CHAPTER 22 - Adopting The Baby

989 28 0
                                    

Althea's Pov

Nandito ako ngayon sa kwarto nagbabasa ng libro.. kakabalik ko lang galing dun kay Goddess Ariana

Habang nagbabasa ako ay may narinig ako sa labas na ingay.. parang bata I mean iyak ng isang sanggol ang naririnig ko at dahil sa umiral na naman ang ka-curiousan ko sinilip ko ito sa bintana

Di nga ako nagkamali dahil may nakita akong sanggol sa baba nasa taas ito ng puno kaya dali-dali akong bumaba dahil baka mahulog ito

Nadaanan ko sila Mom/Dad/kuya's sa sala.. tinanong nila ako kong bakit daw ako tumatakbo at nag madali? pero di ko na lang pinansin

Nang nakarating ako sa puno ng nara ay agad kong kinuha yong sanggol at pumasok na sa loob. Nang makapasok ako ay dumiritsyo ako kila Mom

"Anak san ka--" di na nito natapos ang sasabihin dahil nakita nito ang hawak kong sanggol. BTW si Dad pala yung nagsalita

"Kaninong anak yan?" tanong ni Mom

"Ewan ko Mom. Nakita ko kasi itong sanggol sa may sanga ng nara" sabi ko

"Sino ang mga lapastangang magulang ng batang yan. Di na naawa sa bata" sabi ni kuya Niel samantala sila kuya Nathan/Lucas/Gray ay nanatiling tahimik

Pano kaya kong ampunin ko na lang itong sanggol. Wala namang magulang to kaya napangisi ako alam kong nahalata yun ni kuya Nathan

"Anong ngiti yan lil sis? wag mong sabihing ampunin mo yan?" sabi nito

"Yup! aampunin ko siya" sabi ko

"WHAT??!!!!" sabay-sabay nilang sabi

"But sweetie..." sabi ni mom

"Mom please.." nag puppy eyes pa ako para pagbigyan lang. Ewan ko ba di naman ako ganito. Feel ko.. nagiging malambot na ang puso ko.. feel ko lang

"Haaysst.. sige na nga" sabi ni mom

"Yess!!.. I love you Mom"

"But hon! she's too young" sabi ni Dad

"No more but's Dad.. Mom said yes.. so no more but's. Mom wala ng bawian?!" sabi ko

"Haaysst.. so ano ipapangalan mo dyan" sabi ni dad

"Sofia" nakangiti kong sabi

"Nice name baby sis.. magiging uncle na ako" sabi ni kuya Niel

"Anong ikaw kami rin no!" sabi ni kuya Nathan

"Mom.. Dad.. kuya's.. sa itaas muna ako"

"Ok" sabay nilang sabi

"Ahh anak pupunta pala dito ang mga Royalties kaya sumabay ka sa dinner mamaya" sabi ni Dad. Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon


*******

When Mafia Girl Reincarnated As A Little Weak PrincessWhere stories live. Discover now