Chapter 11: Changes

692 23 3
                                    

Pagkauwi ay kaagad na naligo si Mon, hindi na niya hinintay pa si Sam na sumabay sa kanya. Hindi siya sigurado kung bakit nagaalangan siya sa sitwasyon nila ni Sam. Naisip ni Mon na baka nappressure lang siya sa pamilya ni Sam dahil gusto na nilang magkapamilya ang mga ito. She's just 23 and still not ready to have family. Ang tunay na dahilan ay dahil natatakot ito na magaya sa nangyari sa pamilya niya. Broken family sila at nanatili sa UK ang ama ni Mon. Hindi siya lumaki na may buong pamilya. Nakapikit at malalim na nag-iisip si Mon sa banyo ng biglang bumukas ang pintuan. Nagulat si Mon at nakita niya si Sam na nakasilip sa kanya.

"Mon? Can I join you?" Diretsong tanong nito. Kanina pa napapansin ni Sam na wala sa sarili si Mon at parang napakalalalim ng iniisip nito. Isa lang ang naiisip niyang posibleng dahilan nito at natatakot siya na baka lumayo ang loob ni Mon kung pipilitin niya pa ito.

"Sure babe. Sorry I got in first, nainitan kasi ako." Pagsisinungaling ni Mon. Hindi niya pa din maalis ang pag-aalangan sa kanyang puso. Natatakot ito sa responsibilidad na haharapin nila kapag nagpakasal na ito kay Sam.

Sam got in the bathtub and hugged Mon from behind. Hinalikan niya ang balikat ni Mon at hinawakan naman ni Mon ang ulo ni Sam.

"Hmm babe, I love you." Nakapikit si Mon at nakapatong ang ulo niya sa balikat ni Sam.

"Mon, please don't be pressured by my family. I want you to enjoy every moment we have together." Sabi ni Sam habang yakap yakap pa din si Mon.

"I'm sorry babe, my father left us, like, umuwi kami ni mama dito sa Pinas dahil nangaliwa si papa. He didn't know na buntis na si mama kaya lumaki kapatid ko na hindi nakikilala si papa. I actually haven't seen him for years, hindi ko nga alam kung may ibang pamilya na ba siya, hindi man lang niya kami hinanap or sinundan." Bigla nalang naiyak si Mon habang nagkkwento kay Sam. Mahigpit siyang niyakap ni Sam.

"Mon, alam kong magiging mabuti kang ina sa magiging anak natin. You are naturally kind and caring. We'll have a wonderful family together. Pero hindi mo kailangang isipin yan ngayon. I want you to know that I will always be here to love and support you. Hindi naman ako nagmamadali. Please don't cry anymore bb." Pinunasan ni Sam ang mga luha ni Mon at hinalikan niya ito sa noo.

"Thanks babe. I'm so happy I have you."

The next morning, like usual, pinagluto ni Mon si Sam ng breakfast. Maaga silang naghanda at pumasok sa office dahil ngayon ang araw ng deliberation ng team nila. They will either keep their current positions or maddemote sila. Kamapante naman si Mon sa performance ng team, lalo na at si Sam ang kasama niya sa paggguide sa mga ito. Hindi rin nagkulang si Kath sa pag ddiscuss ng mga callouts at sanctions dito.

[Meeting room]

"Congratulations Mon and Sam! Your team stats have significantly improve and you got top 2 across all sites. That is really impressive. We knew you both can do it." Bati ng OM nila. Nagkatinginan naman ang dalawa at ngumiti.

"Thank you! We couldn't have done it without your continuous support and guidance and also with the Quality Team's help." Sagot ni Mon. Tumango naman ang OM nila bago nagsalita ulit.

"Since you have done so well, we also decided to have Sam handle the incoming newbies, we are currently ramping and we need excellent people like her to guide our incoming advisors"

Nagulat si Sam, alam naman niya na posible talagang magkahiwalay sila ng schedule pero hindi niya inakala na agad siyang isasabak sa mga bagong advisors. Napatingin siya kay Mon pero tumango lang ito sa kanya.

"I'm sure Sam will do extremely well OM. She's half the reason why my team performed well." Sagot ni Mon.

"I agree, since she will be handling the new batch, she'll be move to GY shift starting at 8PM MNL time. I will also assign you a new SME which will come from our sister sites. She's actually here and we will start the transition for your schedule tonight so you can go home early Sam." Nageexplain ang OM nila nang bumukas ang pintuan. Bahagyang nanlaki ang mata ni Mon dahil pamilyar ang babae na pumasok sa meeting room.

A Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon