Chapter 5

507 11 0
                                    

Hindi dalawin ng antok si martha ng gabing iyon. Kailangan niyang magdesisyon kinabukasan para maisagawa ang plano ng amo.

Para kay martha madali lang ang magpanggap na asawa nito at sigurado ako na sinuman babae ang offeran noon ay hindi na magdadalawang isip na tanggapin iyon.
Ang hindi lang niya gusto ay ang katotohanan na masisira ng tuluyan ang pamilya ni alexa ng dahil sa kaniya. Dagdag pa dito ay maaring masira ang relasyon nila ni Grey kapag nalaman nito ang set-up na iyon.

Kinabukasan habang naglalaro ng manika si alexa sa sala nakita ni martha kung paano singhalan ni Jasmine ang anak. Gusto ng bata na ayain maglaro ang ina ngunit wala iyon pakialam dahil busy na busy iyon sa kase-cellphone.Noon niya naisip na
tama ang sinasabi ni Franco na walang ka amor-amor si Jasmine sa anak nila.
Agad niyang nilapitan si Alexa  na ngayon ay nagsimula ng humikbi kaya inaya  niya sa kwarto nito para doon maglaro ng manika.

Minamasdan ni Martha ang kanyang alaga habang naglalaro ng manika sa ibabaw ng kama nito. Naawa siya sa bata dahil kahit na matagal siyang hindi nakasama ng mommy nito ay hindi manlang ito nagawang bigyan ng oras na maka-bonding nito.

Isang desisyon ang nabuo sa isip niya ng sandaling iyon. Tatanggapin niya ang offer ng amo na maging substitute wife nito para kay alexa.

Nang ipatawag siya ni Franco ng gabing iyon sa opisina nito ay agad narin siyang sumunod. Siryosong-siryoso ito habang nakatingin sa monitor ng laptop nito.

"Umupo ka muna martha. Napag-isipan mo na ba ang offer ko sayo kagabi?" walang paligoy-ligoy na wika ni Franco.

"Opo sir pumapayag na ako sa offer niyo." ani Martha.

"Thank you martha, malaking bagay ito para sakin. Dont worry gumawa ako ng agreement sa kasunduan natin na ito. Here!" ani Franco.

Agad kinuha ni Martha ang papel na inabot ni Franco para basahin iyon. Nakalagay sa kasunduan na maximum days ng kasunduan ay 90days. Mapaalis man nila ang asawa nito ng mas maaga ay makukuha parin niya ang 250k at hindi na nito sisingilin ang 250k na utang sa pagpapa hospital kay alexa ng maaksidente ito. Nakalagay din doon na ang mga pwede at hindi pwedeng gawin habang nasa ilalim sila ng kontrata.

"Sign it martha para narin sa safety mo iyan!" ani Franco.

Tumango naman si Martha at pinirmahan ang kontratang iyon bago ibalik sa kay Franco

"Maaga tayong aalis bukas para ibili ka ng ilang kagamitan mo, bibili din tayo ng ilang damit na mas babagay sayo para hindi palaging ganyan ang outfit mo. Hindi naman sa nirereject ko yung taste mo pero kailangan mong ipakita kay Jasmine na hindi nakapagtataka na nagustuhan kita dahil mas higit ka sa kanya." ani Franco.

"Sir paano si manang corason,hindi kaya nila sabihin kay maam Jasmine na gawa-gawa lang natin ito?" ani Martha.

"Dont worry martha nakausap ko na si Manang at alam ko na nasa akin ang loyalty niya,isa pa hindi naman sila close ni Jasmine dahil may pagka matapobre si Jasmine." ani Franco.

"Ok po sir!" ani Martha.

"Dont call me sir lalo na kapag nandiyan si Jasmine.Simula bukas you can call me Babe" ani Franco.

Napatingin nalang si Martha sa amo.
Na tila nabibilisan sa mga nangyayari.

Tulad ng sinabi ni Franco alas otso palang ng umaga ng umalis sila ng bahay. Ibinilin ni Franco ang anak kay manang corason hanggat wala pa sila.

Pumasok sila sa isang botique ng mall kung saan pumili sila ng dress na babagay sa kanya. Isang  red backless dress na hapit sa katawan ang iniabot sa kanya ni Franco.

"Try this one, sigurado ako bagay iyan sayo!" ani Franco.

"Sir litaw na litaw naman ang likod nito baka naman lamigin ang baga ko nito!" natatawang wika ni martha.

The Substitute Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon