CHAPTER 8 - Ang Pag-aaya Part I

1.4K 37 0
                                    

Still Alexa/Althea's Pov

"Abayy--" pinutol ko na ang sasabihin sana 'nong babae dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan namin aalis pa naman ako ngayon

"I'm done" sabi ko. Nakita ko naman na naiinis yung babae

"Kuya Nathan.. kuya Niel pwede niyo po ba kami samahan ni ate Shasha sa pamilihan?"

"Tinatamad ako. Si Nathaniel na lang lil sis" sabi ni kuya Nathan

"Kong tinatamad ka.. mas tinatamad ako" sabi rin ni kuya Nathaniel

"Kuya Nathan.. kuya Niel sama na kayo. Ngayon lang naman ehh"

"Baby sis/lil sis tinatamad kami. Kayo na lang ni Shasha" sabi nila

"But kuya" sabi ko na medyo naiinis na

"No more but baby sis" sabi ni kuya Niel

"Di wag!" sabi ko at padabog na lumabas ng dining area. Narinig kong tinawag nila ako pero di ko na ito pinansin at pumunta na lang sa kwarto. Nasabihan ko na rin si ate Shasha na aalis kami dahil bibili kami ng mga gamit kaya ayon maliligo muna daw sya

Tapos na ako maligo at nag suot lang ako ng palda na di naman gaano ka ikli at white na sando. Nag jacket rin ako at sinuot ang boots ko saka ako lumabas ng kwarto ko. Paglabas ko sakto naman na nasa labas na ng pinto ko si ate Shasha kaya niyaya ko na siya. Habang pababa kami nakita ko ang mga royalties at 'yung apat kong kuya. Napansin ko rin na nakatingin sila sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay

"Tsk!" sabi ng mga royalties at ng kuya ko except kila kuya Nathan, kuya Niel at Cassy

Diretso na sana kami lalabas ng tawagin ako ni kuya Niel

"Baby sis" tawag nito

"What" malamig kong sabi

"Hintayin mo kami"sabi pa niya

"Kala ko ba di kayo sasama? Kong napipilitan lang kayo wag na lang kayo sumama. Kaya na namin to" taray kong sabi

"Di kami napipilitan no! Matitiis ba namin ang bunso naming kapatid" sabi naman ni kuya Nathan

"Tsk" sabi ni Lucas at Gray. Oo! Lucas at Gray ang tawag ko sa kanila ayaw ko silang tawagin na kuya dahil galit ako sa kanila. Ng dahil sa kanila sobrang sakit ang naramdaman ni Althea. Ang dating may-ari ng katawan na 'to

"Talaga po kuya Nathan? kuya Niel?" ngiti kong sabi at niyakap silang dalawa. Napansin ko na ang sama ng tingin ni Lucas at Gray isama mo na rin si Alice



*********

When Mafia Girl Reincarnated As A Little Weak PrincessWhere stories live. Discover now