CHAPTER 18 - WHAAATTTT??!!

1K 28 0
                                    

Lucas's Pov

Habang kumakain kami kasama ang mga Royalties ay napansin kong may dalawang babae na lumapit kay Thea at naki-upo

"Sino yung dalawang babae na yun?" sabi ni Bert

"Ewan ko!.. bakit kami tinatanong mo?" sabi pa ni Agatha

"Ikaw! Ang bibig mo. Kong di lang kita kapatid baka--" sabi ni Bert

"Baka ano?!" sabi pa ni Agatha

"Haaysst.. bakit ba kasi nagkaroon ako ng kapatid na maldita" maktol ni Bert.. tinaasan naman siya ng kilay ni Agatha

"Tumigil na nga kayo.. ang ingay niyo!" sabi ni Cassy

Maya-maya pa ay umalis na sina Thea at 'yung dalawang babae

'San kaya yun pupunta?' tanong ko sa isip ko

Bigla namang may pumasok sa cafeteria at si Thea 'yun.. dala ang bag nila-- wait what? 'bakit dala niya yan? tatakas ba sila sa klase?'

Ng makalapit ito sa amin ay tinanong naman siya ng mga Royalties

"Bakit dala mo bag natin? wag mong sabihin na tatakas tayo lil sis?" sabi ni Nathan

"Hindi! Kasi sa section demon muna tayo papasok" diretsyo niyang sabi

"WHAT?!" sabay-sabay naming sabi

"Pero baby sis.. walang nagtuturo dun at mahina rin ang mga students dun" sabi naman ni Niel

"That's the reason kaya don tayo papasok"

"What do you mean?" sabi ni Cassy

"Dahil wala sa kanilang nagtuturo.. tayo ang magtuturo sa kanila" sabi nito

"Hahaha.. nagpapatawa ka ba? Ni hindi ka nga marunong makipaglaban dahil puro lang paglalandi kay Prince Durk ang inaatupag mo!" sabi ni Alice.. kaya tiningnan siya nito ng seryoso

"Mukha ba akong nagpapatawa?.. at kong inaakala mong di ako magaling sa pakikipaglaban.. nagkakamali ka dyan dahil kaya ko kayong talunin ng mag-isa at walang kapangyarihan na gagamitin.. at wag ka rin pala sumabat sa usapan na may usapan.. di ka ba tinuruan ng parents mo ng salitang respeto?" seryoso nitong sabi.

Kita ko sa mukha ni Alice ng galit, hiya at takot kaya ayun natahimik

"So ano na kuya Nathan.. kuya Niel.. ate Shasha at Cassy sama kayo?"

"G! game na ako.. mukhang maganda rin ang magturo" sabi ni Cassy

"Kayo kuya Nathan.. kuya Niel at ate Shasha?" nagkatinginan muna silang tatlo

"Haaysst.. may magagawa pa ba kami? Tara na!" sabi ng tatlo

Pagkaalis nila ay ito kami.. naiwan na nakanganga.

'WHAAATTT??!!!'


********

When Mafia Girl Reincarnated As A Little Weak PrincessWhere stories live. Discover now