Alexa/Althea's Pov
Pagkatapos namin kunin ang bag ko.. I mean bag namin.. kinuha ko na rin kasi ang bag nila kuya Nathan, kuya Niel, ate Shasha at Cassy dahil balak kong sa section demon muna kami para maturuan ang mga students dun
Papunta na kami ngayon sa cafeteria dala-dala ang bag namin
Haaaysst nakakapagod maglakad. Kong di ko lang sana kasama sila Lira at Mira nag teleport na lang sana ako. May dugong royal lang kasi ang nakakapagteleport
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa cafeteria at pinagtitinginan kami ng mga students pati na rin ang mga Royalties dahil sa may dala nga kaming bag
Pagkalapit namin sa mga Royalties ay parang gusto kong matawa sa reaction ni kuya Nathan.. hahaha.. kumakain Kasi ito ng spaghetti at nakatingin sa bag na hawak ko
"Bakit dala mo bag natin? Wag mong sabihin na tatakas tayo lil sis?" sabi ni kuya Nathan
"Ayy Hindi! Kasi sa section demon muna tayo papasok" diretsyo kong sabi
"What?!" sabay-sabay nilang sabi.. over naman makareact ang mga 'to
"Pero baby sis walang nagtuturo dun.. at mahina ang mga students dun"
"That's the reason kaya dun tayo papasok"
"What do you mean?" sabi ni Cassy
"Dahil wala sa kanilang nagtuturo.. tayo ang magtuturo sa kanila" sabi ko
"Hahaha.. nagpapatawa ka ba? Ni hindi ka nga marunong makipaglaban dahil puro paglalandi lang kay Prince Durk ang inaatupag mo!" sabi ni Alice kaya tiningnan ko ito ng seryoso
"Mukha ba akong nagpapatawa? At kong inaakala mong di ako magaling sa pakikipaglaban.. nagkakamali ka dyan! Dahil kaya ko kayong talunin ng mag isa at walang kapangyarihan na gagamitin.. wag ka rin pala sumabat sa may usapan na may usapan.. di ka ba tinuruan ng parents mo ng salitang respeto?" mahaba at seryoso kong sabi rito.
Kita ko sa mukha nya ang galit, hiya at takot kaya ayun natahimik ang g*ga
"So ano kuya Nathan.. kuya Niel.. ate Shasha at Cassy sama kayo?" tanong ko sa kanilang apat
"G! game na ako. Mukhang maganda rin ang magturo" sabi ni Cassy
"Kayo kuya Nathan.. kuya Niel at ate Shasha?" nagkatinginan muna sila
"Haayssst.. may magagawa pa ba kami? Tara na!!" sabi ng tatlo
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa section demon. Unang pumasok sila Lira at Mira tapos ako.. and the rest pumasok na rin
*******
YOU ARE READING
When Mafia Girl Reincarnated As A Little Weak Princess
FantasyGenre: Fantasy, Action and Drama Author: BÎÑÍBÌÑÏÑG__ÃKÎSHÁ Alexa Santiago is a dangerous person. She can kill you in 10 seconds because of that, all mafias and gangs are scared at her. She's a cold person makita mo lang ang napaka cold niyang titig...