Chapter 16: The Wedding

889 25 3
                                        

The next morning, Mon woke up earlier than usual to prepare for their wedding. Magkahiwalay silang magaayos dahil na din sa kagustuhan ng mama niya na sumunod sa tradisyon. Tulog pa si Sam kaya dumiretso siya sa kusina para maghanda ng almusal nilang dalawa. Nagluto siya ng garlic fried rice, bacon at sunny-side-up na itlog. Matapos magluto ay naghanda siya ng breakfast in bed para kay Sam at nag-iwan siya ng note.

[Good morning babe!

Please eat your breakfast and don't forget to take your meds.

See you later!

Love,
bb]

Maya maya lang ay dumating na ang mga kapatid ni Sam. Maiiwan si Maggie doon para samahan si Sam na magayos. Sumama si Mon kay Claire papunta sa farmhouse nina Sam para doon na magayos at sinabihan na din siya ni Jake na nasa farm house na sila ng crew niya, kinuha nila si Jake bilang official photographer para sa kasal nila.

Sam woke up and saw the note Mon left her. Napangiti si Sam at agad naman niyang kinain ang inihanda ni Mon para sa kanya. She also made sure to take her meds, dahil pagkatapos ng kasal ay babalik ulit sila sa clinic bago dumiretso sa honeymoon nila sa Thailand. Maya maya lang ay kumatok sa kwarto niya si Maggie.

"Ate, you're here already. Kumain ka na ba? Where's Gab?" Tanong ni Sam.

"Oo kumain na ako. Magready ka na at magpphoto shoot pa kayo bago ang ceremony. Nandito na din yung damit mo. I left Gab with papa para hindi siya maglikot." Hinila siya ni Maggie at agad silang nagayos.

Habang inaayusan ni Maggie si Sam ay napakaseryoso nito. Para bang napakalalim ng iniisip niya kaya tinapik siya ni Maggie sa balikat.

"Hui Sam. Ang seryoso ng mukha mo diyan. Aren't you excited?" Tanong ni Maggie.

"I am excited. Kinakabahan lang ako, what if biglang magbago isip ni Mon. Or baka mamaya hindi pa pala siya handa na magpakasal sa akin. She's still young ate." Alangan na sagot ni Sam. Hinawakan siya ni Maggie sa magkabilang balikat nito.

"Sam, Mon loves you. Ang laki ng effort niya sa proposal niya sayo, at isa pa, hindi ba sabi mo kasal na kayo in paper, legally. Bakit nagdududa ka pa diyan. Kurutin kita diyan e. Tignan mo nga sarili mo sa salamin. Smile, and make sure you show Mon that you are also ready for your wedding." Sermon ni Maggie kay Sam. Ngumiti naman si Sam at napailing.

"Okay ate, salamat, I just can't believe it's finally happening." Tumayo si Sam at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin.

"Thank you for supporting me ate Maggie. Let's go, I'm excited to see my soon-to-be-wife." Ngumiti din si Maggie at lumabas na sila para pumunta sa farm house.

[Farm house]

Pagdating sa farm house ay busy ang lahat para sa pag aayos ng lugar. Gaganapin ang kasal sa tulip field garden. Nakalatag na ang mahabang white carpet sa gitna ng tulip garden at ang mga nakadisplay na bulaklak sa gilid ay pinaghalong white tulips at lavender na mga paborito nilang bulaklak. Nakabihis na din ang mga upuan ng guests. Kakaunti lang ang mga inimbita nila dahil gusto nila na maging solemn ang kasal. Pagdating sa loob ng guesthouse ay agad siyang tinulungan ni Claire at Kath para makapaghanda.

Unti unti nang nagsisidatingan ang mga bisita, halos magkakasunod na dumating sina Mario, Rose at Andy. Sumunod din ang iilan sa mga inimbita nila sa office.

"Wow, this place is stunning." Nasambit ni Mario habang naglalakad papasok.

"Ang ganda nga ng lugar, dito na ba ako makakahanap ng forever ko." Nagiimagine na si Andy habang lumilibot sa loob.

"Sana kapag kinasal ako ganito din kagarbo." Nagpaparinig naman si Rose sa boyfriend nito na hinila niya na sumama sa kasal. Napakamot naman ito ng ulo dahil sa taas ng expectations ni Rose.

A Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon