Chapter 10

439 7 2
                                    

Naging maluwag narin sa pakiramdam ni martha ang sandaling iyon sa pagitan nila ni Franco. Nakuha niyang magpakatotoo kahit sa huling pagkakataon na makakasama niya ang mag-ama. Hinayaan niyang makulong siya sa malaking bisig ng lalaki,iyon na marahil ang huling beses na mararamdaman niya ang mainit na yakap ni Franco.

Kinabukasan tulad ng napag-usapan ay ihinahatid siya ng mag-ama sa bahay nito.
Hindi na hinayaan ni martha na bumaba pa ng sasakyan ang mag-ama dahil ayaw na niyang makita na umiyak si alexa.

Matapos ibaba ang kaniyang mga gamit ay agad na rin siyang pumasok sa loob ng compund nila.

"Apo ano ang nangyari bakit bigaan naman yata ang pag-uwi mo?" wika ni lola clara

"Lola tapos na po yung contract ko,kaya umuwi na ko..pasensya na at hindi ako nakapag sabi agad." ani martha.

"Ayy ganun ba ah sige hija ipasok mo na iyang gamit mo sa kwarto mo at ipaghahanda kita ng mamimiryenda!" ani lola clara.

"Sige po Lola! salamat po!" ani martha at dumiretcho na ng kwarto.

Nakaramdam ng pagod si martha ng mahiga sa kama, naninibago siya sa katahimikan sa paligid dahil tanging ang lola clara lang niya ang naroroon. Naalala niya na kapag ganitong oras ay nasa playroom sila ni alexa at naglalaro ng paborito nitong manika.

Samantalang malayo parin ang tingin ni Franco ng mga sandaling iyon. Ilang oras palang mula ng mawala si martha ay napakalaki na ng pinagbago ng paligid.
Naging malulungkutin si alexa at madalas ay umiiyak iyon kapag naaalala si martha.

Unang gabi na wala si martha sa pamamahay na iyon ng samahan ni Franco si alexa sa kwarto nito upang basahan ng paborito nitong story. Hindi pa nagsisimula ang pagbabasa ng kwento ay umiyak na agad si alexa.

"Daddy i missed mommyah!" ani alexa.

"sweetie wala na dito si mommyah,nandun na siya sa kanila dAhil kailangan niyang samahan yung lola niya!" ani Franco.

"daddy ayoko matulog ,i want to see mommyah!" ani alexa.

Matinding lungkot ang naramdaman ni Franco ng makitang nasasaktan ang anak na si alexa. Gusto man niyang patahimikin si martha ngunit tila malabong mangyari yun dahil kay alexa.Hinahanap-hanap ito ni alexa
kaya minabuti niyang idial ang numero ng cellphone nito..

Nakakailang ring na iyon ngunit walang sumasagot...sinubukan noyang i-dial ng tatlong beses ngunit tila wala iyon planong sumagot. Walang nagawa si Franco kundi ang yakapin si alexa at aluin iyon.

" Im sorry sweetie,pero busy si mommyah mo..siguro napagod sa biyahe natin kanina kaya nakatulog agad." ani franco.

"pero daddy bakit hindi niya ko tinawagan,hindi ba niya ako namimiss?" ani alexa.

"sigurado ako miss na miss ka na nun! baka kaya hindi ka niya natawagan kasi gusto niya makapagpahinga ka ng maaga dahil napuyat tayo kanina." ani Franco.

"Ok daddy tomorrow nalang po natin tawagan si mommyah! goodnight daddy i love you!" ani alexa.

" goodnight sweetie i love you too" ani franco.

Nang makatulog si alexa ay marahan siyang bumaba ng kama para  pumunta sa kwarto niya ni martha. Nahiga siya sa malambot na kama at doon siya lalong nangulila ng maamoy ang nakakapit na amoy ng dalaga.
Kinuha niya ang unan ng dalaga at niyakap iyon. Sa ganun paraan lang ay maramdaman pa rin niya na kasama niya ito.

The Substitute Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon