CHAPTER 17 - Gurong Sabrina

1.1K 31 0
                                    

Alexa/Althea's Pov

Nung nakapasok na sila Lira ay sumunod na kami. Nung pagpasok namin ay biglang natahimik ang paligid.. halata sa kanila ang gulat

"Ma-mahal na Princess Althea.. Princess Cassy.. Prince Nathan.. Prince Niel at Miss Shasha" (yes Miss o di kaya Mister ang tawag nila sa mga walang dugong royal) bati nila sa amin

"Ano po sadya niyo dito sa section ng mga mahina tulad namin?" malungkot na sabi ng isa

"Dito muna kami sa section niyo papasok" sabi ko

"Pero mga mahal na Prinsesa't Prinsepe at Miss.. wala pong pumupunta ritong guro at ang katulad niyo pong magagaling ay dapat sa Royalties section po kayo"

"Haaysst.. dito muna kami dahil kami ang magtuturo sa inyo kong paano gamitin ang mga kapangyarihan niyo at matutong makipaglaban. Lagi niyo rin tandaan na hindi kayo weak ok!" sabi ko sa kanila

"Nakakahiya naman po sa inyo mga mahal na Prinsesa't Prinsepe maging saiyo rin po Miss Shasha.. mga guro nga ayaw kami turuan dahil kahit ano daw po turo nila sa amin ay di na daw kami mababago.. sinasaktan at pinagsasabihan pa kami ng masasamang salita" sabi ng babae na nagpa-init ng dugo ko

Ganito pala ang mga guro dito ahh tingnan natin kong hanggang saan ang tapang nila. Nakakainis lang kasi imbis na tulongan nila ang mga students na di marunong o mag control sa mga kapangyarihan nila ay sila pa mismo ang nag lo-look down sa mga students dito

Kumbaga dapat sila yung magpapalakas ng loob ng mga students para galingan nila ang pag-iinsayo.. pero sa nakikita ko mukhang iba ang sitwasyon. Mas mabuti pa pala sa Earth land.. ibang-iba talaga ang pagpapatakbo ng panahon rito kaysa sa Earth land

"Sinong guro yan?---" naputol yong sasabihin ko ng unahan ako ni kuya Niel

"Who's that professor?"

"Ahhh.. wag niyo na lang po alamin" sabi ng isa

"Sabihin niyo na sa amin.. hindi tama ang ginagawa nila sa inyo" sabi naman ni kuya Nathan

"Tama! Hindi yun tama" pagsang-ayon naman nila ate Shasha at Cassy

"Kaya sabihin niyo na sa amin" sabi ko pa

"Ah-mm-mm... si gurong Sa-Sabrina po"

"Ang gurong malandi pala ahh! Tingnan natin" sabi ni ate Shasha kaya tiningnan ko ito na may pagtataka

"Kilala mo?" tanong ko

"Kilalang-kilala Thea.. dahil iyang gurong yan lang naman ang lumandi sa kasintahan ko" naiiritang sabi nito


*********

When Mafia Girl Reincarnated As A Little Weak PrincessWhere stories live. Discover now