expression sa mukha nito. Umiling na lang si Mon at naligo na para makatulog agad.

[Sam's house]

Nakatitig lang si Sam sa phone niya at naghihintay ng notification. Iniisip niya kung nakauwi na ba si Mon. Patay sindi ang cellphone niya kakacheck ng facebook notification.

"Nakauwi na kaya yun? Ang sabi niya malapit lang apartment niya" Medyo nagkakasalubong na ang kilay ni Sam habang nagiisip. Gusto niyang itext si Mon pero naisip niya na baka nakatulog na iyon dahil sa pagod.

Huminga nang malalim si Sam at nilapag ang cellphone sa tabi niya bago tuluyang makatulog.

[Sam's house]

Saktong 5am at dumating na nga si Mon kina Sam. Nagpark siya sa tapat ng bahay ni Sam at naghihintay ng text message. Sumisilip silip si Mon sa gate ng biglang tumunog ang cellphone niya. Isang text message from an unknown number.

"Good morning. I'm about to finish prepping, thank you for waiting. - Sam"

"Good morning Sam. No problem, I'll wait for you." Snend ito ni Mon at agad na snave ang number ni Sam.

[Create New Contact: Freen "Sam" Chankimha]

Bahagyang napangiti si Mon. Pumunta siya sa facebook notifications at inaccept na din ang friend request ni Sam. Napakasimple ng Facebook ni Sam. Isang simpleng black and white picture lang ang profile picture niya at mga tulips na pink ang nasa cover picture.

(Napakaseryoso talaga ng mukha nitong si Sam, mas maganda sana siya kung nakangiti siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Napakaseryoso talaga ng mukha nitong si Sam, mas maganda sana siya kung nakangiti siya. Pero mahilig pala siya sa tulips.) Pagiisip ni Mon habang naghihintay sa loob ng kanyang sasakyan. Wala halos laman ang social media ni Sam. Isstalk pa sana siya ni Mon ng makita niya na lumabas na si Sam. Simple lang ang suot nito, nakajeans at simpleng white long sleeves, nakalugay din ang mahaba nitong buhok at walang make up pwera sa lipgloss na pink.

"Hello Mon, sorry for waiting too long." Sam quickly approached Mon apologizing.

"It's okay Sam. We'll get there in time. I drop na lang kita agad kasi magppark pa ako." Isang matamis na ngiti ang bungad ni Mon kay Sam.

Pagkaupo ni Sam sa passenger seat ay lumapit agad si Mon para abutin ang seatbelt at ayusin ito. Bahagyang napasinghap si Sam dahil sa biglaang paglapit ni Mon. Ilang inches lang ang layo ng mukha nila at bumaba ang tingin ng mga mata ni Sam sa labi ni Mon. Napatitig si Mon sa mga mata ni Sam at unti unting bumaba sa mga labi ni Sam ang tingin niya. Her heart skipped a beat. Agad na lumayo si Mon at nilock ang seatbelt ni Sam.

A Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon