The next morning, nagising si Mon at nahuli niyang titig na titig si Sam sa kanya.
"Good morning babe! Hmm...you're up early." Ngiti ni Mon kay Sam. Napansin din nito na bihis na siya at pati si Sam.
"I woke up and I can't sleep anymore. I want to marry you as soon as possible. Kanina pa nga ako nagpaplano e. I want everything to be perfect." Nagsalubong ang kilay ni Sam but she looks really excited and happy.
"Sam, we don't need to rush, I'm not going anywhere. By the way, thank you for taking care of me last night. Although, I think these are your clothes." Ngumuso si Mon kay Sam at natawa naman ito sa kanya.
"I can't find your clothes so I used mine. And besides, what's mine is yours and what's yours is mine." Kinindatan ni Sam si Mon at ngumiti. Napatitig ulit siya sa mga mata ni Mon at bigla itong naging seryoso.
"I want us to be married and settle down Mon. Hmm... I also have some news. They got Kyle and his accomplice. No one will hurt you anymore, I made sure of that."
Mon felt so relieved, para siyang nakahinga matapos ng matagal na pagkalunod sa takot at pagaalala, all the sleepless nights will finally stop. Lumapit si Mon at humalik sa noo ni Sam.
"Thank you for all your effort Sam. You know what, if you really want us to get married asap, I will not stop you."
Isang linggo na din ang lumipas at nakabalik na sa bahay si Jake at ang mama nito, siniguro ni Sam na inaayos na ang nasirang pintuan at pinapalitan nila ni Mon lahat ng susian at kandado sa bahay. They also decided to go back to work, but with what happened pinaguusapan pa din nila kung magsstay pa sila sa kumpanya. Covered naman lahat ng gastos ni Mon sa hospital at paid din ang kanyang matagal na pagkawala sa office dahil may fault naman ang security kaya nakalusot si Kyle.
[Pantry]
"Mooooon!! Saaaaaam!" Sigaw ni Kath at dali dali itong lumapit sa dalawa. Yumakap si Kath kay Mon ng mahigpit.
"Namiss kita dito sa office! Akala ko hindi ka na papasok. Namiss ko kayong dalawa ni Sam." Sabi ni Kath at ayaw pa din nito bumitaw kay Mon.
"Ate Kath, namiss din kita, namiss ko kayo dito, pero yun din nga pinaguusapan namin ni Sam if okay lang kaya na manatili kami dito." Seryosong sagot ni Mon.
"Bakit? Ano bang nangyari bakit naman hindi kayo pwede magstay?" Tanong ni Kath. Umupo sila sa isang table. Si Sam naman ay bumili ng maiinom at kape para sa dalawa.
"Hindi ko alam kung nabalitaan mo na, pero nalaman na kasi kung sino ang kasabwat ni Kyle dito." Tumingin tingin sa paligid si Mon. Kakaupo lang ni Sam at inabot ang kape ni Mon at Kath.
"Thanks babe." Ngiti ni Mon. Nagpasalamat din si Kath kay Sam pero agad din binaling ang tingin kay Mon. Magsasalita na sana si Mon pero biglang dumating si Nisha.
"Mon? Sam? You're back." Bahagyang nagulat si Nisha, hindi siya nasabihan na babalik na ang dalawa ngayong araw. Agad naman itong ngumiti at lumapit sa kanila.
"Hello Nisha, how are you and the team? Namiss ko sila." Bati ni Mon. Ngumisi naman si Nisha.
"Sila lang namiss mo? How about me?" Pabirong tanong nito kay Mon. Nagtalim ng tingin si Sam kay Nisha. Ramdam na ni Mon na may magseselos na naman.
"Nisha, you haven't changed at all." Pabiro ding sabi ni Mon. Tumingin ito kay Sam at hinawakan ang kamay niya.
"Perfect timing, dahil nandito ka na din lang. I want to invite you to my wedding." Tinaas niya ang kamay ni Sam para ipakita ang engagement ring nito. Mabilis na natahimik si Sam at namula ang mga pisngi nito, hindi rin niya mawari kung saan titingin at halatang gulat pa din si Nisha sa sinabi ni Mon. Napatakip ng bibig si Kath dahil sa kilig.
BINABASA MO ANG
A Secret Love
FanfictionThis is a fanfiction story adaptation of FreenBecky. Gap the series inspired me to write this story. Typical BPO office setup, let's look at the POV of a typical working employee who met a person working because of boredom. How will their worlds col...
