Chapter 13: Revelation

732 34 3
                                        

Matapos ng ilang araw pa ay narelease na si Mon sa ospital. Binigay kay Sam ang reseta ng mga gamot na kailangan ni Mon para bumilis ang paggaling nito. Dapat din ito pacheckup once a week para mamonitor siya ng maayos.

Hindi pa sanay maglakad ng mag-isa si Mon dahil wala pa din itong makita, kaya dahan dahan siyang inalalayan ni Sam palabas at papasok ng kotse. Pagkaupo ay inayos agad ni Sam ang seatbelt ni Mon. Bagamat mas maayos na ang kalagayan ni Mon ay may benda pa din ang ulo nito dahil sa tahi sa likod ng ulo niya. May mga kaunting pasa pa din sa paligid ng leeg niya at hindi mapigilan ni Sam na lalong madagdagan ang poot sa ex nitong si Kyle at sa kung sino man na tumulong dito.

"Mon, bb, I'll start driving now okay? You can hold my hand." Masuyong sabi ni Sam. Tumango naman si Mon. Nakakapagsalita na ito pero hindi lang masyadong matagal. Bakas sa mukha na malungkot ito at nangingilid ang mga luha.

"Bb? Are you hurting somewhere? Why are you about to cry??" Nagpapanic na tanong ni Sam. Umiling lang si Mon at hinigpitan ang hawak kay Sam.

"I'm sorry Sam....you are having a hard time be..cause of me. I know you haa..te driving, and now you're stuck in ta..king care of me. Just tell me when you're tired, I can always go back ho..me Sam. I don't want to bu..rden you like this." Malungkot na sabi Mon, pawala wala pa din ang boses nito.

"Mon, didn't I tell you that I will take care of you, kahit ano pang mangyari. Kahit habambuhay kitang alagaan, I'll do it. I don't want to lose you Mon, my heart can't take it. I don't want to feel what I felt when I saw you all bloody and lifeless." Sam said while silently crying.

"So please, fight for me Mon, okay? Nandito lang ako para sayo. I won't leave you." Lumapit si Sam at humalik sa noo ni Mon.

[Sam's house]

Agad na tinulungan ni Sam na bumaba si Mon ng sasakyan. Binigyan si Mon ng walking stick para matuto itong maging independent ngunit ayaw ni Sam na iwan si Mon ng mag-isa. Pagdating sa loob ay inupo niya si Mon sa sofa.

"I missed this." Mahinang sabi ni Mon. Umupo sa tabi niya sa Sam at kinapa siya mula sa bewang pataas sa balikat at hanggang mapunta ang kamay ni Mon sa mukha ni Sam. Hindi niya pa din maaninag si Sam pero dahan dahan siyang lumapit sa mukha nito.

"Mon, bb, you should rest first." Protesta ni Sam.

"I've had enough rest at the hospital babe. I missed you, your smell, your touch, your body." Sabi ni Mon habang nakahawak pa din sa mukha ni Sam. Hindi niya mapigilan na muling maluha sa sitwasyon niya.

"I'm so sorry for being useless." Mon cried and leaned her head against Sam's shoulder. Niyakap siya ni Sam ng mahigpit.

"Mon, you are not useless. Ever since I met you, you have been my inspiration and motivation to do things I didn't know I can do. You just need a break, you have been on your own for a long time. I am here, and it's safe to rely on me. Don't cry anymore bb. Please?" Suyo ni Sam habang yakap si Mon.

[Production floor]

"Good morning Nisha, I sent the files in your email, pacheck na lang." Bati ni Kath.

"Good morning Kath, thank you.... By the way, kamusta na si Mon. May balita ka ba sa kalagayan niya?" Nag-aalangan na tanong ni Nisha. Bahagyang nalungkot ang mga mata ni Kath. Namimiss na niya si Mon at wala na siya kasamang nagkakape kapag umaga.

"Hindi ka pa ulit siya nabibisita. Pero sa huling pag uusap namin sa phone eh mas okay na siya, mag iisang buwan na din kaya physically, she's fine, except, wala pa din siya makita." Sabi ni Kath.

Nalungkot ang mukha ni Nisha, saglit lang silang nagkasama ni Mon pero hindi maitatanggi na nangungulila na din siya dito. Lahat ng mga tao sa opisina ay naging mas maingat simula ng nangyari ang insidente. Wala na din ngang natutulog sa sleeping quarters dahil sa takot.

A Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon