Chapter 3

534 10 0
                                    

Naging madali naman para kay Martha ang pakisamahan ang bata. Bukod sa mabait at pagiging malambing nito ay naroroon din ang pagiging marespeto nito.
Mukang maganda ang naging papalaki ng kanyang ama, kaya mas nahirapan pa nga si Martha na pakisamahan ang amo dahil bukod sa laging siryoso ito ay mahahalata din ang pagiging suplado nito.

Hindi naman na siya nagtataka doon dahil binanggit na rin sa kanya ni manang corason na kahihiwalay lang nito sa asawa kaya madalas ay mainit ang ulo.

Ilang buwan na rin siyang namasukan sa mga
Buenavista ng dumating ang isang sofistikadang babae. Agad hinanap noon ang kanilang amo na si sir Franco.
Hindi man siya sigurado pero malakas ang kutob niya na iyon ang mommy ni alexa.

Lumapit si manang corason sa babae at agad na inalok ng maiinom iyon.

"Manang where is Franco and my Daughter Alexa?" wika ng magandang babae.

"Maam Jasmine wala po si sir Franco nasa trabaho po siya,kung gusto niyo po tatawagan ko siya para malaman niya na nandito kayo!" ani Manang corason.

"No manang pupuntahan ko nalang siya sa opisina,i just wanna suprise him!" ani Jasmine.

"ok  po maam!" ani manang corason.

Matapos noon ay agad rin umalis ang magandang babae ng hindi manlang nakuha silipin ang anak nito.

"Manang bakit po hindi manlang niya nagawang  silipin si alexa? ang tagal narin niyang hindi umuwi ah?" ani martha.

"Naku martha masanay kana ganyan talaga si maam Jasmine. Hindi kasi sa kanya lumaki ang bata lagi kasing nasa out of town or business trip kaya laging wala sa bahay." ani manang corason.

"ah ganun po ba buti po pumapayag si sir Franco na ganun si maam? Sino po nag aalaga kay alexa?" ani martha.

"may mga yaya naman na hinired si sir kaso umalis na sila. Yung isa umuwi ng probinsya dahil nagkasakit ang asawa. Yung isa naman pinagtigil na ng anak na mamasukan,kaya hayon madalas ako ang nagbabantay sa bata at pag walang pasok si sir siya naman!"paliwanag ni manang.

Napaisip si Martha sa mga nalaman,nakaramdam siya ng awa sa bata dahil pakiramdam niya ay kulang sa kalinga ng ina ang bata.

Samantala madilim ang mukha ni Franco ng makitang papasok ng opisina ang kaniyang asawa na tila ba walang nangyaring pang-iiwan.

"What are you doing here?" ani Franco.

"Why? is it bad to visit my husband?" ani Jasmine.

"You shoudn't  be here, get out of here!" galit na wika ni Franco.

"Franco,im sorry! I came here beacause i just want to fix our family..lets start again for alexa please.?" ani Jasmine.

"Its too late Jasmine,wala ka ng babalikan kaya makakaalis kana!" ani Franco.

"Honey please give me a second chance,promise magbabago na ko!" ani Jasmine.

"makakaalis ka na!!" ani Franco.

"Kung ayaw mo kong tanggapin fine....kukuhanin ko si alexa. im her mother and i have the  right to be with her." galit na wika ni Jasmine.

"Sa tingin mo hindi ko iyan napaghandaan Jasmin? i have all the evidence para patunayan na hindi ka karapat dapat maging ina ng anak ko!" ani Franco.

"Hindi pa tapos franco,gagawa ako ng paraan para makuha si alexa." ani Jasmine at umalis na ng opisinang iyon.

Mainit ang ulo ng dumating si Franco sa bahay ng gabing iyon agad niyang pinuntahan si alexa upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito upang silipin kung tulog na ba iyon.

Inabutan niya na nakahiga na ito habang binabasahan ng story book ng yaya nito na si martha. Napapansin niya na napapangiti ang anak niya habang nalilibang sa binabasang story ng kanyang yaya. Matagal na niyang huling nakita ang anak na masaya tulad ng gabing iyon.

"uhmmmm" tikhim ni Franco.

"ah sir nandiyan na po pala kayo! mabuti po at inabutan niyo pa na gising si alexa!" ani Martha.

"Thank you martha, you can go to your room,magpahinga kana, ako na magtutuloy ng pagbabasa ng story sa kanya tutal wala naman akong pasok bukas." ani Franco.

"Ok po sir!" ani martha.

"Bye mommyah!" malambing na wika ni alexa at yumakap pa kay martha bago umalis.

"Bye baby,be a good girl ha!! goodnyt!" ani Martha.

Napapangiti naman si Franco sa closeness ng dalawa. Pakiramdam niya ay nababawasan ang pangungulila ng bata sa kaniyang ina sa tulong ng yaya nito.

"How are you sweetie?" ani Franco sa anak.

"Im good daddy! Im enjoy playing dolls with mommyah!" ani alexa.

"what do you mean mommyah?" ani Franco.

"mommyah is taking good care of me like a real mother,thats i called her mommyah." ani alexa.

"are you happy kahit wala na ang real mommy mo?" ani Franco.

"i missed mom,but im happy now beacause of mommyah!" ani alexa.

"Ok sige,mabuti pa matulog kana para bukas mamamasyal tayo kasama si mommyah!" ani franco.

"yehey!!! ok dad goodnyt i love you dad!" ani alexa.

"i love you too sweetie!" ani franco at hinalikan sa noo ang anak.

Matapos mapatulog ang anak ay nagpunta siya sa lamesa sa harap ng swimmingpool.
Hindi si franco makatulog dahil naaalala pa niya ang banta ni Jasmine na kukuhanin nito ang anak niyang si alexa. Nag-aalala parin siya na baka maagaw nito ang bata dahil sa batas ay mananatili ang custody ng bata sa ina habang wala pang isang taon.
Habang lumalagok ng alak ng mapansin niya si martha na papuntang kusina.

"Martha? tawag ni Franco.

Napakingon naman si marthha ng marinig ang baritonong boses ng amo.

"Sir? may kailangan po ba kayo?" ani Martha.

"bukas maaga kayong gumayak ni alexa at mamasyal tayo,ipapasyal natin siya sa mall!" ani Franco.

"Ok po sir!" ani Martha.

"Sige na magpahinga kana..Goodnyt!" ani Franco.

Agad narin tumalikod si Martha at iniwan na ang amo sa harap ng swimming pool.

The Substitute Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon