CHAPTER 12 - Shocked and Painting Part II

1.3K 34 0
                                    

Someone's Pov

Di alam ng dalaga na kanina pa siya pinapakinggan ng mga Royalties at pamilya niya. Halata sa mga mukha ng pamilya niya ang gulat dahil ngayon pa lang nila ito narinig na kumanta at napakaganda nitong pakinggan. Tila nakikinig din si Prince Durk na halata din ang pagkagulat.

Sanya's Pov (Mother of Althea)

Nandito kami ngayon sa sofa naka-upo kasama ang mga Royalties.

Maya-maya pa ay may bumukas ng pinto at iniluwa doon si Prince Durk. Kakagaling lang nito sa mission kaya wala ito nong mga nakaraang araw.

Habang naka-upo kami sa sofa ay may narinig kaming napakagandang tinig na nagmumula sa may harden. Kaya kaagad kami tumungo roon.

Pagkarating namin doon naabutan namin ang aming anak na babae na umaawit. Nabakas sa mukha namin ang gulat at paghanga

"Si lil sis ba talaga yan?" sabi ni Nathan

"Kay gandang tinig" sabi naman ni Cassy

Samantala ang mga Royalties naman ay di maka-imik. Maya-maya pa ay natapos na itong umawit at tumayo na ito upang bumalik sa loob kaya dali-dali kaming nagteleport sa may sofa

Alexa/Althea's Pov

Nandito na ako sa kwarto ko at tapos na rin kami mag dinner. Nabanggit sa akin ni Mom na simula bukas ay babalik na kami sa school

------*****FAST FORWARD*****-----

Habang nagbabasa ako ng libro.. yes tama yung nabasa mo.. binabasa ko na yung librong nakita ko. Actually tatlo na 'yung natapos ko at isa na lang ang hindi ko pa natapos kaya ito binabasa ko.

Ng nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ay may napansin akong kakaibang sulat. Ewan ko pero naiintindihan ko ito kahit nong nasa totoo pa akong katawan nababasa ko ang ganitong ibang lenggwahe.

Kahit ibang language kaya kong magsalita kaya nagtataka talaga ako at isa pa pag sobrang inis na inis na ako.. pumupula ang mga mata ko at napakabilis kong tumakbo daig ko pa ang sasakyan sa sobrang bilis ko.


********

When Mafia Girl Reincarnated As A Little Weak PrincessWhere stories live. Discover now