Nagising si Mon at bigla na lang siyang hindi makagalaw. Naramdaman na lang niya na may nakadagan sa taas niya. Pinilit niyang buksan ang mga mata niya pero madilim ang paligid at nasa dulo pa siya. Hindi siya makasigaw dahil may kamay na nakatakip sa bibig niya. Unti unting na siyang nawawalan ng hininga at hindi niya alam kung paano siya kakawala sa taong nakadagan sa kanya. Naabot ni Mon ang phone niya, hirap na hirap na siya pero nagawa niyang pindutin ng mahigpit ang dalawang pindutan dito. Biglang nag alarm ng malakas ang cellphone ni Mon, nagulat ang taong nakadagan sa kanya at muli siyang sinakal upang hindi makahinga at hinampas ang ulo niya sa pader ng paulit ulit. Nagdasal si Mon na marinig ang alarm ng phone niya. Mabuti na lang at naisipan niyang iset na emergency contact si Sam. Tuluyan ng nawalan ng malay si Mon.
[Production floor]
Biglang nagring ang phone ni Sam. Nagulat ito dahil si Mon ang tumatawag. Kaagad siyang lumabas ng production floor para pumunta ng sleeping quarters, nang palapit na ay narinig niya ang alarm na nanggaling sa loob ng pero nakalock ang pintuan. Kaagad na tumawag ng guard si Sam.
"Kuya! May susi po ba kayo ng women's sleeping quarters? Mukhang may nakapasok na hindi empleyado sa loob. Bigla na lang po kasi nag emergency call yung kasama ko e." Nagmamadaling tanong ni Sam. Kaagad naman sumunod ang guard hawak ang susi. Binuksan nila ang pintuan at biglang may lumabas na lalaking nakahoodie at tinulak sila nito kaya natumba si Sam. Agad naman nagradyo ang guard at hinabol nila ang lalaki.
"Ma'am! Okay lang po kayo?" Tanong ng guard. Kaagad naman tumayo si Sam at pumasok sa loob.
"Mon?? Where are you??" Natataranta si Sam dahil walang sumasagot. Pagdating sa dulo at nadatnan niya si Mon na walang malay at duguan ang ulo dahil sa paghampas sa kanya ng salarin.
"Tulong! Guard! Please help!" Sigaw ni Sam. Agad na pumunta ang guard at nagsagawa ng first aid kay Mon. Mahina ang pulso ni Mon pero humihinga pa naman ito. Ilang minuto lang ay dumating na ang ambulansya, hindi na natapos ni Sam ang shift niya at nakiusap ito sa OM nila na pabantayan muna sa kasama niya ang mga advisors nito. Hindi na rin niya magawang bumalik sa floor dahil duguan ang damit niya. Sumama si Sam sa ambulansya at hindi nito mapigilan na umiyak. Nakaoxygen si Mon at hawak ng respondent and ulo niya dahil hindi ito tumitigil sa pagdugo.
"Mon, bb, please fight for me." Bulong ni Sam kay Mon. Pagdating sa ER ay hindi na siya nakasunod sa loob at wala itong nagawa kung hindi maghintay sa labas. Higit isang oras na din sila sa loob pero wala pa din balita sa kalagayan ni Mon. Hindi niya alam kung paano sasabihan ang pamilya ni Mon kaya minessage niya ang mga kaibigan nila. Pinunasan ni Sam ang mga luha niya at tumawag sa OM nila.
"OM, I want to know if they caught the person who harmed Ms. Mon." Nanginginig ang boses ni Sam pero pilit niyang pinapakalma ang sarili.
"Hello Sam. They caught him and he is currently being detained at the police station. What I don't understand is how did he get an ID, he seems to have gotten an inside help. This is unacceptable, I will make sure to have this investigated asap." Sagot ng OM nila.
A few more minutes passed pero pakiramdam ni Sam ay oras na ang lumipas. Maya maya lang ay lumabas na ang doctor sa operating room. Lumapit agad si Sam,
"Doc? How is she?" Sam looks so worried.
"Are you the patient's relative?" Tanong ng doctor.
"I've already contacted her relatives, I am her partner. Is she okay?" Tanong ni Sam.
"She's stable for now, however, we are still monitoring her condition as she had a huge trauma behind her head, there is a high chance that it affected her vision and we'd have to make sure the damage won't be permanent. You can now visit the patient." The doctor provided her details and Sam quickly visited her.
![](https://img.wattpad.com/cover/342301108-288-k557248.jpg)
BINABASA MO ANG
A Secret Love
Fiksi PenggemarThis is a fanfiction story adaptation of FreenBecky. Gap the series inspired me to write this story. Typical BPO office setup, let's look at the POV of a typical working employee who met a person working because of boredom. How will their worlds col...